vii friends?

81 3 0
                                    

Chapter 7

Pagkauwi ko sa bahay ay nadatnan ko sina ate Cielo at kuya Tides sa bahay. Nag-uusap-usap sila nina tita kaya matapos ko bumati at magmano ay pumasok na ako sa k'warto ko.

Hindi ko alam bakit umuwi ang dalawang pinsan ko.

Itinapon ko ang bag ko sa gaming chair ko saka ko niluwagan ang necktie ko.Humiga ako sa kama at doon na tuloy-tuloy na nagsituluan ang mga luha ko. Iniisip ko pa lang na makikita ni tita ang score ko tiyak lagot na naman ako. Iyon ang kaninang laman ng isip ko. Noong makita ko sina Jian at ang papa niya sobrang naiingit ako. Kasi ako hindi ko kailanman mararanasan ang ganoon.

Naalala ko pa noon. Nagkamali ako ng tatlo ayon pinagalitan na ako. Ngayon pa kayang malaki na ako. Sa katulad ko na pinapaaral lang kailangan ko galingan. Daig pa standard ni tita sa mga standard ng mga sponsor ng scholarship. Ang hirap-hirap imaintain.

Halos isang oras ako na nahiga sa k'warto, nakatakip ang braso sa may mata ko habang umiiyak ng tahimik. Hindi pa man lang din ako nakapagpalit ng uniform nang makarinig ako ng katok. Dali-dali ang pagpunas ko sa mga luha ko gamit ang nakatupi kong kumot. Kagat-kagat ko ang labi ko dahil baka pumiyok ako.

"Lex, kakain na tayo. Labas ka na."

Sunod-sunod ang paglunok ko at pagpapakalma sa sarili ko bago ko sinagot si ate Cielo.

"Sunod po ako."

Huminga muna ako ng malalim bago ako tumayo para makapagpalit. Naghilamos ako ng mukha at inayos bahagya ang buhok ko bago ako lumabas ng cr. Nagpulbos pa ako bago lumabas ng k'warto ko. Nakahanda na ang lahat paglabas ko kaya pinaupo na ako ni ate Cielo. Ngiti ang siyang naging pagbati ko sa hapag-kainan.

Nakakatawang isipin na matapos kong magkulong sa k'warto, umiyak, at mag-isip na sana matapos na ang lahat ay nakangiti na ako sa harap nila at masiglang kumakain sa hapag. Parang hindi ako umiyak. Parang wala lang at ayos lang ang lahat.

I felt like I wanted to be gone. No yesterday. No tomorrow. Just me not in here. I feel like I'm not living the best life.

"Kamusta ang mga test results, Lex?" tanong ni tita sa kalagitnaan ng pagkain namin.

"Ma, nasa hapag tayo oh. Huwag na yan!" Nginitian lang ako ni kuya Tides saka sumenyas na magpatuloy ako sa pagkain.

Iniba ni ate Cielo ang usapan na ipinagpasalamat ko naman.

Matapos namin kumain ay ako na ang naghugas. Matapos ko naman maghugas ay lumabas ako sa bahay. May mesa at upuan kasi. May dala akong baso ng kape at napagdesisyonan ko na pagmasdan ang buwan sa kalangitan.

"Stop drinking coffee, Lex." Napalingon ako kay kuya Tides. Kinuha niya ang tasa ng kape ko at pinalitan iyon ng sterilized milk. "Akin na itong kape mo. Swap tayo."

Tinanggap ko na lang iyon at hindi na nagsalita pa.

"Kamusta? Masyado bang mahigpit si mama?"

Yumuko lang ako habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

"I got 6 mistakes in one of my test papers. Sinabi na kasi ni ma'am kanina score ko. I got second place with the highest score, kuya. And you know what will happen next."

I heard him sighed.

"You know what my biggest regrets are and my sweetest punishment?"

Doon na ako nag-angat ng tingin sa kaniya. Nakita ko rin si ate Cielo na papalapit sa amin habang may facial mask pa sa mukha niya. Naupo siya sa katabing upuan ni kuya Tides.

"Mukhang ang seryoso niyo naman. Si mama tulog na. Sali ako sa usapan niyo."

"Ikaw, Cielo. What are your biggest regrets when you're still a student?" tanong ni kuya sa kapatid niya.

