vi envy

71 3 0
                                    

Chapter 6

Our exam is finally done after a week. I'm scared that I messed up. I don't want to mess up this semester. Alam ko na ang mangyayari pagkatapos kaya ayoko. Hindi man lang din ako pinapayagan ni Jian na makita si Yanyan kaya mas lalong kumukulo ang dugo ko sa kaniya.

Noong isang araw sinadya ko siyang patirin pero hindi man lang siya natumba. Ako pa napagalitan dahil nakita ng isang guro ang ginawa ko kaya sabi ko nagbibiruan lang kami. Kamuntikan na ako doon.

Matapos ang meeting namin ay dumiretso ako sa office namin. Ginawa namin ni President ang proposal para sa intramurals. Chinicheck na lang namin para makapagpapirma na kami. Si Jian naman nakaupo lang habang naglalaro kaya binato ko siya ng papel.

Nilingon niya ako at binato pabalik ang papel.

"Ang epal mo!"

"Tumulong ka kasi dito! Or else umalis ka na lang wala ka namang ambag!" hasik ko.

Ayoko sa lahat yung busy ako tapos may isang panira sa isang tabi at iba naman ang pinagkakaabalahan.

"Nagsisimula na naman kayo. Aalis muna ako. Kailangan ko ipacheck kina coach ulit yung mga mechanics. Kayo na bahala dito. Pakitapos na niyan para mapapirmahan na natin yan ngayong araw."

Nang makaalis si ate Crissa ay wala pa ring ibang ginagawa si Jian kundi ang maglaro. Sa inis ko ay nilapitan ko na siya at hinablot ko ang phone niya mula sa kaniya.

"Ano magbibingi-bingihan ka?" tanong ko sabay pagkrus ko sa braso ko.

He just rolled his eyes on me.

How dare he roll his eyes on me!

"Jian, narinig mo naman diba? Tulungan mo nga sabi ako at naiinis na talaga ako!"

"Anong tulong ba kasi? Moral support na lang oh!"

"What if kaladkarin kita palabas? Moral support?! Are they even serious?! You're the vice president of the supreme student government! Act like one, Jian?"

Padabog akong naglakad pabalik sa table at inayos ko ang proposal for the acquaintance party. Iyon na lang kasi ang pinakaneed na ayusin dahil si ate Crissa na ang lumabas para ayusin ang mechanics.

"Fine! What am I going to do?" he asked.

I handed him the papers that our adviser gave back to us. May mga comment at kailangan kasi irevise para naman maayos namin mairepresent sa Dean ang lahat. Mahirap ng maraming mali pagpresent namin ng mga iyon. Kaming tatlo ang kailangan na magpapirma noon. Tapos na rin sa budgeting na ginawa na ng ibang officers kaya kami talagang tatlo ang marami ang ginagawa at umaayos ng lahat.

Siya na ang nasa harap ng monitor. Nakaupo naman ako sa katabing upuan at patuloy na finafinalize ang papers para sa mga games. Tapos na ang klase namin pero nandito pa rin kami dahil dito.

"Jian."

Hindi man lang siya lumingon sa akin.

"Hm?"

"Si Yanyan?"

"Ano na naman kailangan mo?" tanong niya habang nasa monitor pa rin ang paningin.

"Hindi ba unfair na ikaw ang nay karapatan? 50/50 tayo oy." Nilingon niya ako habang tamad na tamad akong tiningnan. "I want to see him. Pusa ko iyon. Inangkin mo lang eh."

"Dalhin ko bukas. Okay na?" Ngumiti ako saka tumango.

Mukhang ayaw niyang gulohin siya kaya pumayag. At least. Salamat na lang.

Wala kaming pasok bukas pero need namin magprepare na sa iilang needs para sa games. Pati ang iilang organization ay nagreready na rin naman para tumulong and ang bawat strands and junior ay nagpaplano na para sa kani-kaniyang booth nila.

Hindi ko na ginulo pa si Jian hanggang sa makabalik si ate Crissa. Ako naman na ang sunod na umalis dahil nagugutom na talaga ako. Bumili lang ako ng sandwich at juice sa canteen. Binilhan ko na rin yung dalawa. Nang makasalubong ko ang isang subject teacher namin ay tinawag niya ako.

"Congrats, Lex. Isa ka sa nakakuha sa higest sa exam ko. Good job."

Napangiti ako sa narinig ko at kaagad na nagpasalamat.

"Thank you, ma'am. Kinabahan ako na baka hindi ko maitawid yun eh."

"Well deserve mo naman kasi nag-aral ka. You got 59 out of 65. I'm proud of you."

Tila napawi ang galak na nararamdam ko. I made 6 mistakes.

"Ma'am, ako po ba yung pinakahighest?" tanong ko kahit na kinakabahan ako kung tama ba ang pagkakatanong ko. Nakakahiya kasi.

"Actually, no. Jian got the highest I mean he got a perfect score. You're the 2nd one who got the highest. Actually sobrang saya ko na wala naman nagfailed. Congrats sa section niyo. You all did well."

Matapos ang usapan namin na iyon ay matamlay na akong bumalik sa office. Pagkapasok ko ay nagpiprint na sina ate Crissa. Nakaupo si Jian at nakasandal sa backrest ng sofa habang nakatakip sa mata niya ang braso niya.

"Lex, samahan mo kami."

Tipid lang ako na ngumiti saka lumapit sa kaniya at inabog ko ang pagkain na binili ko.

"Thanks, Lex. Punta lang muna ako sa room. Naiwan ko bag ko doon eh."

Pagkalabas niya ay padabog akong naupo sa tabi ni Jian dahilan para alisin niya ang braso na nakadantay sa may mata niya saka ako sinamaan ng tingin. Syempre ganoon din ginawa ko sa kaniya.

"You got a perfect score in statistics," I said.

"Then? Are you gonna initiate na naman na hindi ko deserve?" tanong niya. "I know that you're not happy about it. Huwag ka ng plastic."

Actually hindi naman iyon ang nasa isip ko. Sinisisi ko ang sarili kasi nag-aral naman ako pero hindi ko pa rin nagawa ng tama ang lahat. Oo hindi ako masaya na pangalawa ako pero hindi ko naman inaano sa sarili ko na galit ako sa kaniya.

"May kodigo ka siguro," sabi ko dahilan para umayos siya ng upo.

Ewan ko ba. Basta gusto ko na mainis siya sa akin. Mas gusto ko na magalit siya sa akin.

"I don't have it. Hindi ako magpapakababa para lang itaas ang sarili ko sa paningin ng iba. I studied and I got the perfect score because I deserved it and I made it on my own. Kung hindi ikaw ang highest hindi ko na kasalanan iyon. Don't be full of yourself, Lexus Alistair. Mas lalo mo lang akong binibigyan ng rason para kamuhian at talunin ka sa lahat ng bagay. We're not friends and don't cross the line. Nagbago na isip ko. Hinding-hindi ko na ipapakita sa'yo si Yanyan. He's mine!"

Nang maiwan ako mag-isa doon na tumulo ang luha ko.

"Isang subject pa lang naman iyon, Lex. Stop worrying about it." Pag-aalo ko sa sarili ko.

Hindi na bumalik pa si Jian. Kami lang ni ate Crissa ang nagpapirma sa proposal. Matapos namin mapapirmahan ay dumiretso ako sa convenience store ni tita habang lutang.

Mas pinili ko na lang nagbuhat at mag-ayos ng mga paninda kaysa pumunta sa cashier dahil baka magkamali lang ako lalo na at nasa ibang bagay naman ang isip ko.

"Jian, come on. What do you want?"

Napalingon ako sa dalawang lalaki na  kapapasok pa lang.

"I already told you what I want. Ulit-ulit naman, Dad. I hate you."

"Eh nagutom kasi ako kanina at nagcrave kaya kinain ko. Malay ko ba na wala yung gusto mo sa grocery ba napuntahan ko. Tsaka kapag ikaw napagalitan na naman ng Daddy mo damay ako."

"Sabi ni ate Maisei kaya mo naman ihandle galit ni Daddy. Kaya mo na yan, Dad. Sa labas na lang kita aantayin. Ayokong kasama ka."

"Salamat ah. Manang-mana ka talaga sa mga kapatid mo."

"No! Pinaghalo ako ng ugali niyo ni Daddy. Mas lamang nga lang kay Daddy. Hindi ka naman matalino."

"Abat!"

Lumayo na ako doon saka pumasok sa staff room. Nakakainggit. Hindi ko man lang naranasan makipagbardagulan sa Daddy ko. Hindi ko na maalala kung paanong pinapatahan ako ng Daddy ko sa tuwing umiiyak ako. Hindi ko na alam ang pakiramdam na iyon. Ang alam ko lang malungkot ako kasi feeling ko mag-isa lang ako sa mundo.

Lahat ng meron si Jian wala ako.

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon