viii cat

59 1 0
                                    

Chapter 8

Sabi ng iba “You have nothing to prove to anyone," pwes sa akin hindi pwede iyon. Bawal mapagod kapag mag-isa ka sa buhay. Pinapaaral din ako eh kaya bawal magchill. Kailangan ko ipakita na deserve ko lahat na natatanggap ko kasi pinapaaral ako.

Kapag bumaba ang marka ko, bababa rin ang tingin niya sa akin. Syempre kapag mataas at ako ang top, proud na proud siya. That's my life living with my aunt. At iyon ang hindi alam ng mga tao.

"Lex, punta ka sa court. Mag-assist kayo doon. Isama mo na si Jian. Buhatin niyo yung mga snacks for the referee and other staff.

Tumango naman na ako kay ate Crissa bagk siya nagmamadaling umalis. Kinuha ko na ang isang bag na naglalaman ng mga pagkain. Maaga kanina nagsimula ang program dahil sa first day ng intramurals namin.

"Jian, help me with this."

Naka-earphones na naman siya kaya kinuha ko ang mineral water ko at bahagya ko siyang kinasikan ng tubig dahilan para galit na naman siyang lumingon sa akin.

"Nananadya ka na talaga!"

Napapikit na lang ako ng mas madaming tubig ang tumama sa mukha ko.

"You know that this is too much, Jian." Sabay turo ko sa mukhang basa dahil sa ginawa niya.

Wisik lang ginawa ko sa kaniya tapos ligo na ata natanggap ko.

"Your fault either."

"Just help me with this!" Sinamaan ko na siya ng tingin. "Dalhin mo yang jag. Let's go!"

"You're too bossy!'

Nauna na ako sa kaniya dahil alam ko na puro lang reklamo ang maririnig ko sa kaniya. Pagkarating ko sa gymnasium ay nakita ko ang iilang ssg officers.

"Hi, Sec. Para sa amin ba yan?" tanong ni Jenly na siyang PIO. "Nasaan si Pres?"

"Nandiyan na sa inyo. Kayo na sana bahala na mag-abot sa perspective person na pagbibigyan niyan. Kailangan ko pa pumunta sa iba eh "

"Sige lang, Sec. Lampa-lampa talaga yang si Cardejas oh." Nilingon ko ang nginuso niya. Bakita ko si Jian na parang hirap na hirap sa pagbibir ng jag. "Salubungin ko na. Katawa-tawa."

Aalis na sana siya nang pigilan ko siya.

"Let him."

Tumawa siya saka tumango. Binitawa ko na siya ngayon at mayabang na nag-aantay kay Jian na makalapit sa amin.

"Lampa-lampa amp." Nang makalapit si Jian ay kinuha na ni Jenly ang jag. "Ano ka monay?"

Sinundan ko si Jenly at sinabayan sa paglalakad.

"Jenly, pakidala na ang tubig na yan doon ng matiwasay. And please stop that mindset you have. Huwag mong ako mismo ang magsumbong sa'yo. Ayokong makarinig ulit sa'yo ng ganoong mga bagay. Hindi porket lalaki ay kailangan maging malakas. We have our different strengths and weaknesses. We have our own kind of life. But you should just be proud of others' achievements." Natigil siya sa paglalakad. "Sabihin na nating hindi sanay si Jian magbuhat ng mga mabibigat na bagay but at least now nasubukan niya at nagawa niya pa rin mairaos. Huwag natin sanang husgahan ang isang tao base sa paano gumalaw at kung ano ang nakikita ng mga mata. Hindi lang ito para sa mga lalaki kundi sa lahat."

Tinalukuran ko na siya para balikan si Jian na ngayon ay tila inaantay ako. Nakatitig lang siya habang papalapit ako sa kaniya. Wala akong pakialam sa mga nasa paligid. Nasa kaniya lang ang atensyon ko ganoon din siya sa akin. Nang tuluyan na akong makalapit ay huminto ako sa harapan niya.