"Hmm... I'll be honest here ah. My biggest regrets when I was a student was drowning myself in studying so mama will be proud of me. Puro ako aral, iyak sa acads, target ko na puro uno lahat, at hindi ako nakipag-socialize sa mga tao. Hindi man lang ako nagkaroon ng circle of friends or ka-duo or kahit ano pati jowa."

Bahagya kaming natawa ni kuya Tides.

"Wala akong naging jowa, Lex. Hanggang ngayon tuloy hindi ko alam kung niloloko lang ba ako ng mga taong nasa paligid ko kasi nerd type ako na maarte." Kuya Tides rolled his eyes at his little sister. "Ikaw ba, kuya? Ano naman sa'yo?"

"My biggest regrets ay nagsunog ako ng kilay sa pag-aaral. Katulad mo rin ako, Cielo. Ayoko sa course ko but I still pursue. And this is my sweetest punishment dahil sa trabaho ko as engineer may pera na ako at nakilala ko girlfriend ko. Wala rin siguro ako dito ngayon kung hindi dahil doon."

"Kaya ikaw, Lex. Hayaan mo na lang si mama. Hindi rin kasi namin mapigilan ni kuya. Ganoon na talaga siya. Don't worry kapag college ka na pwede ka mag-stay sa apartment ko if willing ka maghanap ng school malapit sa work ko. You should enjoy your life as a student bago ka pa sumabak sa college."

"Pero magagalit si tita," sabi ko.

"Hindi ka naman totally magpapabaya. If kaya mo mag-enjoy habang nasa rank 1 eh di goods. Basta huwag ka masyado magpaka-self centered sa room. Mas magandang magtapos na may masayang memories ka with your classmates kahit papano. Hindi yung maaalala ka na bida-bida, introverted person, nerd, at nagsusunog ng kilay."

Matapos ang pag-uusap namin nina ate noon ay doon lang pumasok lahat sa akin lahat. Wala akong kaibigan. Feeling ko kaaway lahat. I'm more of a social introvert when I am in school. Nagfefeeling social butterfly lang ako. Para sa credits ng bawat ginagawa ko.

Kinaumagahan ay maaga akong pumunta sa school. Nakita ko si Jian na papunta sa rooftop kaya sinundan ko siya.

"Ji."

Nilingon niya ako na may blankong ekspresyon.

"Sorry kahapon."

'Whatever."

I sighed then walked beside him.

"Sorry na nga. Stress lang ako tsaka hindi naman iyon ang iniisip ko. Stressed lang ako. Congrats. I mean it."

"Ang plastik mo."

I rolled my eyes then I kicked him on his leg.

"Aray!"

"I'm trying to be nice, Jian. Panira ka naman ng moments."

"Nice? Hindi ka ganoon. May hidden agenda ka parati. Akala mo hindi ko alam."

"Sorry na nga. May offer ako." Pinagtaasan niya ako ng kilay na para ba namang hindi na naman siya naniniwala sa sinabi ko. "Let's hangout."

Tila natulala siya sa sinabi ko.

Nakakahiya na ang ginagawa ko ngayon mas pinaparamdam niya pa sa akin.

"Yung totoo, Lex. Kaya ba ayaw mo sa pinsan ko kasi ako gusto mo?" Halos mawalan ako ng sasabihin dahil sa sinabi niya. "Do you like me, Lexus Alistair Alarcon?"

Mas lumapit siya sa akin dahilan para umatras ako. Ano bang pumapasok sa isip ng lalaking ito?

"Kadiri ka!" hasik ko bago ko siya bahagyang itinulak. Pinaningkitan niya ako.

Doon na lang biglang sumagi sa akin ang parents niya.

"I mean huwag ka ngang assuming. I just wanna have some friends here. Kung ayaw mo eh 'di 'wag."

Dali-dali akong tumalikod at aalis na sana nang tuluyan nang marinig ko siya.

"We can't be friends, Lex. Pwede mo pag-isipan kung friends talaga."

Ngayon nagsisisi na ako sa mga pinagsasasabi ko. The way he calls me Lex parang tumitigil ang mundo ko. Anong katarantadohan ba itong nangyayari sa akin? Hindi ako ito.

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasWhere stories live. Discover now