Chapter 34 - Graysons

529 40 3
                                    

"Nothing happens by chance,
by fate. You create your
own fate by your actions.
That’s Karma.
-

Nakakaantok magturo tong si Panot jusme. Niyaya ko nalang sana si Tosh sa detention kesa makinig dito. Akala ko hindi na namin magiging prof to sa second sem pero putangina naman pagkaminamalas ka s'ya nanaman.

"Sid, naisip ko la--"

"Nag-iisip ka pala?"

"Tangina naman."

"MR. MASUDA AND MS. STANFORD! GET OUT! mga wala kayong respeto!"

Napa-yes pa, tanginang reaksyon yan Tosh ipinakita pa na tuwang-tuwa eh, syempre ako rin pero bawal ipahalata. Ramdam ko na agad yung tingin ni Vero saamin halatang may sermon nanaman kami nito mamaya. Hays.

"Ikinagagalak naming umali---"

Binatukan ko agad si Tosh dahil sa sasabihin at hinatak na papalabas, sinenyasan ko naman sila Vero na itext nalang kami pag nasa cafeteria na sila.

"Ano nga pala yung naisip mo?"

"Ah kasi 'diba..."

"..."

"Nakalimutan ko putangina!"

Walastik nayan, wala talagang kwenta kasama to sa ganitong oras. Walang matinong sasabihin peste.

"Si Claire oh."

"Saan!?" Tarantang sabi ni kupal, nang mapansin n'ya na wala naman talaga si Claire ay sinamaan ako nang tingin. "Tanginang ngisi yan Sid, nakakatakot."

"Tara sa high school building, check ko lang si Sai."

"Sana all kay Priv, tamang practice lang sa pageant. Kailan ba yon?"

"last week nitong month."

Nagulat nalang kami nung nakaraan na sumali pala si Priv sa pageant para sa gaganapin na anniversary ng university kaya eto, hindi namin s'ya nakakasama dahil sa practice na ginagawa sa gym tapos paguwian naman eh naghahanda s'ya para sa talent n'ya kaya hindi na talaga namin s'ya nakakasama.

Kasali nga rin pala si Claire sa pageant. Hays.

"Hello Sidra."

Oh God, nakakasira nang mood tong gago na to bakit nandito to jusme naman sa daming makakasalubong isang hayop pa ang nakita namin.

"Oy Jake, buhay ka pa pala?"

"Of course Toshi, hindi ako basta basta nawawala mahirap akong alisin." Hintay kalang pre, next month wala kana dito sa Clarion.

Oh god, the nonsense he says gets worse by the day.

"Ah..."

"By the way, how are you Sid?" Iw ang panget, akala n'ya gwapo s'ya sa ngiti n'ya, gross. "It seems like you're happy to see me suffer because of Claire."

Buti alam n'ya na masaya ako na nahihirapan s'ya, sabagay hindi ko naman tinatago yon lalo na't nakakatuwa ang itsura nito pagna-papahiya s'ya.

"Of course not," Naglakad ako papunta dito at nilapasan ng konti para marinig n'ya ang susunod kong sasabihin. "I feel bad nga eh. And by the way rin Jake. You look handsome from behind, because we don't see that ugly face of yours."

"What the hell... Sidra! Tandaan mo yang sinasabi mo!" Blah blah. Mamatau s'ya kakasigaw jan.

Pikon ampota, s'ya itong unang lumapit tapos s'ya pa sisigaw at magagalit baliw talaga.

"HAHAHAHAHA gago ka, gano'n na pala ang way para sabihin na ang panget n'ya." Tawang-tawa naman tong kasama ko, makahampas wagas. Letse.

"Ate Sidra."

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now