"Maghahakot pa tayo. You're ready?" I asked.

"That jag is so heavy!" I grinned. "Iba naman na."

"Yeah. Ako na ang gagawa but you'll bring the other things. Let's go."

***

Kinabukasan ay si Jian ang naatasan na nagcover sa mga events. May dalawa ang camera na meron kami. Sa school at yung dala ni Jian. Para sa school publication ang kukunan ko habang siya naman ay para sa supreme student government. Wala kaming nasalihan dahil kami ay nakaassign sa iba't-ibang games.

Ngayon naghapon na naman kaming naghahabol sa mga events. Hindi ko nakita si Jian at hindi ko alam kung ginawa niya ang dapat niyang gawin.

"Pres, nakita mo ba si V-Pres?" tanong ni Lizzy na nay hawak na maliit na bag.

"Nope. Why?"

"Baka makita mo ikaw na magbigay sa kaniya niyo. May sugat iyon eh. May tumulak sa kaniya kanina. Kailangan ako sa booth namin eh."

Pakaabot niya sa akin ay kaagad din siyang umalis. Isa lang naman ang nasa isip ko na pwede niyang puntahan kaya patakbo na akong nagtungo doon. Hindi nga ako nagkamali nang makita ko siyang kinakalikot ang camera niyang nakasabit pa rin sa leeg niya.

"Hey!"

"Yung totoo kabute ka ba? Sulpot ka na lang nang sulpot."

"Saan masakit?" tanong ko.

Doon pa lang siya nag-angat ng tingin sa akin. Lumapit pa ako sa kaniya at lumuhod gamit ang isang tuhod ko.

"I'm fine."

"Where?"

He sighed as he showed me his palm. Nay gasgas iyon at medyo namamaga.

"What happened?"

"I don't wanna talk, Lexus. Just do what you want and just leave me alone."

He put his earphones on and didn't mind what I was doing. Ginamot ko lang ito habang siya tahimik. Matapos ko lagyan ng band-aid ay tumayo na rin ako.

"Who's your date tomorrow?" I asked.

We have an acquaintance party tomorrow and the awarding for overall events.

"I don't need one."

"We can accompany each other."

"I don't have a plan to go. Stop it."

"You're needed to be there, Mr. Vice-president. See you tomorrow. I'll get going now. Be careful don't get hurt."

Pagkababa ko galing sa rooftop ay ibinalik ko na ang camera sa chief-in-editor namin saka na ako dumiretso sa labas. Masyado ng masakit ang ulo ko. Kanina pa ako nilalagnat sadyang pinilit ko pa rin na magcover. Pero ngayon masyado na akong nahihilo kaya naman bumili muna ako ng gamot at stick-O bago tuluyang bumalik sa school. Hindi ako pwedeng umuwi. Sa school publication room ako nag-stay at nagpahinga dahil ayoko sa clinic. Kilala ni tita and Nurse namin. Ayoko umuwi at magmukhang alagain sa bahay.

"Lex, eat it. I brought your lunch. Umuwi ka na kaya?"

Napangiti ako ng tipid bago niya mailapag ang pagkain sa mesa na nasa harapan ko.

"I'm fine, ate. You can go. Thank you for the food."

Nang makaalis na siya ay nahiga ulit ako. Nang makaramdam ako ng init ay unti-unti kong inalis ang polo ko kaya naka-sando na ako ngayon. Basang-basa na rin ito sa pawis ko. Nang biglang bumukas ang pinto ay kaagad ko hinarang sa may dibdib ko ang polo ko.

Tumambad si Jian na nagbukas ng pinto pero hindi man lang humakbang papasok. Nakatayo lang siya doon at seryoso ang tingin sa akin. Dahan-dahan kong ibinaba ang polo ko. Akala ko kasi teacher kaya nagulat ako.

"You wanna see my cat?" he asked in his serious tone and facial expressions.

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasWhere stories live. Discover now