xvii-birthday

47 0 0
                                    

Chapter 17

"Congratulations, Mr. Alarcon and Mr. Cardejas."

Yes it was finally done. Title defended.

These past few days ay tambay ako sa room ng ssg officers kapag vacant. Busy naman ang lahat sa pagtatapos ng kani-kanilang mga research kaya naman mas minabuti namin sa room kaysa sa library. I also helped Lizzy and others on checking their paper and answering their inquiries. May mga pula man ang papel nila at least they made it. We all made it.

"Happy birthday and congratulations, Mr. President."

Nasa labas pa kami ngayon. Hawak ko ang research paper namin na okay naman na. Kaunti pa at matatapos din namin ito.

"Congrats," sabi niya na lang.

Kailangan na naman namin paghandaan ang midterm exam then patuloy na ulit sa chapters 4 and 5. Next week ay midterm na namin at magsusunog na naman na ako ng kilay.

"Hindi mo ba ako ililibre? Birthday mo ah. Saan kayo?" tanong ko bago kami nagsimulang maglakad.

"Hotel."

"Party?"

Umiling siya.

"Dinner lang. I hate parties. And susunduin kita mamaya. Dads wants you there."

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.

"Bakit? Tsaka sino-sino ba kasama?" tanong ko.

"My parents, tito Jaddy, Bea, and tito Xian. They are all not here. I'm glad."

"Ayoko. Nakakahiya."

Hindi ko ata kaya sumama sa kanila. I don't even suit myself in that place. There's a lot of what if's in my mind.

"Okay. I'll tell it to Dad and Daddy."

I sighed as he entered our classroom first. I stayed outside mentally unstable.

Padabog akong naupo sa upuan ko. Nilingon niya ako saka pinagtaasan ng kilay.

"Oo na," hasik ko.

Napalingon pa sa akin ang mga kaklase namin. Tinawanan ko nalang din sila. Alam naman nila na kay Jian ko sinasabi ang mga bagay na iyon dahil na kay Jian ang atensyon ko.

They prepared a mini cake, birthday hat, and balloons for him.

It's August 14 today. Jian's birthday.

Matapos ang klase ay dumiretso na ako sa bahay. Kaagad ko hinanap yung mga ibinigay last time ni tito Gavin. I saw Beige suit pants, black solid crew-neck sweater, and a pair of white shoes. Jian told me that he'll fetch me around 6pm. Since 4pm pa lang naman pumunta muna ako sa store. Tulog si tita sa couch kaya hindi na ako nag-ingay pa.

5:30 ay bumalik na ako sa bahay. 10 mins sa pagligo. 15 mins sa pag-aayos. 5 mins para magpaalam.

"Aalis ako, tita. It's my classmate's birthday." Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa. "Niregalo lang ito sa akin. Pinaglumaan ng friends ko."

Lasing namna siya moon kaya hindi niya nakita na marami akong bitbit.

"Huwag ka na umuwi. Walang magbubukas sa'yo."

"Bukas po talaga ako uuwi. Sleepover po kasi."

"Gusto mo naman nasusunod diba? Sige na. Umalis ka na."

Pinilit ko na lang ngumiti bago lumabas. May laman naman ang gcash account ko bahala na. Makikitulog na lang ako or uuwi at sa store na lang ako matulog.

Pagkalabas ko sa kalayuan may nakita ako nakaparadang motor. Jian is sitting on that while busy on his phone. Hindi ko na kailangan pa malaman ang brand noon dahil sumisigaw na ang angas na iyon.

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasWhere stories live. Discover now