Chapter 27 - owT part 1

596 45 13
                                    

"Behind every sweet smile,
there is a bitter sadness that
no one can ever see and feel."
- Tupac Shakur


Day 1 - Bagiuo.

10:37 am.

"H'wag kang magulo Priv, gusto ko pang matulog."

Reklamo ko dito, napakagulo eh. Pinapalo ba naman ako nang unan walangya ampota.

"Hindi pwede! Si Vero nagtatawag sa'yo eh, need na natin kumain ng breakfast." Gigil nitong sabi. Potek, antok na antok ako dahil hindi ako nakatulog gaano sa byahe.

Alas tres o alas kwarto kami umalis? Basta maaga tapos ang mga walangya eh biglang dumating sa bahay kaya ang ending walang nakatulog hanggang bus ay hindi nila pinalagpas.

Kaya pagdating na pagdating sa hotel ay natulog agad ako pero kulang sa oras.

Nga pala kaming tatlo nila Vero ang magkakasama sa kwarto habang yung tatlong lalaki syempre sila ang magkakasama. Tatlo kasi kasama si Colton, nakakagulat nga na saamin sumama hindi sa tropa n'ya.

"Eto na, h'wag mo'kong alugin walangya ka naman eh, nahihilo ako."

Binalibag ko ito nang unan and boom bullseye! Ang lamig juskopo. First time kong makapunta dito kaya naninibago ako nang sobra.

Lumabas na kami ni Priv at nilock ang room namin. Hinatak naman ako nito sa elevator at hindi ako umangal, hinang-hina talaga ako dahil sa kulang aki sa tulog. Tapos etong si Priv at Tosh eh ang hyper parin.

Penge nang energy jusme.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami, maghahanap pa sana kami ni Priv pero mukang hindi na. Kitang-kita dito kula sa entrance si Toshi na nakakatayo at nakataas ang dalawang kamay habang kumakaway. Galing, walang hiya talaga.

Naglakad kami papunta sa table namin ng mahagip ng paningin ko si Claire. Kumaway ito at tinanguan ko naman.

Now i know kung bakit sa mga nakalipas na araw ay pilit ko s'yang nilalayuan o kinaiinisan ay dahil sa ikinatatakot ko na baka mangyari rin saakin yung nangyari kay Sidra, seeing her now feel different.

"Nakatulala ka jan?" Dinunggol ako ni Tosh kaya napabalik ako sa wisyo.

Nakita ko na may nakalagay na sa plate ko at sinenyasan naman ako ni kupal na si Vero ang kumuha nang pagkain saakin.

"Mic test"

Maraming nagulat dahil sa biglang tunog, isa na ako do'n. Lintek.

"Students, eyes on me" Dahil sa sinabi nito ay kan'ya-kan'yang ayos ng pwesto para makaharap kung nasaan si Dean. "Ipapaliwanag ko na ang mangyayari sa tour na to"

"This tour is an early break para sainyong college students since kakatapos lang ng first sem" Kahit na matatanda na kami ay napa-yes parin kami at parang mga bata kung makangiti. "Etong tour na to ay hahayaan kayo maglibot, magpahinga o kung ano man ang gagawin niyo bahala kayo."

"Pero..." Pa-suspense pa eh "Pero dapat ay sumunod kayo sa mga rules na sasabihin ko" At nagsimula na nga si Dean, may curfew dahil sa gabi ay may mga activities silang hinanda, at kailangan namin pumirma nang waver, at kung ano pa.

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now