Prologue

314 6 2
                                    

Prologue

"Bakit kasi kailangan mong umalis? Lex, ready na ako. Huwag naman ganito oh. Parang awa mo na."

Ilang beses siyang umiiling habang rinig na rinig ko ang bawat hagulhol niya.

"Hindi ko kaya, Jian. Kailangan ko umalis. I'm sorry."

"Bakit pati ako kailangan mo iwanan?"

Pilit niyang pinupunasan ang mga luhang walang tigil sa pagluha galing sa mga mata ko. Nakaluhod pa rin ako sa tabi ng kama ganoon din siya. Binuksan ko na ang sarili ko sa iba bakit naman ganito? Bakit kung kailan handa na ako saka naman niya ako iiwan? Bakit yung dating kinatatakutan ko pilit ko iniiwasan ay nararanasan ko na ngayon. Bakit niya ginulo ang sistema ko at hayaan akong mag-isa.

Pilit akong kumawala sa yakap niya habang patuloy ako sa pag-iyak. Kung mahal niya ako bakit kailangan niya akong saktan ng ganito?

"Lex, mahal mo ba talaga ako?" Gumagaralgal kong tanong.

"I do love you."

"Ganito ka ba magmahal?" tanong ko sabay turo ko sa sarili ko. "Ganito ba?"

"Please... understand."

"Hindi ko kailanman man maiintindihan kung bakit mahal mo ako pero pinuputol mo na lahat ng mayroon tayo ngayon! Hindi mo ako mahal, Lexus! Kung buo na ang desisyon mo na iwanan ako then umalis ka na! Umalis ka na kasi ang sakit-sakit na."

"I'm sorry."

"Hindi ko kailangan ng sorry mo. T*nginang pagmamahal yan! Ayaw ko na."

Isinubsob ko mukha ko sa mga braso ko na nakalapat sa tuhod ko. Bakit ba ganito? Ang sakit-sakit hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

Ilang minuto ay narinig ko na ang pagbukas at pagsara ng pinto dahilan para mas lalong lumakas ang pag-iyak ko.

Iniwan na niya talaga ako. Hindi niya ako mahal.

Humiga lang ako sa kama habang yakap-yakap ang unan mag-isa na sa condo ko. Wala na yung taong binigyan ng ingay ang paligid ko. Tahimik na ulit.

"Jian?" Lumingon ako sa may pinto ng k'warto ko at nakita ko si Daddy. "He called me. He said you need me."

Naupo na ako bago pa man siya makalapit. Niyakap niya ako at doon mas ibinuhos ko lahat ng sakit sa yakap ni Daddy.

"Iniwan niya ako, Daddy. S-sabi niya mahal niya ako eh. Bakit pinili niyang iwan pati ako?"

Natanaw ko si Dad na papalapit na rin sa amin ni Daddy. Ramdam ko ang paghagod niya sa likuran ko.

"I'm sorry." Dinig kong bulong ni Daddy. "Sorry."

"Jian, bata ka pa. Hindi naman ibig sabihin na umalis siya ay hindi ka na niya mahal. Naalala mo yung k'wento namin ng Daddy mo? Naghiwalay din naman kami noon, iniwan ako ni Daddy mo to protect me, your ate, our career pero nasasaktan din si Daddy mo sa desisyon niya. That's why I made a promise to myself na hindi ko sasayangin ang oras. I'll do better for myself at para na rin kapag handa na kami ulit pareho ni Daddy mo kaya na namin."

"Jian, hindi lahat ng nagpapaalam ay hindi na nasasaktan. Hindi lahat ng umaalis ay hindi na bumabalik. Ayaw niya lang siguro ikulong ka sa kaniya. Mahal ka noon, anak." Pati boses ni Daddy ay halos hindi ko na rin maintindihan.

I hate myself. Nasasaktan ko rin ang parents ko. Naaalala nila ang nakaraan nila dahil sa sitwasyon ko.

Pero hindi ko alam kung paanong maniniwala sa sinasabi nila. Isa lang ang nasa isip ko ngayon. Kung mahal niya ako... bakit kailangan pati ako itulak niya papalayo? Mahal niya ako pero hindi niya naman ako nagawang piliin, pinili niya akong iwanan.

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon