iv attitude

97 2 0
                                    

Chapter 4

Nakahiga ako sa isang mahabang upuan dito sa rooftop ng school. Wala naman masyadong napunta rito since wala ka naman ibang magagawa. Nasa gilid lang ako at may lilim. Nakatakip sa mukha ko ang isang libro habang nakasuot ako ng earphones.  Well nadiscover ko ito noong naging ssg officer ako grade 8 pa lang. I was a grade 8 representative that time.

Hindi mawala sa isip ko yung narinig ko kay Tita kagabi. Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako kung ano ba magiging tingin ko sa kaniya.

"Sino mas matalino sa inyo ng Jian na iyon?" tanong niya habang kumakain kami.

"Tita. Hindi ko alam."

"Oo o hindi, Jian."

"Ako? I mean siguro ako dahil hindi nama siya naging honor kahit isang beses."

"Good. Umayos ka. Huwag kang lalamya-lamya."

Hindi ako ginugutom. Alaga naman ako sa bahay. Hindi ako kinakapos sa pera pero ako na iyong tumatanggi at hindi nagsasabi kung minsan pero isa talaga ito sa pinaka-ayoko. Ang pilit niyang pagmamanipula sa akin tungkol sa bagay na ito.

Plano ko sa college na umalis na sa kanila. Gusto ko maghanap ng scholarship at lumayo. Babalik na lang ako kapag may trabaho na ako para makabawi man lang sana sa kanila. Pagod na ako magkaroon pa ng mas mahabang listahan ng utang na loob.

Ilang saglit lang ay nagulat ako dahil sa narinig kong yabag. Bahagya kong hinila ang libro na nakatakip sa mata ko at nakita ko na nakatalikod siya sa kung nasaan ako. Nakapamewang pa siya at bahagyang nakatingin sa malayo.

After a minute naramdaman ko ang bahagyang pagtapik sa balikat ko. Padabog ko na tinanggal ang libro na nakatakip sa mukha ko dahilan para bumungad ang mukha niya sa paningin ko habang ang araw ay natatakpan ng mukha niya.

"Masyado ng mainit."

"So?" tanong ko habang nakataas pa ang isang kilay ko. "Its like that you care?"

Si Jian? No fucking way!

"No. Sige magdusa ka nga." Tinalikuran na niya ako dahil kaya naupo na ako sabay ngisi.

"What are you doing here, Mr. V-President?" tanong ko saka naupo. "Tambayan ko ito."

"Malapit na rin mag-one. Aalis din ako."

"I know. Pero ba't hindi pa ngayon?"

Tumayo na ako saka ko pinagpagan ang pants ko. Inilagay ko sa bag ko ang notebook ko saka ko na ito sinakbit sa balikat ko. Nakita ko na hindi pa rin siya tuluyang umaalis.

Lalampasan ko na sana siya pero pati siya napasigaw nang bigla na lang may mga pusang nag-aaway na sa mismong harapan namin. Napalapit siya sa akin habang maingay na nag-aaway ang mga pusa. Sinuway ko ito gamit ang pagpadyak pero wala talaga. Mas nagulat kami dahil napalapit ito lalo sa paa niya kaya tuluyan na siyang napayakap sa akin. Napahawak ako sa baywang niya at saka ko siya halos hilahin na papunta sa tabi ko. Baka mahulog kami sa hagdan.

Shit talaga! Ba't ba takot ito sa pusa?

"Yah!" singhal ko sabay padyak dahilan para mapatakbo na ang mga ito papalayo.

Napatingin ako sa kaniya ang pulang-pula na niya. Bakas sa mukha niya ang takot kaya hinayaan ko na muna siya. Nakangiwi rin siya habang nakatingin sa paa niya. May mga kalmot na pala siya ng pusa.

"I don't like cats."

"Ayaw din nila sa may ayaw sa kanila kaya ayan napala mo."

Hila-hila ko siya papunta sa clinic. Kanina pa siya nababalisa. Sarap niyang sipain pa eh. Ba't kaya hindi pa siya kinagat?! Nakalmot lang parang ikamamatay niya na.

"Nakalmot po ng pusa," sabi ko sa school nurse.

Iniwan ko na siya doon saka ako umalis. Ba't naman ako magtatagal hindi ko naman kasalanan iyon? Buti  nga nagmalasakit pa ako as President ng klase. 

Dumating nga ang maghapon ay hindi ko na siya nakita. Tinanong sa akin pero sabi ko nasa clinic. Matapos ang klase ay pinacheck sa akin ni ma'am Buestra ang lagay ni Jian kaya bumalik ako sa school clinic.

Pagpasok ko wala naman ng tao at nagliligpit na ang school nurse.

"Nurse, nasaan yung dinala ko kanina?" tanong ko.

"Ah si mr. Cardejas ba?" I nodded. "Sinundo ng Daddy niya. Dinala sa hospital."

"Kanina pa po?"

"Oo. Ang pogi nga eh. Gosh! Kung hindi lang iyon kasal."

Hindi ko alam kung sino sa Daddy ni Jian ang tinutukoy niya. Nagpaalam na lang ako dahil ayoko marinig na pagpantasyahan niya yung may asawang tao. Kadiri at nakakakilabot. Pass pag may ibang loml.

***

Kinaumagahan ay bumalik ako sa rooftop. Nakita yung pusa at may anak pala ito. Kinuha ko ang panyo ko at doon ko iyon inihiga. Mag-isa lang siya. Masyado pa siyang bata nasaan kaya ang nanay nito? Ang pabaya!

"Inaway ako ng mga pusa dito. Kasalanan mo!"

Napahingang malalim na lang ako. Ba't ba bumalik pa siya? 

Ba't na naman siya nandito? Nakakairita.

I smirked and I really don't know how to handle his attitude.

"Lexus."

"Ano?" singhal kong tanong.

Nagulat ako nang tinapon niya sa akin ang isang pack ng stick-O. Mabuti na lang at nasalo ko.

"Ang pangit mo."

Nang tumalikod na siya ay saka ko siya binato ng papel na napulot ko lang. Nilingon niya ako at pinandilatan ng mata.

"You're cruel! I hate you."

"The feeling is mutual!" hasik ko.

Pabalik-balik ako sa rooftop at dinadalhan ko ng pagkain yung kuting. Minsan kapag umiinom ako ng gatas ay binibigyan ko rin. Hindi ko alam kung pinupuntahan pa siya ng nanay niya kaya ako na ang nag-aalaga.

Napaatras siya at napangiwi dahil sa nakita niya. Nilagyan ko kasi ng gatas yung maliit na styro na nakita ko para mapainom ang pusa. Feeling ko may lagay dito kaya nakarating dito. 

"Gusto mo hawakan?" tanong ko. 

"That is cute but did you just forget that I can't even touch it?"

Naalala ko noong yung last time. Duwag naman pala. 

"Scared?" I smiled when I saw how he fixed his figure trying to hide his nervousness. "Come on. Touch it. Kapag ginawa mo iyon hindi kita gugulohin na tumulong paglinis mamaya sa room. General cleaning din iyon."

Napangiti ako dahil mukhang may mauuto na naman ako.

"Sure ka diyan?" I nodded. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. "Hindi ba niya ako kakagatin or kakalmutin? Sinasabi ko sa'yo, Lexus! Magkakamatayan tayo kapag yan kinalmot ako!"

Napakatamad talaga para sumunod. Maingat ko na iniabot sa kaniya ang pusa. Bahagya pa itong nagising kaya nataranta si Jian. 

"Be gentle kasi. Don't let her think you're not comfortable with her. She's a cat, she will not harm you, Jian."

I let him adjust. 

"What is her name?"

"Ewan. Hindi ko naman binibigyan pa." Napaangat siya ng tingin sa akin na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Why?"

"Wala."

"Pangit mo." 

I just love pissing him off now. Kung dati ako ang sungit-sungitan ngayon siya na.

"Ayaw ko na. Kunin mo na."

I shrugged my shoulders and he just rolled his eyes on me. 

"Ayaw. Panindigan mo. Subukan mong saktan yan ikaw talaga ilalampaso ko."

"Wait for me here. I'll be back. Kailangan ko yan dalhin itong paper sa room. Please take care of my baby."

Nilingon ko pa siya bago ako tuluyang makalayo. I smiled when I saw how he carries my cat into his arms while smiling. The f*ck I'm smiling? Stop it, Lexus. He's dangerous.

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon