Chapter 33 - Start

511 39 9
                                    

"The greatest discovery of all time
is that a person can change
his future by merely
changing his attitude."
- Oprah Winfrey.

"Sid, table 10."

Kinuha ko ang tray na may lamang pagkain at dinala sa table 10, isa-isa kong nilapag ang order nila at chineck kung kompleto na.

"Wait lang, can i get your name?"

"I will tell you my name if you order our best selling dessert." Ngiti ko dito pero nakangisi ako sa loob ko. Grupo nang mga kababaihan ang table na to na sa tingin ko ay mga college students din pero hindi taga-Clarion.

"Okay then, get us that dessert."

"Jane, one deluxe for table 10!" Sigaw ko sa kitchen.

"Gumagaling ka mang-uto ah."

Isang linggo na ang nakakalipas mula magsimula ang klase namin, at isang linggo na rin akong nagtatrabaho dito sa resto ni Ate. Kaya pag tapos ng klase ko ay deretso ako, huminto muna rin ako sa part-time job namin nila Tosh sa tan coffeeshop.

"Sid, sabi nang Ate mo i-assist mo raw ang mga kaibigan n'ya sa VIP room pag nandito na. Mga kakilala mo raw yon." Sabi ni Jane na matagal naring nagtatrabaho dito at nakaclose kona rin.

"Okay."

"Ngumiti ka naman! Maganda ka nga hindi naman ngumingiti."

Hindi ko to pinansin at naglibot sa loob para mag-assist ng mga costumer. Nakaraan pa n'yan ako sinasabihan na ngumiti pero ayokong gawin.

"Cutie!"

Napatingin ako sa entrance at nakita sila Kae at ang iba. Kompleto ah. Nilapitan ko sila pero nangunguna na humarap saakin ay si Kae at kinurot agad ang pisnge ko.

"Pumapayat ka Cutie, wala nagaalaga sa'yo. Ako nalang kaya?" Nginitian ko ito nang konti at binati silang lahat.

Inabot ko ang braso ko kay Kae at agad naman nitong kinawit ang kamay n'ya dito. Naglakad na ako para dalhin sila sa VIP room sa taas kung saan sila gusto papuntahin ni Ate.

"This way, my sister is already waiting for all of you."

"Cutie ang seryoso mo, bakit ka nga pala nandito at ikaw ang naga-assist sa'min?"

"Kuya Ten is not around so Ate entrust her resto for me for awhile since lagi s'yang umaalis." Inalalayan ko si Kae sa pagakyat dahil sa taas ng hills nito.

Grabe ang pagod ko nung mga unang araw ko dahil sa ang daming binilin saakin ni Kuya Ten at kung ano-ano pang pinagawa na paperworks, bwiset s'ya pero ayos lang dahil nakakatuwa naman ang ginagawa ko.

Mukang nagpalit muna sila bago pumunta dito dahil sa mga attire nila na dress, mukang balak nila gumala pagtapos mag dinner ah.

"Ang gentlewoman, sana gan'yan din si Hera." Bulong ng katabi ko.

"Are you qualified to work here?" Napahinto ako dahil sa taong nagsalita, hindi na nga s'ya pinapansin eh nagsalita pa hays.

"Of course I'm qualified. I'm a Stanford afterall," Lingon ko dito, "And your friend sister." At nauna na maglakad.

Binuksan ko ang pintuan ng VIP room at bumungad saakin si Ate na nakaupo habang nagp-phone. Sunod-sunod naman nagsipasukan yung lima.

"Sid, you know the drill." I nod to my sister and left. Alam kona agad ang pinapagawa n'ya at kung anong pagkain ang pinapaluto n'ya.

VIP ROOM CONVERSATION

"Ena, may naiba kay Sidra." Salita ni Kaede sa kaibigan n'ya. After umalis ng kapatid nito.

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now