Chapter 10 - Scared

633 45 5
                                    

"Good times + Crazy friends
= Amazing memories"
-

"Psst pakopya." Tawag saakin ni Toshi na may pakalabit pang kasama, hambalusin ko kaya to muka ba akong may naisasagot? hirap na hirap nga rin ako, meron sagot ng utak ko, onti lang pero syempre keep quiet lang bahala sya jan.

"Mr. Masuda!" Sigaw ni itlog, ayan hule ka ngayon lagot to mamaya kay Vero napangisi ako sa scenario na naiisip ko, deserve Tosh deserve.

"Ansakit ng head ko my ghad, pakopya Sid pretty please." Bulong naman ni Priv putangina isa pa to, lasing lasing kasi eh ayan tuloy, buti nalang hindi ako uminom ag nakigaya sakanila kagabi na marami ang ininom, ayoko na sumayaw ng budots jusme nakakahiya yon may video si Vero non at paulit ulit na sinesend sa gc namin.

Dahil mabait ako syempre hindi ko ito pinansin, pag ako napalabas masasakal ko tong dalawa ang gugulo jusmeyo naman.

"MASUDA! STANFORD! CALVIAR! Get out, DETENTION!" Ayan na nga putangina, ansarap manakal ng tao, mamaya sila saakin.

Nagmamadali kaming lumabas na tatlo dahil galit na galit na si itlog muka na syang itlog na pula, yung dalawa ayon lambot na lambot may hangover yata natagpuan kasi ni Vero tong dalawa sa ibang table nakikiinom ang palusot nung dalawa eh hindi na raw nila alam kung saan ang table namin kaya umupo nalang sila basta dahil sa ulo, napakagaling diba.

"Putangina niyo, ingay niyo kasi eh!" Sabi ko at umirap sakanila hindi naman ako galit pero kasi sayang yung exam pagsinumpong si itlog eh baka umulit kami, naglakad nalang ako papunta sa detention kesa maggala buti pa do'n naka aircon hindi ako pagpapawisan at hindi rin ako mapapagod.

"What the hell, Nagmunura si Sid?" Rinig kong sabi ni Priva, juskopo hindi nga pala nagmumura si sid, kahit naman ginawang masama ang ugali nya sa story eh hindi naman sya badgirl na puro kalokohan ang ginagawa, Sid is an achiever kung sasabihin ko ang mga katangian n'ya she's very serious pag dating sa studies.

"Nagmura si Sid?" Tanong ni Tosh, lutang ampota anlala na nilang dalawa.

Detention Room

"Kumatok kana Tosh." Utos ko dito.

"Bakit ako? Katok kana Priv maganda ka naman." Panguuto ni Tosh, baka gumana, tanga Tosh si Priv pa talaga inuto eh mas mataas pa sa mount everest ang kahanginan nyan.

"I know Toto, tsaka mas bagay na ikaw ang kumatok muka ka namang kilala jan at taong detention ka kaya." Pangbabara ni Priv, ayan nanaman po sila hindi pa yata kami makakapasok pag hinintay ko sila matapos.

"Ako na nga." Pagitna ko sa kanilang dalawa jusme.

Tok-tok

Katok ko dito, buksan nyo naman kung sino tao dito, mainit kaya dito sa labas.

Tok-tok
Tok-tok
Tok-tok

Gumaya narin si Priv at Toto saakin dahil walang nagbubukas, punyemas bingi ba mga tao dito bakit ayaw kami pagbuksan parang gusto ko tumakas.

"Wala naman yatang tao dito o kaya naman mga bingi sila, ang init kaya dito sirain ko yang pintuan nayan eh." Pagsasabi ni Toshi na hindi napansin na may taong nagbukas na sa pinto may pa talikod talikod pa kasi eh pota nakakahiya ka Tosh, isa kang malaking malas.

"Talaga ba Toshi Masuda?" Sabi nung nagbukas, tawang tawa naman tong isa dahil sa kahihiyaan ni tosh.

"Pasok, nakakagulat na makita kayong dalawa dito kung si Toshi lang eh sanay na ako pero kayo? Nakakapanibago." Sabi nung babae at dumeretso sa isang table at umupo.

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now