xxxx we'll make it right

76 5 2
                                    

Chapter 40

Final Chapter.

Hi, guys. To those readers who take time to read this story, thank you so much. It's finally the road to the finale for Villareal-Cardejas siblings Series. Thank you for having time to read this story of Jian. I hope you also have read the story of his Parents and his sisters. This will be the last book/story related to the Villareal-Cardejas family. Thank you so much to those people who are reading and voting for my story. It means a lot to me. I'm glad that I can see people somehow on my journey in writing this. Again, my undying thanks to all of you🥰 

Alistair Lexus Alarcon

Jian explained to me everything. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng mga sinabi niya. Ang tanging nagawa ko lang ay ang umiyak sa bisig niya. Na may pagsisisi na sana nasa tabi niya ako habang lumalaban siya. Iniisip lang nila ang kalagayan ko pero feeling ko ang unfair. Bakit parating ako na lang ang kailangan nilang alagaan? Pwede bang ako naman na ang magdesisyon kung gusto ko ba o hindi?

Nagising ako na masakit ang mga mata ko. Mag-isa na lang ako sa k'warto. Kitang-kita ko rin ang medyo malamlam kong mga mata sa salamin. Dahan-dahan akong tumayo at dumiretso sa bathroom para maghilamos at maligo na.

Halos mag-iisang oras ako nagbabad sa bathtub habang nakatulala lang. Pinipilit ko pa rin intindihin lahat ng paliwanag ni Jian kagabi.

Pagkalabas nadatnan ko sina Caramel at Jahrell. Nakaakbay si Caramel kay Jahrell habang nanonood kay Jian na iayos ang pagkain sa mesa. Nang sandaling lumingon si Jahrell ay nginitian niya kaagad ako.

I smiled back as Caramel also smiled at me.

"Good morning, kuya."

"Good morning, Uncle."

Pagbati ng magkapatid sa akin. Lumingon si Jian saka lumapit sa akin. Nakatingin lang ang magkapatid sa amin. Nang tuluyan ng makalapit si Jian ay kaagad siyang humalik sa pisngi ko kaya biglang nanlaki ang mga mata ko.

"Kuya Jahrell, pwede mo ba akong sampalin?" Pati si Jahrell nakaawang ang bibig sa nakita. "Kuya, hindi tayo nananaginip diba? Did tito Jian really kissed Uncle's cheek? Hindi naman sweet si tito Jian. Impostor siya!" 

"Good morning." He whispered.

"Nagbago na isip namin, kuya. May gusto pala kami subukan ni Caramel kainin sa labas." Pekeng tumawa si Jahrell saka hawak si Caramel sa braso nito at hila-hila palabas. "Enjoy your breakfast. See you later, kuya Lex. Sabi ni tita Maesei sa sasakyan mo ako sasama."

Nang tuluyang maisara na nila ang pinto ay doon ko ibinalik ang tingin ko kay Jian.

"What was that?" I asked.

"I miss you."

I sighed as I pulled him to the dining area. We spent our breakfast together. Since I have a work here inihatid niya ako sa event place. Nagrehearse kami half day. At lunch ay sinundo naman ako nina ate Maesei dahil sa iilang street shoot. Si Caramel at Jahrell lang ang kasama ko hanggang sa bumalik kami sa hotel. 

Nasa isang k'warto kami para ayusan. After ko makapaglinis ng sarili ay ipinasuot na sa akin ang damit bago ako tuluyang inayusan. Nauna na sina Caramel at ate Maesei dahil mas matagal sa kanila. Ang alam ko ay susunod din naman sina kuya Rix at Hunt. 

Si Jahrell ang kasama ko sa sasakyan. Nauna na siyang pumasok bago ako sumunod pero nagulat ako ng bago pa man maisara ang pinto ay nakasunod na si Jian. Pumasok siya at napapagitnaan na nila ako.

"Sutil ka, kuya Jian. Hindi ka naman dapat dito."

"Shut up, Jahrell. Baka gusto mo ipatapon kita pabalik sa Pinas."

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasWhere stories live. Discover now