Chapter 30 - Claire

610 44 7
                                    

"The more you hide your
feelings for someone.
The more you fall for them."
-

Papasok palang ako pero gusto kona agad umuwi at bumalik sa higaan ko. Kulang yung 3 days na walang pasok. Pagod parin ako.

Mina-obra ko ang kotse ko at pumunta kung saan lagi kaming nagp-park nila Tosh.

Himala na nandito na si Tosh, ako nalang pala ang kulang. Nandito narin si Priv eh. Wow mga hindi late sa call time ah.

Ting!

Colton:
Nasa may gate lang ako
do'n nalang tayo magkita.

Isa pa to, babatukan ko to pag nakita oo s'ya. Wala ba namang tigil kaka-contact saakin para mag-usap kami kung anong gagawin namin sa sinabi n'ya. Walangya.

Nakauwi kami nung sunday tapos tatlong araw na walang pasok para makapagpqhinga raw at makapagkompleto nang requirements.

Pero hindi naman kami nakapagpahinga lalo na kami nila Toshi at Colton dahil salitan ang shift namin sa shop, kinuha ko kasi ang shift na umaga dahil nalaman nila Ate na nagtatrabaho ako kaya sa tatlong araw ay maaga akong umuuwi.

Bantayan ba naman ako ni Ate, ansaya. Kaya ayon never kami nagkausap ni Colton at ngayon na may pasok na todo ang kulit nito saakin.

Ewan ko rin bakit hindi pa namin maisipan na magresign sa part-time job namin kahit wala naman na kaming pagkakagastusan at naibalik na kay Tosh ang cards n'ya pero eto kami tuloy-tuloy parin.

"Yo."

Napatingin ako sa biglang sumulpot, hindi ko ito pinansin dahil naiirita na agad ako sa pagmumuka nito. Kung makulit si Colton, pinakamakulit to. May sayad eh.

"Sa gwapo kong 'to, hindi mo'ko papansinin?" Punta n'ya sa harap ko na nagsanhi na patigil ako sa paglalakad.

Putangina.

Iniwasan ko ito at dumeretso maglakad, rinig ko pa ang bulungan ng mga nadadaanan kong babae dahil sa taong sumusunod saakin.

"Saglit lang naman!"

Nakarating ako sa may gate at nag-tap ng Id para papasukin ako.

"W-wait!"

"Oy Sidra."

Lumapit ako kay Colton ng makita ko ito, kumaway-kaway pa sa'kin pero napatigil din dahil sa pagkunot ng kilay.

"Oy Toshi!" Nilagpasan ako nito at pumunta sa taong humahabol saakin kanina pa. Tanga ampota. Wala kang kwenta Colton.

"Bro, bakla kaba? Bitaw."

Napatawa naman ako sa reaction nung isa at tumakbo saakin habang nagpapagpag, sabay tago sa likod ko at bumulong na sino bayang lalaki nayan at makayakap daw ito ay wagas.

"Bitaw."

Sabi ko dito dahil sa nakahawak ito sa bewang ko, manyak talaga jusme.

"Prank ba 'to Tosh? Gago ka." Hindi pa nagtigil si Colton at nilipitan yung isa at niyakap lalo. Juskopo sa daming makakasama bakit etong dalawa pa.

Pinagtitinginan na kami dito nang mga pumapasok dahil sa mga ginagawa nila, tapos grabe pa magmura itong isa.

"Bakit kaba nandito Tantan?"

"May ibibigay lang ako kay Tosh, at pa'no mo nagagawang malaman na hindi ako si Tosh?"

Tantan Masuda, kakambal ni Toshi. Kung gaano kaloko at katamad si Tosh sa pagaaral ay kabaliktaran ni Tantan, eto kasi ay inborn na matalino na pero ayaw magaral at hindi s'ya maloko pero babaero.

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now