xxxvi deja Vu

44 2 0
                                    

Chapter 36

Sina tito Gavin at tito Kipper ang kasabay ko pabalik sa Pilipinas. Isinama ako nina Tito sa probinsya nila kaya nagstay ako doon ako ng 1 week kasama-sama nila ako sa pamamasyal. At sa loob ng isang linggo doon ko naramdam ang makapagpahinga. 

“Mauuna kami papunta sa Manila. Dito ka muna, Lex. May shoot daw kayo at dito ka na lang dadaanan ni Jaddy.”

“Po? Biglaan ba?” Tito Gavin nodded. “Kailan po dating ni tito Jaddy?” tanong ko naman.

“Bukas. Baka mauna si Jian dito mamaya-maya. Kailangan na namin umalis baka malate kami sa nabook naming flight pabalik ng Manila.”

Si Jian?

Pagkaalis nina Tito ay inayos ko na muna ang k’warto na tinutuluyan ko. Kung hindi man kami dito mag-istay dapat nakahanda lang ang gamit ko. Pagdating ng lunch ay mag-isa lang akong kumain. Nang makakuha ako ng libro ay tumambay ako sa manggahan saka doon nagbasa. Ang sarap talaga ng buhay sa probinsya. Kung papipiliin ako mas gugustuhin kong tumira sa ganitong lugar pero kailangan ko mag-ipon ng pera. Basta may pera ka pwede ka mamuhay ng tahimik sa mga ganitong klase ng lugar.

Hindi ko napansin ang oras at tuluyan akong nakatulog sa ilalim ng puno habang nakahiga sa duyan. May librong nakatakip sa mukha ko at may mga ibon na siyang nagsisilbing musika sa aking tainga.

Napakapayapa.

Namulat na lang ang mga mata ko ng sandaling mas lumamig pa ang ihip ng hangin. Nasabi sa akin noon na kapag lumamig ang hangin at madilim ang kalangitan ay malapit ng umulan. Dali-dali akong bumaba sa duyan saka patakbong bumalik sa bahay. 

Medyo naabutan pa ako ng ulan kaya nilagay ko sa ilalim ng damit ko ang phone at ang librong dala ko kanina. Sakto naman na pagpasok ko ay ang pagbaba ni Jian. He's wearing khaki shorts and a sleeveless shirt.

Kaagad akong yumuko at dumiretso sa kinunan ko ng libro. Maayos ko itong ibinalik.

"Lex, ikaw muna bahala dito. May bibilhin lang ako sa palengke."

"Pero uulan na po, Ayi." 

Siya ang isa sa mga tumatao sa bahay na ito. Tiwala na rin daw sina tito sa kanilang pamilya.

"Okay lang. May tricycle naman sa labas." 

"Samahan na kita. Ayoko maiwan dito." Binulong ko na lang ang huling pangungusap ko dahil baka may makarinig.

"Sige. Tara?" 

Sumunod ako sa kaniya. Sumakay kami sa dumaan na tricycle. Pareho kaming nasa loob dahil nagsisimula na ring bumuhos ang malakas na ulan. Inabot kami ng halos 20 minuto sa tricycle bago nakarating sa pamilihan. Nakasunod lang ako kay Ayi dahil wala naman akong alam sa lugar na ito.

"Bakit ba ayaw mo doon? Tsaka bakit hindi mo pinansin ang nakababatang Cardejas? Tapang mo ah."

"Wala lang. Hindi naman na kasi kami close. Tsaka baka mas mabadtrip lang siya. Hayaan mo na. Huwag niyo na lang kami pag-usapan ng mama mo!"

"Whatever, kuya Lex!" 

Nilibre ko si Ayi matapos namin mabili ang iniutos ni auntie Jea. Pagkatapos namin kumain ay umuwi na rin kami. Hindi na gaano malakas ang ulan. Nang nasa paliko na kami ay kaagad akong pumara.

"Anong plano mo, kuya? May kailangan ka po?"

Kaagad akong umiling.

"Kailangan ko lang na rin naman na dumiretso diba? Maglalakad-lakad na lang ako since malapit-lapit naman. Gusto ko lang maglakad talaga."

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon