v tears

82 2 0
                                    

Chapter 5

"Mag-aral ka at malapit na exam niyo. Iba na ang mga kaklase mo kaya huwag ka pakampanti. Huwag ka muna pumasok sa store at mag-aral ka dito. Huwag kang magsayang ng pera. Naalala mo pa naman siguro ang mga sinabi ko noon diba?"

I nodded.

Mabait daw si tita para alagaan ako at patirahin sa bahay nito. Hindi alam ng tao na ganito siya sa akin. Hindi ako ginugutom, hindi ako pinagdadamotan ng pera, may k'warto akong de-aircon, may mga gamit ako pero lahat ng iyon ay ang dapat na ginagawa ko. Ang mag-aral at maging top sa lahat ng bagay.

Tahimik ngayon ang buong bahay. Well weekend ngayon at kaaalis pa lang ni tita bago nag-iwan ng masasakit na salita. Pinuntahan si kuya Tides dahil birthday nito at malayo ito na aabutin ng tatlong oras ang byahe mula dito. Hindi ako sumama dahil ako ang naiwan sa bahay. Exam na namin next week kaya ngayon nagsisimula na ako mag-advance study kaya lang walang pumapasok sa isip ko.

Mas gusto ko nasa paaralan ako. Kasi sa school hindi ko ramdam na mag-isa ako. Hindi ko ramdam na walang-wala ako kasi magaling ako kapag wala ako sa bahay na ito.

Days passed, weeks, and even months mas nakakaramdam ako ng iba ka Jian. I'm insecure. Ako kailangan ko mag-aral buong magdamag para makakuha ng mataas na marka sa tuwing may quizzes, recit, summative test at kung anu-ano pa samantalang siya nakikita ko na natural sa kaniya ang pagigig matalino niya.

I was made to be on the journalism team in our school, he made it into a swimmer again. When I am in quiz bee, he's in poster making on nutrition celebration. When I was part of the dancer team, he joined the band. Noong sumali ako sa spoken poetry noong buwan ng wika nasa balagtasan siya. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba ang lahat or so whatever.

Buong break siya sa rooftop naglalaro sa pusa at online games pero laging siyang highest. Samantalang ako nasa library, nag-aaral. Pinipilit ko isaulo lahat at ayoko may nakakaligtaan. Dahil kay Jian mas nakikita ko na rin ang ibang tao. Siguro kaya inis na inis ako sa kaniya dahil nakikita ko sarili ko sa kaniya tipong walang pakialam sa paligid na okay ang pagkakaiba lang namin ako may pakialam sa acads hindi sa ibang tao lalo na noong junior high ako.

Minabuti ko na maglakad-lakad sa labas. Dumiretso ako sa school kahit nakasara naman. Malapit lang kaya minsan talagang ginagawa ko ito para maglakad-lakad at mag-isip.

Tuluyan na sana akong aalis nang makita ko na galing sa likod ng school si Jian habang bitbit ang pusang pinangalan niyang Yanyan. Naalala ko pa noon nadatnan ko siya na pinainom ng gatas yung pusa at ang inding parang naligo ang pusa. Punong-puno ng gatas ang mukha nito dahil sa talamsik habang umiinom dahil sa dami ng inilagay ni Jian na gatas. Noon niya pinangalanan ang pusa.

"Ba't mo bitbit yan?" Nagulat pa siyang nang makita ako. "Saan mo yan dadalhin?" tanong ko pa.

"Iuuwi," sagot niya.

"Pusa ko yan, Jian! Anong iuuuwi?" Kaagad ako lumapit sa kaniya at pilit na kinukuha ang pusa.

"Iuuwi ko siya para mas komportable siya. Tsaka ako nagpangalan dito. It means akin ito."

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ako papayag. No way!

"Akin na sabi eh. Akin si Yanyan. Salimpusa ka lang sa amin. Ako nag-aalaga diyan. Tambayan ko ang rooftop. Sampid ka lang doon!"

Hawak ko na ang pusa habang yakap niya ito. Ayaw niya talagang bitawan at pilit na inililihis sa akin. Ayoko naman na hablotin dahil baka masaktan ang pusa.

"I'm the SSG Vice-President, Lexus. Sa akin ito uuwi."

"I'm your President, Jian! Ako ang dapat mong sundin. Now put Yanyan down."

"No way!"

Handa na sana akong hilahin ang pusa pero natigil kami sa narinig namin.

"Kawawang bata. Yan ang napapala ng maagang nag-aasawa tapos pag-aagawan ang anak. Kawawang pusa."

"Oo nga eh. Ba't 'di na lang sila mag-usap ng maayos? Hindi ba nila napapansin na nasasaktan na ang pusa? Ang toxic naman ng pamilya nila."

Nilampasan kami ng dalawang babaeng hindi naman namin kilala. Pareho kaming naiwang gulat at hindi makapaniwala sa narinig namin.

"Meow!" Pareho kaming napatingin kay Yanyan na pilit gustong kumawala sa aming dalawa.

"Let go, Ian!" I hissed.

"Kulang ng J, Mr. President."

He smirked.

"4 letters na lang babawasan mo pa ng isa? Well okay naman. Yanyan & Ian, sounds good. Mamumuhay kami ng tahimik ng anak ko kaya huwag ka papansin. Kapag hindi ko inuwi ito iuuwi mo ba? Gusto na itong ipatapon ng Dean. Now will you take the responsibility, Mr. Pres? "

Ayaw ni tita sa pusa. One time nag-uwi ako ng pusa paggising ko wala na. Ipinatapon na at wala akong nagawa. Hindi ko na nakita yung pusa. Iniyakan ko iyon pero wala akong nagawa. Wala akong sariling bahay. Hindi ko iyon bahay kaya wala akong magawa.

"But he's mine," I almost whispered.

"It's mine alone, Pres. Yanyan is mine. And I'll take care of him. Now please step back. Baka pareho pa nating maiwala. Hindi sanay si Yanyan dito sa labas. Iuuwi ko na siya."

Naiwan ako mag-isa matapos niyang makasakay. Tinignan ko ang wallet ko saka ko binilang if may pera pa ako. Nang makita ko na okay pa naman ay kaagad akong pumara ng tricycle. Halos kalahating oras bago ako nakarating sa sakayan ng jeep. Ilang minuto rin ako nag-antay na may dumaan. Nang makasakay ako ay nauntog pa ako pero wala akong pakialam. Kung may tumawa man wala na akong pakialam.

Nang makababa na ako ay dumiretso na ako sa isang grocery store para bumili ng stick-O bago ako pumunta sa bilihan ng kandila at bulaklak. Pagkatapos ay naglakad ako ng ilang minuto bago ako nakarating sa puntod ng mga magulang ko.

Tatlong white roses ang binili ko at kandila. Nilinisan ko ang puntod nila bago ako naupo sa lapag. Hindi rin naman kasi maaraw dahil madilim ang kalangitan.

Allan Alarcon, Leah Alarcon, & Alianna Lexy Alarcon.

Pinunasan ko ang mga luha ko habang binabasa ko ang pangalan nina Mommy, Daddy, at ate na nakaukit sa lapida.

"Mommy, sorry ngayon lang ulit ako nakadalaw. Naiwan na naman akong mag-isa, Daddy. Ate, hindi ko pa rin talaga kaya mag-alaga ulit ng pusa. Miss na miss ko na kayo. Hindi ko na kayo maalala, hindi ko na talaga matandaan mukha't boses niyo. Miss na miss ko na kayo. Sa tuwing naiiwan ako, sa tuwing nasasaktan ako, naaalala ko lahat ng sakit na itinatago ko. Minsan naiisip ko na lang na bakit pa ako nabuhay kung wala naman na kayo? Na nakasunod na rin ang pangalan kong Alistair Lexus Alarcon sa tabi ni ate. Ba't kasi iniwan niyo ko?"

Hikbi ang tanging lumabas sa bibig ko matapos ko ilabas lahat.

"Awang-awa na ako sa sarili ko. Napapagod na rin ako. Alam niyo ba nagpapasalamat ako kay tita na kinukopkop niya ako pero ang sakit-sakit niya po magsalita, Mom. Parati na lang akong nakakarinig ng kung anu-ano galing sa kaniya. Thankful ako sa kaniya pero may sama ng loob ako sa kaniya, Mommy. Sabi niya last time kapag nagpabaya ako itatakwil niya ako. Dapat daw gayahin ko sina ate at kuya. Dapat parati akong nasa top at huwag ko sinasayang ang pera. Pero ayaw niyo pa naman ako diyan right? Kasi hindi niyo pa nga ako sinusundo. Maghihintay ako sa inyo ah. Hihintayin ko ang araw na magkakasama ulit tayo. Promise ko iyan."

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasWhere stories live. Discover now