xvi remains

49 0 0
                                    

Chapter 16

Simula noong araw na iyon hindi na kami nagpapansinan. Ginagawa ko ang trabaho ko bilang Vice-president kasama ang secretary at hinahayaan ko na ang secretary na ang gumawa ng paraan para masabi ang lahat kay Jian.

Busy din ako sa school publication kaya hindi na rin ako nakakasama sa kanila ni Lizzy. Ang research namin ay magkahiwalay na naming ginagawa. Kung mag-usap man kami sa chat na lang para sabihin ang mga dapat naming gawin.

Siya ang unang umiwas kaya wala na akong magagawa.

Umuwi ako sa bahay noon na parang walang nangyari. Ganoon pa rin si tita at naglalasing na naman. Malapit na kasi ang death anniversary ng asawa niya. Ganoon naman parati. Nasasaktan ako sa pagmamaltrato niya sa akin per anong magagawa ko? Pinapaaral ako at binubuhay at alam ko na nasasaktan lang siya. At alam ko na masakit sa kaniya na makita ako.

"Sorry talaga, Lex. Kaunting pagtitiis na lang. Ako bahala sa'yo promise."

Sobrang swerte ko kina ate. Talagang ramdam ko ang pagturing nila sa akin bilang kapatid hindi lang basta pinsan.

"Okay lang ako, ate. Tsaka plano ko rin na maghanap ng scholarship, ate. Gusto ko rin po kasing maging independent."

Kaagad niya akong niyakap.

"You don't have too pero that's good. Tsaka makukuha mo na ang mga dapat mong makuha, Lex. Nakalimutan mo atang may pera kayo."

Ako mismo ang kumalas sa yakap niya. Ngumiti siya sa akin.

Wala akong alam.

"Naalala mo noon diba? Sorry kung wala na yung bahay na iyon, Lex. Pero may pera ka. Kapag 18 ka na makukuha mo na iyon. Sapat na iyon para mabuhay ka bago ka makakuha ng permanenteng trabaho."

"Ate."

"Ako ang aayos para makuha mo iyon. Kaunting tiis na lang. Sorry talaga dahil kay mama nahihirapan ka."

Matapos ang pag-uusap namin ni ate ako na mismo ang umiiwas kay tita. Sinisigurado ko pa rin naman na nagagawa ko pa rin ang mga dapat kong gawin.

***

"Lex, miss na kita. Galit ka ba? May nagawa ba ako? May ginawa ba si Jian?" sunod-sunod na tanong ni Lizzy.

Nandito ako ngayon sa office ng school publication. Inaayos ko ang mga articles na kailangan namin ipamigay para sa foundation day. Tumutulong si Lizzy na magtiklop ng iilang brochures.

"I'm just busy."

"No! Naaalala ko pa yung last time, Lex. Umiwas ka noon. Iniwan mo kami ni Jian. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin. Dumadagdag ka pa sa isipin ko sa research namin eh!"

Inaamin ko na hindi lang si Jian ang iniiwasan ko kundi maging si Lizzy. Pakiramdam ko kasi ang sama kong kaibigan.

"Parati naman kayong magkasama ni Jian. Okay lang ako. Sadyang busy ako, Liz. Wala na akong oras, saka alam mo naman na parating nasa store ni tita ako."

Halos inaabot ako hanggang sa magsara iyon. Hindi man kami katulad ng 7/11 na 24 hours open per hanggang 11 pm kami bukas. Bale dalawang shift meron sa amin eh. Sumasama ako kadalasan sa hanggang pang 11. Halos doon na rin ako gumagawa ng research namin, at ng kung anu-ano pa na kailangan sa school.

"Hindi naman. Iniiwan kaagad ako ni Jian matapos ang school. Si Marcky na nga lang nakakasama ko dahil sa lintik na research namin. Tapos pala nakita namin si Alice kasama si Jian noong isang araw. Akala ko tumigil na iyon. Wala na akong naging balita matapos noong grade 11 na nagpunta iyon sa room natin at inutusan ka."

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang