Chapter 22 - Sorry

549 43 0
                                    

"The word happy would lose
its meaning if it were are not
balanced by sadness"
- Carl Jung

Bakit sila Sai at Nana pa?

Hindi ko inaasahan na silang dalawa yung mapapahamak, masyado yata akong naging kampante na saakin lang iikot ang buong storya.

Ngayon lang ako umiyak ng gan'to, kahit kailan hindi pa ako umiiyak dahil sa pinalaki ako nang tita ko na maging malakas dahil sa dalawa nalang kami sa buhay at wala akong oras para umiyak dahil wala akong aasahan para patahanin ako. Miski nung namatay ang tita ko ay hindi ako umiyak dahil kailangan ko magtrabaho pagkatapos n'yang ilibing

Pero nang makita ko sa sahig si Sai at Nana na duguan at walang malay ay wala akong nagawa at umiyak nalang sa tabi nila.

Mabuti nalang ay kasama ko si Zach sa oras na yon at s'ya ang umasikaso na tumawag ng ambulansya at tawagan ang magulang namin at ang iba pa.

"Sid, kumain ka muna oh" Napatingin ako kay Tosh na nasa harapan ko ngayon at inaaabot ang pagkain na binili nila ni Zach.

"...Isang himala na hindi napuruhan ang ulo ng anak n'yo at tanging sa muka lang s'ya napuruhan, kaya bukod do'n ay wala nang problema. Kailangan lang magpahinga ng anak n'yo para bumalik ang lakas nito." Rinig kong sabi ng doctor sa magulang ko.

"Isa pa po, h'wag kayo magalala Ms. and Mr. Stanford gigising din ang anak niyo." patuloy nito.

"d-doc..." Lapit ng isang ginang kasama si Anna. "P-paano naman po yung a-anak ko?" Nangingiyak-ngiyak na tanong nito.

"Ms. gaya ng sinabi ko kanina, walang tiyak na oras o araw kung kailangan gigising ang anak niyo dahil sa ulo ito tinamaan at napuruhan." Hinto ng doctor sa pagsasalita at bumuntong hininga at nagpaalam din agad matapos sabihin ang ibang detalye.

"Sid anak, uuwi muna kami ng Dad mo ah... para kumuha ng gamit mo at sa kapatid mo... hintayin mo nalang ang Ate mo." Hindi ko nalaman na naka-lapit na pala saakin si Mom, simula ng dumating ito sa hospital ay hindi na natigil sa pagiyak ito.

Tumango nalang ako bilang sagot dahil sa parang wala akong lakas magsalita o gumalaw sa kinauupuan ko na nakatabi sa gilid ng kama ni Sai.

Nang makaalis ang magasawa ay natira nalang kaming anim sa loob, tumingala ako ng konti at tinignan ang orasan sa may pader.

11:51 pm

Ilang oras na rin pala ang nakakalipas simula ng madala sa hospital sila Sai.

"Umuwi na kayo." Salita kona hindi lumilingon sakanila.

"Pero Sid, wala kang kasama, hintayin nalang namin dumating dito ang a---"

"Kaya ko, kaya umuwi na kayo." Putol ko sa sasabihin ni Zach.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga nangyari, gusto kong sisihin yung mga gumawa nito sa dalawa pero alam kong lahat ng nangyayari ngayon ay dahil saakin.

Nabago ang lahat at may dumagdag na problema nang dahil saakin.

"Mauna na kami, babalik nalang kami ulit dito bukas" Salita ni Vero at narinig ko itong tumayo.

"Pero Vero..."

"Tara na Toshi at Zach." Matigas na sabi ni Vero.

Rinig ko naman ang angal nung dalawa at pangungulit ni Priv na ayaw pang umalis, kahit gusto ko nang kasama ay masyadong ng gabi mas mabuti na umuwi nalang sila kesa idamay ko sa problema ko.

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now