Chapter 4 - Bar

766 62 0
                                    

"A woman's beauty is a
treasure beyond price"
-Sijie Dai

After namin kumain eh dumeretso agad kami sa room, para sa first sub, nasa dulo kami nakapwesto kahit na pwede sa unahan ay hindi pwede dahil mga bakulaw tong mga kasama ko, ang tatangkad eh damay ko narin ang height ni Sid, kawawa naman yung malilikuran namin dahil hindi makakakita.

Ang pwesto naming lima sa dulo ay ganto.

Tosh - Sid - Priv - Vero - Zach

Hindi nakakatuwa maging katabi tong dalawa dahil sa ingay at puro reklamo ang nilalabas ng mga bibig nito, may kasama pang asaran mga peste eh sasarap batukan. Napa-irap nalang ako sa isip.

Hindi pa nagsisimula ang klase dahil wala pa ang prof namin. Nagkakagulo pa nga sa labas na makikita mo sa salamin na katabi ni Tosh, akala mo mga elem ang tao dito at grabe magharutan, sa loob naman halos lahat nakatayo at ang iba nagdadaldalan pa, sinadyang nga rin pala na dinulo ni Vero si Tosh para hindi na makisama sa gulo dahil alam nila na gagawa raw ito ng kalokohan.

"Psst Sid, anjan na si Prof Itlog HAHAHAHA." Sabi nito habang tumatawa nang mahina na narinig naman ni Priv at naki-gaya rin jusme.

Dahil dito napatingin na rin ako sa may pintuan, nagtataka naman ako kung bakit itlog ang tawag nito kaya tinignan ko nalang din at masasabi kong itlog talaga ang bagay dito na ipangalan dahil sa wala itong buhok at hugis bilog ang ulo at napakakinis pa, pota kapatid yata n'ya si boss panot.

"HAHAHAHAHAHAHA"

Napatawa ako nang malakas na dapat ay sa isip ko lang pota, mabilis naman tinakpan ni Priv ang bibig ko dahil ang sama na pala nang tingin sa'min ni itlog shuta itlog narin tuloy ang tawag ko dito, gagong Toshi.

"Okay. Goodmorning everyone. I'm Andrew Sampalok, subject teacher n'yo for business statistics and also homeroom teacher. Call me Sir Drew, not Mr. Sampalok, not Mr. Andrew but Sir Drew only. Got it?"

Sabay-sabay na tumugon ang lahat ng yes sir at kaming tatlo naman nila Priv ay nagpipigil ng tawag dahil sa pangalan n'ya at sabay mo pa ang ulo nito. Putangina first day palang kalokohan na agad itong ginagawa ko.

Napalingon kaming tatlo kay Vero dahil sinenyasan kami na tumahimik lang, gago kasi ni Tosh paulit-ulit pang sinabi ang pangalan potek nayan siraulo talaga.

Hindi ko aakalain na mapapasama ako sa mga kagaguhan ni Tosh at ni Priv eh seryosong tao si Sidra eh, nakng tupa.

Sa dalawang oras na naka-upo at pagsasabi nang opo, sawakas ay natapos din ang pagtuturo ni sir itlog, kahit napag-aralan kona to eh nahihirapan parin ako jusme bakit kasi may gan'to pang nalalaman eh, hay buhay.

"Tara sa cafeteria." Yaya ni Priv at hinatak agad ako palabas ng classroom, tangina masakit ah? sarap batukan eh, makahila wagas.

"Gala tayo after class." Sulpot ni Tosh sa kanan ko at umakbay pa talaga sa balikat ko, ngiting-ngiti si gago akala n'ya yata magaan ang braso n'yang nakapatong saakin punyemas.

"Ay bet ko yan, sawakas may nasabi karing matino Tosh! I'm so proud of you." Baling ni Priv kay Tosh.

"Ha! Syempre ako paba? ako lang to si Toshi ang pinaka-gwapo sa building na to."

Ang hangin jusme, pero tangina ah kung mag-usap parang anlayo-layo nila sa isa't-isa sumasakit tenga ko nyemas. Nauna nalang ako at iniwan kona sila dahil sa nagtatalo nanaman yung dalawa.

Nang papaliko na ako papuntang hagdaan ay hindi ko napansin na may tao palang papasalubong at nabunggo ko to, shit naman pangalawa na to ngayong araw ah pagkaminamalas ka nga naman. Sumimangot nalang ako dahil sa napagisip-isip ko.

Soulbound SecretsWhere stories live. Discover now