xxxiv cigar buddies

55 4 0
                                    

Chapter 34

TW. mention of cigars and some scenes not appropriate for 18 below.

The day after I got drunk I met ate Maesei. She's with her son.Doon sinabi at inalok niya muli sa akin ang trabaho. Noong una pinag-iisipan ko pa pero nang malaman iyon nina Tito ay kaagad nila ako kinumbensi.

"We can give you a job, Lexus. Stop destroying yourself. Iyong eyebags mo malala na. Hindi na tama ang tulog mo. Hindi na healthy ang pagpapabaya mo sa sarili mo. Magresign ka na sa trabaho mo at ako bahala sa'yo. Bumagsak na rin ang katawa, hijo. Alam mo naman na kahit noon pa ayaw ka na pakawalan pa ni Maesei sa kompanya."

Wala na akong nagawa since kahit si Lizzy ay pinilit na rin akong magresign. Mas maganda raw ang trabaho na nag-aantay sa akin at sa Venice pa. At least doon kahit papano makakapagpahinga na raw ako ng tama sa oras.

Ipinasok nga muna ako ni ate as her secretary. Nagleave daw kasi ang secretary niya kaya naman wala siyang secretary for two weeks. At sa two weeks na iyon sa Italy kami mag-istay. Pangalawang beses ko pa lang kaya naman sobrang saya ko.

Bago pa man tuluyang umalis ang dating secretary niya ay ayos naman na ang lahat ng schedule ni ate kaya hindi na masama.

Kaming tatlo nina tito Jaddy ang magkakasabay na umalis. Susunod naman daw sina tito dahil invite rin sila sa isang fashion show sa Milan. Hindi na ako pinabitbit pa ni ate ng mga gamit at essential lang daw dahil siya na ang bahala. Naiwan ang mga bata kay kuya Rix dahil may mga pasok.

After 5 days of work, photoshoots, and everything ay nakapagpahinga na kami pareho ni ate dahil wala siyang kameeting. Dumating naman na sina tito pero busy naman ang mga ito dahil nasa Rome dahil nandoon ang iilang family ni tito Gavin. Kahit sobrang hectoic ng schdeule ni ate mas nag-eenjoy ako dahil hindi ko ito nararanasan noong nasa call center ako. Dito kahit antok ako masaya ako at magaganda ang view na nakikita ng mata ko hindi katulad doon na puro na lang traffic, at laptop ang nakikita ko.

In the second week of our stay ate Maesei even joined me on her latest IG post wearing her designed clothes. Dahil hindi naman ako actived sa IG ay inalis ko na lang lahat ng kalat ko na hindi naman importante at saka ko ipinublic dahil sa utos niya sa akin. She even tagged me on her post with some stories on IG. Ang dating 21 followers ko ay nasa k na ilang araw pa lang.

2 days before the fashion show ay dumating si Jian kasama ang blonde girl niyang girlfriend. Nakita ko na naman si tito Kipper na sinisermunan si Jian sa hindi ko malaman na dahilan pero kapag kaharap nila si Tito Gavin ay parang wala lang nangyari.

After a day of shoots ay tuwang-tuwa si ate sa akin. She even congratulated me for being one of the faces for the Venice October issue. Kaya pagbalik namin sa Pilipinas after a day pupunta na kami sa Paris, France. Ang masayang araw namin ay tuluyang naglaho nang makita ni tito Gavin ang anak niyang naninigarilyo sa isang clips.

He's with Celine in that video while he's busy on his cigarettes.

Nag-antay si tito Gavin sa hotel na makauwi si Jian pero wala. Hindi ito umuwi kahit hatinggabi na.

"Daddy, bukas na lang po. Mukhang hindi iyon tutuloy dito. Maaga pa tayo tomorrow. Malaki na si Jian, Daddy. Hindi natin mapipigilan ang mga bagay na iyon."

"No! Bakit, Maesei? Bakit ba naglilihim kayo parati sa akin? Wala akong pakialam kung naninigarilyo man siya o hindi! Ang akin lang bakit lahat kayo may itinatago sa akin knowing na alam na naman ni Kipper ang tungkol dito!"

"Ga, I'm sorry."

"Ewan ko sa inyo!"

Napabuntonghinga ako ng tuluyan na ngang nagwalkout si tito Gavin. Sinundan naman kaagad siya ni tito Kipper.

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasWhere stories live. Discover now