xxxvii twilight love

61 2 0
                                    

Chapter 37

Namulat na lang ako dahil sa sinag na tumatama sa mukha ko. Dahan-dahan kong inilibot ang paningin ko sa paligid. Nasa k'warto na ako kung saan ako namamalagi. Hawak-hawak ko pa ang batok ko ng maupo ako saka ko pilit inalala ang nangyari kagabi. Tila parang nabuhusan ako ng malamig na tubig ng maalala ko lahat.

Dali-dali akong bumangon saka nagmamadaling lumabas sa k'warto ko. Halos takbuhin ko na ang k'warto ni Jian. Nang makarating na ako ay nakasalubong ko si Ayi na galing sa loob. May dala itong tasa ng kape.

"Kuya, ayos ka na po?" tanong niya nang makalapit sa akin.

"Si Jian?" tanong ko na hindi ko man lang pinansin ang tanong niya. "A-ayos lang ba siya?" nauutal kong tanong.

"Tingnan mo na lang po, kuya. Nagtutulog-tulugan ata. Inalok ko nitong kape ayaw, ang pait daw. Sumbong ko siya kay mama."

Nang iwanan na ako ni Ayi ay saka naman ako pumasok. Hindi na ako kumatok pa. Nakita ko siyang nakadapa. Nakabalot ang kalahati ng katawan niya ng comforter habang busy sa phone niya. May salonpas din na nasa makabilang bahagi ng balikat niya. Kitang-kita ko iyon dahil wala naman siyang shirts.

"What are you doing here?" tanong niya na hindi man lang ako nagawang lingunin.

"A-ayos ka lang ba? Wala bang masakit? Nagpacheck-up ka ba?" sunod-sunod na tanong ko.

"I'm fine. Nagslide lang naman ako. Huwag mo sabihin kina Daddy... please lang. Ayoko magmadaling bumalik na naman iyon dito."

Napabutonghininga ako na maisip na tama siya. Kilala ko sila pagdating sa anak nila talagang kahit bagyo ay susuungin nila.

"Galit ka ba?" naiiyak kong tanong.

Nilingon na niya ako saka umayos ng higa. Nakatingin na siya sa akin ngayon at nakalapag na lang ang phone niya sa tabi niya.

"Ano sa tingin mo?"

Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kaniya habang nakayuko. Nang makaupo na ako sa kama niya habang nakatalikod sa kaniya doon na tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na mapigilan pa. Parang nasosoffucate na ako sa pagpipigil.

"Parati ka na lang naaaksidente ng dahil sa akin. Siguro nga kahit pilit ko kalimutan ang bagay na iyon hindi maalis kasi palagi na lang pinapaalala sa akin na ang malas ko. Na lahat ng taong malapit sa akin at mahal ko parati na lang nasasaktan. Natatakot lang naman ako na may masamang mangyari sa'yo. Sina mommy, daddy, si ate, si tito, pati si tita, si ate Cielo kamuntikan na, ikaw. Jian, pagod na pagod na akong maiwan. Pagod na pagod na akong umiyak. Pagod na pagod na akong mag-isa."

Pinipilit ko naman na huwag isipin na hindi ko talaga kasalanan pero bakit nauulit na naman? Sana hindi ko na lang ipinipilit na bumalik sa pamilyang itinuring ako na hindi iba kasi tuwing may malapit sa akin nasasaktan lang.

"Sorry kung bumalik pa ako," I almost whispered.

"It could be bad luck when you always believe and create it in your mind. You don't owe anything in the world, Ali. Tao ka lang din naman. Hindi mo kasalanan, wala kang kasalanan. Parati mo na lang isinisisi sa sarili mo ang mga bagay na hindi mo naman hawak."

Nanlamig ako ng maramdaman ko ang braso niyang nakayakap na ngayon sa baywang ko. Nakapatong na ngayon ang baba niya sa balikat ko kaya pilit na pilit ako sa paghikbi ko.

"Pinag-alala ba kita?" mahinang tanong niya.

Sunod-sunod lang akong tumango habang pinupunasan ang sariling mga luha ko.

"Natakot ako, Ji."

Hinayaan niya akong makaharap na sa kaniya at kaagad akong yumakap. Ni nawala na nga sa isip ko na wala pala siyang damit kaya ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya habang yakap-yakap ako.

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasWhere stories live. Discover now