ii rivals

131 3 0
                                    

Chapter 2

Kapag nga naman pinaglalaruan ng tadhana. Katabi ko siya ngayon. Masyadong naiirita ako dahil sa sitting arrangement namin na ang guro mismo namin ang may kagagawan. I hate him so much. Basta naiirita ako. Ngayon magkasama na naman kami. Inilayo ko bahagya ang mesa ko para hindi magkadikit ang mga siko namin if ever na nagsusulat.

"Okay before tayo magsimula ay let's all introduce ourselves first. So I am Ms. Alya Buestra. I'll be your class adviser."

Hawak niya rin ang iilang subject namin. At ibibigay niya rin ang outline niya sa sitting arrangement na ginawa niya sa ibang subject teacher namin. So kailangan ko talagang tiisin itong katabi ko. Gusto ko pa naman sana na ako ang nasa tabi ng bintana. Inunahan niya ako.

Halos hindi ko namalayan ang pagpapakilala nila dahil wala akong pakialam. Nang tinawag ang pangalan niya ay tamad siyang tumayo. Naiinis ako kapag nakikita ko siya. Para siyang walang buhay parati sa ikinikilos niya. Nakakahawa kaya nakakainis.

"Hi, I am Jian Glenn Villareal-Cardejas. That's all you need to know."

"Ang pogi niya."

"Kilala ko yan nasa art club at music club yan noong junior high. Marunong siya tumugtog ng gitara at drums. Tapos sa post dati ng Daddy niya tumutugtog siya ng piano noon."

"Diba siya yung nananalo sa swimming competition, ang pogi niya doon. 4 packs nga lang ang abs. Feeling ko once na nasa college yan 8 packs na yan for sure."

"Oo, ang swerte natin kaklase rin natin si Lexus. May pogi sa section na ito hindi puro matatalino. May inspirasyon tayo pumasok sa araw-araw."

Nang maupo na siya ay rinig ko pa rin na kami ang pinag-uusapan nila. Sa lawak ng school hindi naman ako nag-eexpect na kilala ako. Pero noong pinasok ko ang student government doon talagang kinailangan ko na magpakilala.

"Okay. Thank you, Jian. Next."

Ramdam ko ang paglingon niya sa gawi ko nang tumayo ako.

"Hi, my name is Lexus. I know na kilala niyo na ako since I'm part of the school supreme government. I am currently planning to run as the secretary of the SSG. Hope you still support me this year. Nice to meet you all."

"Well nandito pala ang talented students natin na may pangalan sa school na ito. Now let us have our class officer first."

I smiled. Naupo na ako ay bahagya ko sinulyapan ang katabi ko na nasa labas ang paningin.

"So any nomination for President?" tanong ni Ms. Buestra. Ibinalik ko sa unahan ang paningin ko.

"Ma'am, I respectfully nominate Jian for president."

Halos hindi ko na sila masundan dahil inaamin ko na sa sarili ko wala talaga akong nararamdaman na iba kundi inis.

"Ma'am, I respectfully nominate Lexus for president!"

"I closed the motion!"

Hindi na ako umangal pa kahit na nakasulat na sa board ang pangalan ko. Naiisip ko pa lang ang magiging reward ko after senior high talagang mas gagalingan ko na. Focus na lang sa goal. Kaso bakit parang iba pakiramdam ko sa katabi ko ngayon?

Well hindi siya honor last year at hindi naman talaga siya nakakapasok kaya nakakapagtaka na parang ngayon ay mas may pakialam na siya sa acads. Ni hindi siya noon nagiging officer katulad na lang ng mga naririnig ko pero ngayon parang ayos lang sa kaniya na nanominate siya at walang ibang kung anong lumabas sa bibig niya bilang pagtanggi.

Nanalo ako bilang President at si Jian naman ang naging Vice President. Hindi kami nagkikibuan sa upuan. Ako ang valedictorian last year so kailangan ko pag-igihan pa ngang senior high. It won't be easy, especially because I need to focus on my studies now.

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasWhere stories live. Discover now