i- Lexus

243 3 0
                                    

Chapter 1

ABM ang napili kong strand. Balak ko kasi na kumuha ng business course pagtungtong ko sa college. Gustong-gusto ko makapagtapos para hindi na ako umaasa na lang sa kahit sino at maging sa pangangailangan ng sarili ko. Nag-iisa lang naman na ako. Wala na akong kapatid at tanging sa tita ko na lang ako tumutuloy. I don't have parents anymore.

My parents died when I was 4. At simula noon tita ko na ang kumupkop sa akin. Hanggang sa namatay na rin ang asawa niya at naiwan na lang kami ni tita at sina ate Cielo at kuya Tides. Mabuti na lang at mabait naman ang magkapatid sa akin. Sadyang ako na ang nakakaramdam ng hiya kaya parati ako sumasideline para hindi ako hingi nang hingi kapag may kailangan ako sa school.

Katatapos ko lang mag-enroll ngayon. Didiretso ako mamaya sa NBS para bumili ng mga kakailangan kong school supplies. Inipon ko ang pera ko sa pagbabantay sa tindihan noong bakasyon. Dumiretso muna ako sa room ng supreme student government dahil pinapatawag kami. Peace officer ako last year kaya may posisyon ako. Ngayong taon ay balak ko pa sumali since grade 11 na ko. At balak ko rin na tumakbo bilang Presidente sa susunod na taon. Nakaplano na iyon.

"Goodluck, Lex. Sana ikaw maging president next year."

"Thanks, kuya JP. Sana nga. Ngayon good luck muna kay ate Crissa."

Si kuya JP ang SSG President last year. Kakilala ko siya dahil minsan na kaming nagkasama sa iilang events sa school. Sana lang din kaya ko nga panindigan next year. Sayang din kasi ng experience at ng pwede kong makuhang award.

Si ate Crissa last year na V-pres at balak niya tumakbo bilang president ngayong taon. Well sa kaniya naman ako papasok bilang secretary. Iyon ang posisyon na naibigay sa akin. Sana nga lang manalo.

"Ikaw sana kukunin ko na V-pres pero magsuggest si ma'am Ynah eh."

Dati pa kasi plano na ako ang ilalagay sa pagiging vice-president kaso hindi iyon nangyari. Ayoko naman na sumali sa ibang partido dahil nakakahiya naman kay ate Crissa.

"Okay lang, ate. Gusto ko rin ang position na ibinigay mo. Okay na ako dito. Gusto ko mag-explore."

Habang nag-uusap-usap kami dahil nilibre kami ng snacks ng dating presidente ng student council ay nagtipon-tipon kami. Masaya kaming nag-uusap-usap. Sa hindi kalayuan ay nakita ako ang dalawang Cardejas. Kilala ko naman na sila dahil hindi rin biro ang pangalan ng mga magulang at kapatid ng lalaking iyon at ang pinsan naman niyang kasama. Nakahawak si Nicka sa dulo ng shirts ni Jian habang papasok.

"Matik ikaw kailangan niyan, Lex."

"Ewan ko ba diyan, kuya JP."

Tinawanan niya lang ako saka bahagyang pinalo ng mahina ang balikat ko.

"Hindi mo gusto?"

Umiling ako.

Nang makalapit sa akin si Nicka ay na kay Jian ang atensyon ko. Hindi ko alam kung bakit nakatitig din siya sa akin. Wala sa pinsan niya ang atensyon niya kundi nasa akin.

Napakayabang.

Isinuot nito ang earphone sa tainga niya habang nakatingin sa akin na tila walang pakialam sa nangyayari. Doon siya kilala sa buong school sa pagiging tahimik, snob, at walang pakialam. Sarili niya lang ang parating iniisip niya. Ni wala nga yang kaibigan maliban sa mga pinsan niya at doon sa anak ng model.

Parati rin kasing napag-uusapan.

"Lexus, hi."

Doon ko na napansin na nakalapit na pala si Nicka sa gawi ko. Masyado akong nakapokus sa pinsan niya. Naiinis ako sa kaniya sa gawi ng paninitig niya sa akin.

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasWhere stories live. Discover now