Chapter 20 - Fraternity

512 47 4
                                    

"Breath. It's just a bad day,
not a bad life."
-

"Gusto kita Sidra."

"Sid, nawala yung ibang pages nung libro."

"I don't like you Stanford."

"ATE!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng sigaw ni Sai, punyemas naman napatingin ako dito sinamaan s'ya ng tingin. Onti nalang talaga may sakit na ako sa puso.

"Nasa gitna tayo ng highway Ate, bakit bigla-bigla kang humihinto?"

Sa sinabi n'ya ay napatingin ako sa paligid at naalala na sumabay nga pala ito saakin papasok, juskopo sa daming problema nab-blanko nalang ako bigla.

"Sorry." Sabi ko at pinaandar ulit ang kotse. Lutang ampota.

One month had passed, isang buwan na simula nung nahimatay ako at marami nang nangyari kaya siguro ako nagkakaganito ay dahil sa mga yon, hays. nagsabay-sabay yata, isa na do'n ang paguusap namin ni Vero. Hindi ko alam kung ano gagawin ko sa sinabi n'ya, pa'nong nawawala yung mga pages sa libro. tapos nitong mga nakaraan araw eh ang weird na rin pakiramdam ko.

Sabi kopa na baka may nagpunit, kaso ang sabi n'ya nawawala talaga na parang kusang naglalaho.

Pero hindi lang yon, minsan din kami nagusap ni Toshi at tinulungan ako nito kung paano mapalapit kay Miss Cleo pero olats eh, umamin lang ako busted agad, Dalawang linggo kona ito iniiwasan dahil kahit papaano eh may hiya pa naman ako, sobrang pangaasar ang inabot ko kay Tosh tangina non. Sabi na eh dapat talaga hindi ko sinusunod ang payo ni Tosh.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko nung hindi n'ya tinanggap yung pag-amin ko kaya kahit masakit sa dibdib eh tinanggap ko nalang kung ano yung sinabi n'ya.

Tapos isa pa yang si Claire, juskopo sakit sa ulo ako na nga ang lumalayo s'ya naman itong lapit ng lapit. Hindi ko alam kung paano n'ya ako nahahanap kahit lumalayo na ako sakanya. Hindi kona alam ang gagawin ko kaya hinahayaan ko nalang ito sa mga ginagawa n'ya.

"Ate." Napatingin ako kay Sai ng hindi parin ito nagsasalita matapos ako tawagin.

"Bakit?"

"Gala tayo sa sunday ah, tapos sama natin sila Mama. O kaya sila kuya Tosh at yung iba, tapos kain tayo sa resto ni Ate." Ngiting-ngiti na sabi nito saakin. Ay wow planado.

"Yun lang? Kahit sa saturday na natin gawin yan eh basta ba manalo ka mamaya at bukas sa laro mo." Balik kong sabi, nakaraan pa kasi n'ya ako niyaya na pumunta sa sa game n'ya at manood kaso dahil bukas na rin gaganapin ang battle of the bands eh kailan ko mag practice.

Biruin n'yo na isa palang basketball player itong kapatid ko naglalaro s'ya ngayon sa sportfest nila.

Ang bilis ng araw. Grabe.

"Talaga!?" Hindi naman s'ya excited, batang-bata pa talaga to. "Ayos na pala na hindi ka makakanood Ate ngayon at bukas, basta treat mo sunday ah yung pag naglaro tayo sa arcade." Napatawa naman ako dito at sumangayon nalang, sinabihan ko na rin ito na bilisan at magp-parada pa ako at bumaba na rin s'ya agad.

Pagtapos magparada ay bumama agad ako ng kotse at naglakad.

Sa dami ba naman kasing student eh bakit ako pa ang napiling vocalist, nakng tupa naman dahil dito eh isang linggo na akong pumapasok ng maaga.

"Goodmorning Miss Sidra."

Bati saakin ng mga nakakasalubong ko at binabati ko rin sila at nginitian, hindi na talaga nawala yung gan'yan simula nung concert. hanggang ngayon kalat parin ang video namin kaya kahit saan ako pumunta ngayon sa loob ng University eh kilala ako, hindi pa naman ako sanay sa ganito. Napabuntong hininga nalang ako.

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now