xxx when our eyes met

53 3 0
                                    


Chapter 30

"Isang hipak pa sa harapan ko, Jian! Matitsinelas na kita ah. Kapag sa Daddy niyo takot kayo... ako parang ginagawa niyo lang clown ah. Baka gusto niyong icut ko lahat ng bank accounts niyo!"

Bank accounts his ass! I already have my own.

Natawa ako kay Daddy na ngayon ay nanggagalaiti na naman sa galit. Well iyan naman na ang parati kong naririnig sa kaniya simula noong nalaman niyang naninigarilyo ako. Oo, naninigarilyo ako kapag stress ako kaya ko pa naman mabuhay sa isang linggo na hindi nakakatikim.

"Kapag talaga iyan nalaman na ng Daddy mo! Sino ba magpapatigil sa'yo niyan?"

"Dad, magkaiba tayo. Ikaw dalawang beses lang nanigarilyo. Itinigil mo kasi ayaw ni Daddy. Ako taon na. Stop, choice ko ito."

"Kaya nga! Kapag nalaman ng Daddy mo hindi lang ikaw ang mapapalayas sa bahay pati ako! Ayoko matulog sa sofa, Jian!"

Ayoko rin naman na masanay at maadik ako dahil tama si Dad kapag nalaman ito ni Daddy hindi lang ako ay patay kundi pati siya. Alam ko na pinagbibigyan lang ako ni Dad na ako ang magsabi kay Daddy.

"I'm a grown up man, Dad. Tsaka minsan lang naman ito. Minsan nga twice a week lang. Tsaka kapag nalaman ni Daddy wala naman makakaalam na alam mo na eh. Kalma!!!"

"Sa tingin mo kaya ko magsinungaling at magkunwaring walang alam sa harapan ng Daddy mo? Ewan ko sa'yo. Umuwi ka mamaya. Hinahanap ka na ng mga pamangkin mo. Nandoon sina ate mo kaya umuwi ka. Dalhin ko na ba si Yanyan pag-uwi ko?"

Tumango ako dahil plano ko magmotor mamaya. Parati na lang nakahiga si Yanyan. Well 7 years na rin naman na ang nakalipas.

Hapon na ako nakarating sa amin. May mga dinaanan at inuna pa ako. Since dala na ni Daddy ang pusa ko ay mag-isa na lang ako pumunta sa amin habang nakamotor. Pagpasok ko ay tumambad sa akin ang mga pamangkin ko na nasa salas ng bahay namin.

""Where's your parents?" I asked.

"Sina Mommy at Daddy po nag-grocery for dinner later. Buti pumunta ka na dito, Tito. Sina tita at tito Prince naman may pinuntahan. Uuwi raw sila before dinner. And sina Dada at Papa po nasa room nila po."

Dada ang tawag nila kay Daddy while Papa naman kay Dad. Ayaw nila magpatawag na Lolo. Napailing na lang ako dahil iyon ang panukso ko sa kanila. Lalo na kay Dad na parang ayaw tanggapin sa sarili niya na matanda na siya. Well hindi naman halata. Masyado silang pinagpala sa mukha.

"Puntahan ko lang ah."

Pagkaakyat ko ay kumatok ako ng malakas. Baka kong ano na naman masaksihan ko kung hindi ako kakatok.

"Pasok."

Kaagad ko binuksan ang pinto matapos sabihin iyon ni Daddy. Nakita ko si Daddy na may binabasang libro habang si Dad ay hawak ang cellphone niya. Kaagad ako lumapit at humalik sa pisngi ni Daddy. Ang sama naman ng tingin sa akin ni Dad dahil sa nangyari kanina.

"Ba't kayo nandito? Nasa baba ang mga apo niyo."

"Naglalaro sila eh. Tsaka pagod na ako. Kailangan ko ulit ng energy. Masyadong hyper ang mga bata."

"Tumatanda ka na talaga, Dad." Kaagad akong binato ng unan ni Dad. "The audacity, Jian! Huwag mo akong susubukan!" I just laughed.

"Ewan ko sa'yo. Daddy, tulog lang ako saglit. Antok pa ako."

"Tired?" I nodded. "Okay. Sabay tayo magdi-dinner, baby."

"Sure."

Dumiretso ako sa k'warto ko. Nagpalit ako ng sleeveless shirts saka nahiga sa kama. Paghiga ko doon ko na naman naalala iyong nangyari kanina. I feel like I saw him kanina. I'm not sure though dahil 8 years na ang nakakalipas. Hindi ko alam.

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasWhere stories live. Discover now