xxv my you

50 1 0
                                    

Chapter 24

"Tita?"

"Kating-kati ka na talagang makaalis dito ano?" tanong niya habang masama ang tingin sa akin. "Ano ba pinagmamalaki mo? Iyong mga mayayaman na iyon?"

Wala na akong nagawa kundi ang yumuko na lang. Bukas na ang graduation pero ngayon pa lang inaayos ko na ang mga gamit ko. Alam na rin naman nina tito na mag-istay ako doon and they agree. Kailangan pa rin daw ng kasama ni Jian para tuluyan na silang mapanatag.

"Sige na. Lumayas ka na. Tingnan natin kung saan ka dadalhin ng kahibangan mo na iyan. Golden digger."

Parang sinasaksak na naman ng kutsilyo ang dibdib ko. Bahagya ko pinunasan ang takas kong luha bago ako tumalikod.

"Sorry sa lahat, Tita. Pero gagawin ko lahat para lang maging successful. Para mabuhay."

Iniligpit ko na lahat ng gamit ko. Hindi naman ganoon kadami ang gamit ko.

"Lex, ano hatid na natin ibang gamit mo? Habang nandito ako."

Nakasalubong ko si kuya after ko makakuha ulit ng panibagong kahon. Siya kasi bukas ang siyang makakasama ko sa graduation ko dahil hindi pwede si ate Cielo.

"Pwede po?" tanong ko naman.

"Oo naman. Madami pa ba?"

Umiling ako.

"Ito na lang po. Give me an hour, kuya. Ayos na lahat."

Bale tatlong kahon, isang maleta, at isang backpack lang naman ang lahat ng gamit ko. Wala na akong balak pa na bumalik kaya lahat ng gamit ko ay talagang inayos ko na. Balak ko rin naman na magkaroon ng sarili siguro next time na lang. Inaayos na rin ni ate ang pera na makukuha ko pero alam ko na hindi naman iyon sapat kaya nag-apply ako ng scholarships.

After ko matapos ay lumabas na ako at kinantok si kuya. Buti na lang at pickup naman ang sasakyan niya kaya nagkasya ang lahat. Hindi lumabas si tita sa k'warto niya kaya hindi ako makapagpaalam.

Kaagad ako kumatok pero wala na akong balak pumasok pa.

"Aalis na po ako, tita. Salamat po sa lahat. Salamat at pinatuloy niyo ako dito sa kabila ng lahat ng sakit na naidulot ko sa inyo. Sorry po pero sana matanggap niyo rin po ako. I'll be successful soon at doon ako babawi sa inyo. I like guys, tita. Hanggang sa muli."

Tinulungan din kami ni kuya na iakyat lahat ng gamit ko sa unit ni Jian. Tumulong si Jian at kuya Elope dahil bumisita pala ito. After namin maipasok ang lahat ay nagpahinga si kuya sa loob. Umalis na rin si kuya Elope dahil may trabaho pa raw siya.

"I'll give you my contact number. You can also contact me when it comes to my cousin. Sabi ni Cielo ay nakakausap ka na niya." Kaagad naman na iniabot ni Jian ang cellphone niya at nagtype na si kuya doon. "See you tomorrow, Lex. Sa school niyo na lang ba tayo magkikita?"

"Opo, kuya. I'll update you na lang. Sobrang salamat."

Kaagad siyang yumakap sa akin at inabutan ako ng isang sobre.

"Ano ito?"

"Buy things that you want. Graduation gift ko. Inadvance ko na para kung may gusto ka bilhin para bukas mabili mo. Sinend na ni Cielo sa gcash mo iyong kanya."

"Hindi naman na kailangan pero alam ko na ayaw niyo na isinasauli ko binibigay niyo kaya thank you."

Natawa pa siya at bahagyang ginulo ang buhok ko.

"Congrats. Jian, alagaan niyo isa't-isa. Jian, bunso namin ito. Kami makakalaban mo."

Inihatid siya ni Jian sa baba at hindi na ako pinasama pa ni kuya pababa. Mag-uusap pa raw sila. Inayos ko na lang ang gamit ko sa isang k'warto. Hindi naman iyon karamihan kaya madali lang din. Bumalik lang din si Jian at tinulungan ako.

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon