Chapter 31 - Drink

594 37 8
                                    

"Coffee first,
Scheme later."
-


"Yah! Sabi niyo sa gc busy kayo, pero bakit nandito kayong lahat?!"

Hay jusme, sumasakit ang ulo ko sa mga ito. Christmas break na Christmas break ngayon pero nakukunsume ako sa mga to. Tangina naman.

"Ayaw mo ba kaming makita? Nakakasakit ka nang damdamin. Ouch!" Putangina nitong kupal na to, s'ya itong nagsabing wala s'ya sa bahay nila dahil nasa probinsya nila ito, tapos eto pa unang nakarating dito sa bahay.

Bwiset.

Pwede bang ako nalang yung umalis tapos iwan ko sila dito? Gusto ko lang naman magpahinga...

"Nga pala, hindi mo manlang sinabi na nakauwi na si Sai!"

Bakit kailangan sumigaw? Itulak ko to eh.

"H'wag kang sumigaw Tosh."

Tumahimik si kupal, si Vero ba naman ang nagsalita eh. Tapos isabay mo pa ang tingin ni Hera sakanya. Pasaway ka ah.

"Ayoko sumama kela Mama, Christmas vacation? Eh reunion naman ang mangyayari, si Tantan nga tumakas eh ako pa kaya?"

Bugok.

"Same, nakakasawa sa palawan eh." Isa pa tong si Priv, etong mga to ayaw makasama ang mga pamilya nila. Mga baliw.

Pasko pa naman.

"What if, dito kami magpasko?"

Wow naman? Tanginang suggestions yan, parang mga walang pamilya na uuwian eh at dito gusto magcelebrate nang pasko.

Isa pa, buti wala yung isang kupal na si Colton. Kahit na ang tagal na namin nakakasama eh hindi manlang naisip ni Tosh isama sa gc namin kaya walang kaalam-alam siguro yung isa na gan'tong pangyayari.

"Nakadrugs kaba, Tosh?"

"What if lang naman."

Maiintindihan ko pa kung si Priv at Tosh ang mangunguna sa pangungulit sa'kin ngayon pero hindi ko rin naman inaasahan na nandito sila Zach, Hera at Vero na ngayon eh nakaupo sa sofa at humihigop pa nang kape.

Ka-galing talaga.

Tinanong ko dahilan nila kanina pero mga hindi sumagot, ang sarap kausap nilang tatlo. Panget ka-bonding.

"Nasa'n nga pala sila Tita at Tito, Sid?"

"Malay ko rin, simula nung nakauwi si Sai dito hindi eh mas lalo silang naging busy. Kaya si Ate ngayon ang nagaayos dito sa bahay."

Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan nung mag-asawa, pero dati naman ay nakakauwi sila galing sa trabaho pero ngayon eh ni-anino nila hindi ko makita. Kaya kahit ang daming ginagawa ni Ate eh pinipilit nitong umuwi para lang icheck kami ni Sai.

Hindi ko rin tuloy makausap si Dad para sa iniisip ko na plano para kay Jake.

Tok-tok

Napatigil kami dahil sa katok na narinig at dahan-dahan bumukas ang pinto at pumasok ang isang maid dito sa bahay.

"Miss Sidra, pinapababa na po kayo nang Ate niyo at kakain na." Patapos magsalita ay lumabas din ito. Nagkatinginan kaming lahat at isa-isang tumayo. Hindi ko alam na tanghali na pala, pag sila talaga kasama ko ay nakakalimutan ko ang oras dahil sa mga kalokohan at usapan na ginagawa namin.

Mga walangya rin tong mga to, kanina dito na sila kumain ng umagahan bago pumunta sa kwarto ko tapos ngayon eh pati tanghalian. Wow ah.

"Eto ang gusto ko, pagkain!"

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now