Chapter 21 - Leader Who?

501 41 2
                                    

"Tears are words the
heart can't express."
- Gerard Way

"Anong tawag sa lugar ng pinagtatrabahuan ng mga isda?"

"Ano?" Bagot na sagot ni Zach sa tanong ni Tosh.

Nandito kaming tatlo ngayon sa garden, dahil sa gaganapin na battle of the bands mamaya eh wala kaming klase dahil busy halos ang mga prof sa pagaayos ng field dahil sa mga darating na bisita.

"Edi Offish HAHAHAHAHAHA." Tanginang tawa yan parang naghihingalo.

"Walangya namang yang mga joke mo pre, panahon pa ng kastila yan eh." Pagrereklamo nung isa. Kanina pa kasi kung ano-anong tinatanong ni Tosh tapos ang corny nung sagot kaya pati ako naiinis na imbis na matawa.

Ewan ko ba, bakit itong dalawa ang kasama ko eh kanina naman kompleto pa kami, parang nagsisisi na ako na hindi sumama kela Vero sa office nila hays. Si Priv kasi hinatak ng mga kasama n'ya sa cheerdance kaya ang ending eh itong dalawang mokong ang kasama ko sa pagpunta ng garden.

"Sige nga oh, ikaw mag joke." Balik na sabi ni Tosh, ang nakakainis pa dito eh pinagigitnaan nila ako tapos ang lalakas ng boses mga hinayupak.

"Oh eto, anong cow ang corny?" Seryosong sabi ni Zach.

Parang mas gusto ko nalang mag pratice kesa makinig sa mga joke nilang dalawa, sumasakit lalo ang ulo ko eh mainit na nga sumabay pa tong dalawa.

"Ano?"

"Edi e-cow." Juskopo, pinatulan pa nga.

"Aba'y loko ka ah, tara suntukan oh." Yaya nung mokong at tumayo pa at yung isa naman naka ngisi lang at inaasar pa lalo. Hindi ko alam kung umariba nanaman ang pagiging isip-bata nila o sadyang bored lang talaga.

Kung hindi lang kami naunahan ng mga nursing students sa music room edi sana hindi kami tatambay dito.

"Ay eto nalang mga mare, " Sabat ni Tosh, "Kumakalat ngayon sa buong University yung frat na nabuo sa high school department tapos ang leader daw eh si Jake."

"Jake?" Tanong ni Zach

"Jake Grayson pre, as in Jake na gustong-gusto ni Sid na ngayon ay manliligaw ni Claire." Ngiting sabi ni Tosh at nag thumbs-up pa na proud na proud sa sinabi n'ya, putangina bakit kailangan isama pa yon?

Sinamaan ko silang dalawa ng tingin nung tumawa si Zach dahil sa sinabi nung isang mokong.

"Uso pa pala ang frat?" Pagtatakang tanong ni Zach ng tumigil itong tumawa.

"Baka kagagawan ng mga member ng fraternity dito"

What the heck, naalala ko yung sinabi ni Nana kahapon. Wala naman sa original story itong scene na may fraternity na ginawa si Jake, pero kung s'ya yung may gawa ng frat... Anong reason bakit kailangan gawin yon sa mga junior?

"Nakakapagtaka nga eh," Sarap talaga hambalusin nitong ni Tosh magkukwento tapos putol-putol kung magsabi, "Bakit sa mga junior s'ya nagr-recruit?"

"Dalawa lang yan, una, may kasama s'ya sa junior nung ginawa n'ya yung frat. Pangalawa naman minors talaga ang target na member ni Jake." Sabat ko, yan lang ang nakikita kong way kung bakit sa junior sila nag papasali.

"May point, kasi pag minors ang kinuha nila at pag-inutusan nila yon ng kung ano-ano na labag sa rules ng school at nahuli, hindi agad mapaparusahan kasi bata pa." Patango-tango na sabi ni Zach.

"Hindi katulad saating college na pag may nilabag tayo eh bagsak agad sa isang sub o kaya hindi makakagraduate, samantalang sa junior need ng guardian tapos tsaka magdedesisyunan." Pagpapatuloy pa nito.

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now