xv fall

47 1 0
                                    


Chapter 15

Umuulan pagkauwi ko. Kaagad ako tumakbo papasok sa bahay. Nadatnan ko si tita na naglalasing. Nakita ko ang mga basag na bote na nagkalat. Hindi ko alam kung ano na naman ang pinagdadaanan niya para bumalik sa pagiging ganito.

"Tita, tama na po. Akin na iyan."

Pilit ko inaalis ang pagkakahawak niya sa isang bote ng alak.

"Bitawan mo ako! Wala kang karapatan."

"Tita, magagalit sa'yo sina ate at kuya sa ginagawa mo. Ba't naglalasing ka na naman?"

"Ano bang pakialam mo!" Nagulat ako sa pagtulak niya sa akin dahilan para mapaupo ako at lumapat ang kamay ko sa bubog. "Wala kang karapatan! Sampid ka lang dito! Nanlalaki ka ano?! Nakita ko, Lexus! Wala kang mararating sinasabi ko sa'yo kapag pinagpatuloy mo yan!"

"Tita," I almost whispered.

"Ang landi mo! Sabi mo yung Lizzy ang kapartner mo! Hindi diba?!"

"Tita, hindi ko na kayo naiintindihan. Hindi ko alam kung saan kayo nanggagaling. You always want me on top pero dito sa bahay na ito, kayo yung humihila sa akin pababa. Hindi ko alam kung may galit kayo sa akin. May kasalanan ba ako sa'yo? Kasi sa totoo lang gulong-gulo ako eh. Ang higpit-higpit niyo. Parati niyo akong tinatakot na itatakwil niyo ako kapag hindi ko nagagawa ang gusto niyo. Kinalimutan ko ang gender preference ko dahil sa inyo. Ngayon nagpapakalasing na naman kayo! Maawa naman na kayo sa mga anak niyo!"

Doon na tumama sa pisngi ko ang palad niya. Napahawak ako kung saan niya ako sinampal. Tila nagkaroon ng sariling buhay ang mga luha ko na nagsibuhusan na lang ng tuloy-tuloy.

"Malas ka sa buhay ko! Iyon ang totoo!"

"Ma?!" Dali-daling nagpunas ako ng nga luha ko saka ako tumayo at tumalikod kay ate Cielo. "Ano na naman ba ito? Lex?"

"Alis muna ako, ate. Sorry."

Tumakabo na ako palabas na hindi man lang tumingin kay ate Cielo. Tinakbo ko na naman ang daan papunta sa school kahit na umuulan. Pagod na pagod na ako sa magulo kong buhay. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam saan may mali. Hindi ko talaga maintindihan.

Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang bawat pagpatak ng mga luha ko. Kahit na pagod na ako ay patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Wala akong pakialam kong masagasaan pa ako mismo sa kalsadang ito. Hirap na hirap na ako.

Nang tumawid ako ay kulay berde pa ang nakita ko ngunit makalipas ang ilang segundo naging pula na ang traffic light. Napangiti na lang ako dahil nasa kalagitnaan pa lang ako. Ni hindi na pumasok sa isip ko na tignan pa ang segundo doon. Pinagpatuloy ko ang pagtawid hanggang sa may nakasisilaw na ilaw ang sumalubong sa akin.

Napangiti na lang ako tanggap ang susunod na mangyayari pero wala. Ilang segundo pa ang nakalipas ngunit walang nangyari. Nang namatay ang ilaw ay doon ko naaninag kung ano ito. It's a motorcycle. Bumaba ang isang sakay nito.

Nang sandaling inalis niya ang helmet niya ay doon tumambad si Jian sa akin. Hindi ko maipaliwanag ang Jian na nakikita ko ngayon. Basang-basa na siya dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.

"Magpapakamatay ka ba?! What the fuck are you thinking, Lexus?!" galit niyang sambit.

Lumapit siya saka pilit akong niyuyogyog ang magkabilang balikat ko. Parang wala na ako sa sarili ko. Ni hindi ko magawang makapagsalita.

Doon na tuluyang nawalan ng lakas ang mga binti ko dahilan para matumba ako. My mind is aware of what is happening yet I can move my body. Buti na lang at nasambot niya ako upang hindi ako tuluyang matumba.

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasWhere stories live. Discover now