Chapter 3 - Siopao

844 67 3
                                    

"Change is not something
you can avoid or pretend is
not there. We all need to
embrace it and face
it head-on"
-Jay Shetty


Kriiing-kriiing~

Kriiiing-kriiing~

Dahan-dahan ako nagmulat ng mata sa narinig ko at naglibot ng tingin sa paligid kung nakabalik na ba ako o hindi, at ng makita kona gano'n parin at walang pinagbago eh tumayo na ako para patayin yung alarm clock na naka-set.

7:00 am

Pagkatapos kumain ng gabihan kagabi, umuwi rin agad yung apat, gusto pa nga nila sana mag-stay kaso pinilit kona na sa susunod nalang dahil baka kung ano-ano itanong nila sa'kin at iba ang maisagot ko, patay tayo jan. Nakatulog din ako kaagad dahil sa pag bantay saakin ni Mrs. Celes na hindi ko inaasahan.

Maaga pa at walang pasok, base sa pagkakaalala ko kahapon ay Saturday kaya ngayon ay Sunday syempre. Nagikot-ikot sa kwarto ni Sid at nangielam ng gamit n'ya ang tanging alam ko lang sakanya ay patay na patay ito kay Jake shutangina. Wala naman kasing ibang info ang binigay about kay Sidra tanging characteristics at ugali lang at konting background sa family pero yung mismong tungkol sakanya eh wala.

Katulad ng kung may allergies ba ito, o kaya naman ano favorite food at kung ano pa.

Literal na kontrabida talaga s'ya sa story, masama na patay na patay sa male lead at kayang saktan ang kahit sino. Hay ewan ko pero nagustuhan ko talaga si Sid nung malapit na matapos yung story bukod sa hindi n'ya ni-take advantage yung situation ni Jake eh nagstay talaga s'ya tapos palihim n'yang tinutulungan si Jake noong tumigil s'ya pag-pursue dito.

Nga pala ano na kayang year si Sidra dito, sa story kasi nagsimula ang lovestory nila Jake at Claire first day of first year college nila dahil nagkita ni Claire si Jake at yun na, na-love at first sight ang mga walangya hanggang sa magtapos sila at nagkatrabaho sila nagkatuluyan bwiset.

Napaupo ako sa kama at napatingin sa orasan, alas otso na agad? Gano'n na ako katagal nagiisip, grabe ah, makapag-ayos na nga.

Nang matapos akong maligo ay naghanap agad ako nang damit, napansin ko kahapon na masyadong revealing ang mga damit ni Sid, hindi ko kaya magsuot non kahit nasa katawan n'ya ako, sexy si Sid saktong dibdib, flat ang tummy kaya bagay sakanya ang lahat ng porma.

Kumuha lang ako ng simpleng white na hoodie na may heart shape na maliit sa gitna at jeans na black and white shoes, gusto ko lumabas at matingin tingin para maging familiar ako sa lugar na ito.

Yung balak kong hanapin ang katawan ko kahapon ay napurnada. Sana ay payagan akong lumabas dahil sa nangyari kahapon. Buntong hininga ko.

Tinignan ko ang sarili ko nang matapos ako magbihis at lumapit sa salamin, ang ganda na ang gwapo mo baka Sid 'to. Pumili ako sa closet ni Sid ng cap, need ko to at baka may makakilala saakin mahirap na, pumalpak pa ako sa pagsisinungaling.

Kumuha rin ako ng shoulder bag at phone na nasa study table na actually props lang, itong phone kasi eh hindi ko alam ang password piste, kinuha ko rin yung wallet incase na kung saan ako umabot.

Lumabas na ako sa kwarto at naglakad papuntang hagdanan, hindi pa man ako nakakalapit sa hagdanan eh may nagsalita sa likod ko.

"Goodmorning po Miss Sid." Gulat akong napatingin dito sya yung ginang kahapon nung umaga na nanggigising saakin.

"G-goodmorning din po." Alanganin kong sagot sabay ngiti at nagmamadaling bumaba at baka magtanong pa, eh hindi ako makaalis agad pag ganon.

Pagkababa na pagkababa ko, nabungaran ko si Mr. Sebastian sa sala na nagkakape habang may binabasa na mga papel punyemas naman oh.

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now