iii hate to love

124 2 0
                                    

Chapter 3

Maaga akong pumasok dahil kailangan siguro? Well kailangan namin ayusin ang classroom namin. Nagchat ako sa group chat that we need to go to school even if it's the weekend. I'm wearing a gray hoodie, black jeans, with his white sneakers. Pagpasok ko galing sa left side ng gate ay doon ko rin nakita sa right side si Jian na papasok pa lang. Nang magtama ang paningin namin ay kaagad ko siyang pinagtaasan ng kilay. He's wearing an black outfit from my cap down to my shoes. I guess namana niya ito sa Dad niya.

"You're late," I said.

"Kadarating mo pa lang, Mr. President."

"No. May binili lang ako sa labas." Pinakita ko ang hawak kong stick-O. "Kanina pa ako dito. Saan burol?" tanong ko bago nagpatuloy sa paglalakad na sinabayan niya naman.

"Sa classroom siguro," sagot niya.

Alam ko sa oras na ito na iniisip niyang bida-bida ako pero wala akong pakialam. At least naiisip niya ako. At least alam niya dapat kung saan lumugar.

"T*ngina mo!"

"Galit na naman. Same."

"What?"

"T*ngina mo rin with respect, Mr. President."

He said before he smirked.

Magulo ang buhok ko ngayon, halos matakpan na ang mata ko ng buhok ko dahil sa bangs ko. Kung hindi lang natatakpan ng bangs ko ang mata ko kanina ko pa siya nairapan habang aware siya.

"Masyado kang nakatitig, Cardejas. Baka madapa ka."

Kanina pa siya nakatitig sa akin. Hinuhusgahan niya ba ako sa isip niya?

"Eh 'di magsasaya ka diba? Tinitignan ko lang saan banda kaya nagustuhan ni Nicka. Pangit ng taste ng pinsan ko. Buti umalis na sila rito."

Nauna na akong maglakad sa kaniya. Ilang sandali na nagpigil ako sa paglingon sa likuran ko dahil baka kung ano isipin niya pero ng tuluyan na ako nagkaraoon ng lakas ng loob lumingon ako at wala na naman na siya sa likod ko. Talaga namang walang pakialam ang lalaking iyon sa paligid. Late na nga nagawa pang pumunta sa kung saan.

Ilang minuto rin akong nag-antay hanggang sa pumasok siya at busy sa ice cream niya kaagad kong ibinagsak ang notebook sa desk.

"Want my attention?" He asked.

"Yes."

Imbis kasi na tumulong kung anu-ano ang inuuna. Nakakainis kailangan pa pagsabihan bago gumawa ng dapat niyang ginagawa.

Napakachildish!

"P*tangina niyo talaga 'di niyo naman sinabi na makakasaksi ako ng ganito live."

Sabay kami napalingon Lizzy na nakatingin pala sa amin at pilit na nagpipigil ng ngiti. She's the class secretary. She's crazy.

"What?" mataray na tanong ko sa kaniya.

"Wala! Kinikilig ako! Kinikilig na naman ako sa ibang lovelife."

"Mag-gupit ka doon."

I saw how Lizzy gulped when I used my deep voice. Minsan kailangan mo rin talaga gamitin ang authority mo kapag ganitong pagkakataon.

"Sige po. Landi well. Ay nga pala, Pres. Marunong mag-paint yang v-president mo. Iyon na lang ipagawa mo. Lambingin mo na lang para pumayag. Dating classmate niya ako kaya alam ko. Bawal magselos."

She's really weird.

Tuluyan na kaming naiwan ni Jian. Nakaupo siya habang nakatayo pa rin ako sa harapan.

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasWhere stories live. Discover now