xxxiii drunk

51 3 0
                                    

Chapter 33

TW. mentions of vape and alcohol

Pinilit ako ni Lizzy na sumama. Magkita na lang daw kami sa lugar na napili nila. Hindi ako sumama magplano. Ibinuhos ko ang buong linggo ko sa pagtatrabaho. Tumanggi muna ako na magpakita kina ate Maesei dahil talagang hindi ko pa kaya. Hiyang-hiya pa rin ako kina tito sa kaniya pa kaya. She even made me a model to help me with my expenses that will not affect my study.

Halos parati pang kulang ang tulog ko kaya mas nag-istay ako sa hub kaysa sa apartment ko. Mas hindi ko kinakaya na mag-isa. Baka kung ano pa ang magawa ko. Simula noong maiwan ako mag-isa mas pinipili ko na lang lumbas. Iyon ang nag-udyok sa akin para itayo ang Twilight. Iyong tipong alam ko na may mapupuntahan ako pero hindi maingay at magulo.

Hindi kami magkasabay na pumunta dahil may inasikaso pa ako. Halos late na rin ako ng dalawang oras kaya kanina pa siyang tumatawag. Pagkarating ko ay hinanap kaagad ng mata ko kung nasaan si Lizzy. Ayaw ko na sana magpakita sa kanila dahil alam ko sa sarili ko na hindi nawawala ang payabangan sa mga ganitong okasyon.

Simpleng white sando under a leopard print short sleeves and a denim jeans lang ang napili kong isuot. Baka pati sa suot mangjudge pa sila. Nang makita ko si Lizzy ay kaagad siyang kumaway sa akin. Naupo ako sa tabi niya at bumati na rin sa iba pa. Isang mahabang mesa naman kasi iyon at nagsisimula na rin silang mag-inuman.

"Grabe busy ka ba, Pres? Late ka ata."

Napakagat ako ng sariling labi ko sa pagtawag nila sa akin ng ganoon. Hindi naman na ako ang presidente noong grade 12 pero tinatawag pa rin talaga nila ako na Pres.

"Sorry, guys. May mga inayos pa kasi ako."

Nang makita ko si Jian na naupo ay umiwas ulit ako ng tingin. Mukhang galing lang siya sa restroom. Sabi kasi ni Lizzy na kanina pa siya dumating. Akla ko nga hindi siya pupunta pero dumating pa rin pala siya. Kaagad ko kinuha ang isang bote ng soju at naglagay sa baso ko.

"Hinay, Lex. Hindi kita kayang iuwi." Bulong ni Lizzy sa akin. "Alam mo huwag kang pahalata na affected ka."

"Pagod na ako sa bayarin, Liz. Just this one please."

Darating na naman ang mga bills na kailangan ko bayaran kaya gusto ko na lang maglaho. Halos nauubos lang talaga ang pera ko sa mga bayarin at syempre sa hub. Paunti-unti ay mas pinalalago ko pa kasi ito. May dalawang tao naman akong binabayaran doon maliban sa expenses ko at ng hub.

"Kamusta ka na, Lex? Ano trabaho mo?"

Napapunas pa ako ng labi bago tuluyang ngumiti ng pilit. Ito ang isa sa dahilan kung bakit ayoko sa mga ganito feeling ko nagsusukatan sila ng success sa buhay.

"Ahm ano call center," sagot ko.

Tumango-tango naman sila.

"Ano tinapos mo? Nakagraduate ka ba? Bigla ka na lang kasi nawala so technically wala na talaga kaming naging balita sa'yo."

Huminga ako ng malalim saka ko naramdaman ang paghawak ni Lizzy sa kamay ko na nakapatong sa lap ko.

"BSPA."

"Wow! Nakagraduate ka naman pala."

Hindi ko alam kong natutuwa ba sila o nang-aasar. Masasabi ko naman kasi na hindi perpekto ang batch namin. Pataasan lang din talaga kung minsan.

"Syempre!" Biglang sabat ni Lizzy. "Galing-galing kaya ni Lexus."

"Ba't ka nag-call center agent?" tanong ng isa pa naming kaklase noon.

"Iyon na kasi iyong trabaho ko noon simula noong umalis ako. Pinagpatuloy ko na lang din dahil na rin sa may experience naman na ako."

"Mukhang mayaman ka na ah." Pang-aasar nila. "Baka naman."

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasWhere stories live. Discover now