Chapter 11 - Birthday

606 48 4
                                    

"We age not by years,
but by stories."
-

It's already Friday, it's been a long week for me, and I'm relieved that the exams I had to sit for over four days are now over, biruin nyo two weeks palang nagstart magsimula ang first sem pero ang dami na agad nilang pinasagutan nakakainis. And also finding some clues to help me return to my real world is useless. I can't locate anything, and it makes me damn frustrated.

"Ate, do you like someone right now?" Kasama ko ngayon sa kotse si Sai, ewan ko nga bigla s'yang sumabay saakin tapos ang random pa ng mga tanong nya.

"I don't know hindi ko masabi eh, pero i have a crush?" Kibit balikat ko dito, crush palang naman mero'n ako tsaka na tayo lumandi pag may improvement na ako hindi naman kasi porket ayos ang lahat dito eh makikisabay na ako may problema akong dapat ayusin.

"Woah woah wait lang Ate, hindi naman yan yung Jake na mukang bibig ni ate Priva diba? I don't really like him for you" Pailing-iling pang sabi ni Sai, haha ako rin wag ka magalala sabi ko sa isip ko.

"Nope." Pagiling ko rin dito, nakita ko nalang itong tumango tango at parang masaya sa sinabi ko.

"Can i know who is it?" Tanong nito.

"Who?" Balik ko rin dito, nu-uh little boy masyado pang maaga para malaman mo tsaka hindi mona need malaman.

"Yung crush mo syempre." Ngiting sabi nya.

"Eh ikaw, do you like someone right now?" Hindi pwedeng ako lang kailangan ko rin makichismis, hindi naman kasi sila kasama sa kwento kaya wala akong alam kung anong nangyayari sa family ni Sid kaya eto na ang time.

"I don't know Ate, but, someone caught my attention." Namumula yung tenga nya matapos nyang magsabi, ay jusme nung kaedaran ko s'ya naglalaro pa ako sa computer shop ng farmville pero syempre iba na ang panahon ngayon kaya hindi ko rin ito masisisi.

"Is that Nana?" Napagusapan na kasi namin si Nana nung isang gabi pero hindi ito kumikibo, kinakabahan yata at hindi ako pinansin che.

"What?! No it's not her!" Nagulat naman ako dito dahil sa biglang pagsigaw, tangina ah grabe makadeny pre? Hindi ako gayahin na hindi indenial, tss nasa twentieth century na tayo boi magbago kana gusto ko sana sabihin sakanya ang mga yan kaso ayoko sya pangunahan at baka mapurnada pa sya.

"Okay chill eto naman, andito na tayo, wait me sa gate maaga pa naman hatid kita sa room mo." Tumango ito at bumaba na, minaobra ko ang sasakyan at pinark nakita ko ang kotse ni Tosh at Zach, nuks aga ah isang himala yon kay Tosh.

Naglakad na ako papunta kay Sai, marami ang napapatinging babae dito well gwapo naman kasi ang kapatid ko tapos pinagpala pa sa height aakalain mo ngang college na rin to pag kasama namin nila vero dahil nakikipagsabayan sya saamin.

"Nga pala anong kukunin mong course pag nag college ka?" Tanong ko dito habang naglalakad kami papuntang building nya, hinawakan ko ang braso nito at dumikit pa lalo natutuwa ako sa mga reaksyon ng nakakakita saamin, mababakas sakanila ang pagkahanga at pagkadismaya kung titignan ang muka nila at dahil para kaming may relasyon dahil sa pagkakahawak ko kay Sai.

"Engineering siguro, wait lang Ate." Huminto ito at sya ang umakbay saakin ay loko loko rin pala ito. "Muka tayong magjowa ate, tignan mo sila oh." Sabi nito HAHAHA napansin n'ya rin pala, malapit na kami sa building nya pero ganon parin ang pwesto namin sa isa't isa nakikita ko ang mga high school students na umiirap saakin pota patuloy parin kami sa paguusap ng kung ano-ano.

"Stanford." Nanigas ang aking katawan at napinto ako sa narinig ko, pati si Sai ay napahinto rin potangina ang lamig ng pagkakasabi n'ya sa apelyido namin. Napalingon kaming dalawang magkapatid at nakita ang matalim na titig saakin ng misis ko este ni Miss Cleo sabi na maya na ang landi eh.

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now