xxvii luck

46 1 0
                                    

Chapter 27

Maaga akong nagising. Nakayakap si Jian sa akin. Kaagad ko kinuha ang phone ko. Umaga na kaya dahan-dahan ko inalis ang braso ni Jian na nakadagan sa akin. Pero imbis na maalis ay mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa akin.

"Ji, I have work today. So you can sleep pa. Late ka na natulog kagabi."

"Hmm..."

"Jian, please..."

Nang iminulat niya ang mata niya ay tila nasisilaw pa soya kaya ginulo ko ang buhok niya.

"Sleep ka muna. I'll use your motor now. May klase pa naman ako mamaya so sa school na ako didiretso mamaya."

Pumunta ako sa kung saan address ang ichinat sa akin ni tito Jaddy for the photoshoot. Since ako lang ang kailangan ngayon at mamaya pa ang pasok ni Jian ay mas nais ko na magpahinga na muna siya. Ilang araw na rin siyang puyat dahil sa mga school works.

Pagkatapos ko ay nagearly lunch muna ako. 11am ay may pasok na ako hanggang 2 kaya naglunch na ako. Nang matapos ang klase ay doon ko nakita na ang daming missed call ni kuya kaya kaagad ko tinawagan si Kuya Tides.

"Kuya, sorry. May klase kanina hindi ko napansin ang calls mo."

[Lexus, umuwi ka. Please samahan mo si Mommy. Kailangan ko puntahan si Cielo."]

"Anong nangyari ba, kuya?" nag-aalalang tanong ko.

[Nasa hospital si Cielo, Lex. Si Mommy... alam na ni Mommy. Puntahan mo siya please...]

"Sige po. Update me na lang, kuya."

Dali-dali akong pumunta sa parking lot. Mabuti na lang at dala ko ang motor ngayon ni Jian. Dali-dali akong nagmaneho pauwi. Halos inabot ako ng isang oras bago nakarating sa bahay. Pagpasok ko sa bahay ay nakabukas naman ang pinto at hindi nakalock.

"Tita? Tita?"

Unang pinuntahan ko siya sa k'warto ngunit wala. Halos halughugin ko na ang buong bahay ngunit wala pa rin.Halos manginig ang kamay ko habang tinatawagan ko ulit si kuya Tides.

[Lex? Si Mommy?]

"Kuya, wala siya dito. Hinalughog ko na ang buong bahay!"

[Sh*t!!! Tangina!!! Saan ba? Lex, help me.]

"Don't worry alam ko na nandito lang iyon. Hahanapin ko, kuya."

Alam ko na hindi pa siya nakakalayo. Sinabi nilang lasing pa ito. Matapos ang ilang minuto ay doon ko nga siya nakita sa isang parke. Tila nakahinga ako ng maayos. Patakbo ako lumapit sa kaniya at hawak-hawak niya pa ang bote ng alak habang nakatingin sa salamin.

"Tita?"

Nanatili lang siyang tahimik na lumuluha at nakatingin sa akin.

"Alam mo sumusobra ka na. Paratimg ikaw na lang ang dahilan ba't nawawala ang mga mahal ko." Natigilan ako dahil hindi ko alam ano na naman nasa isip niya. Minsan iyon din ang naiisip ko. Feeling ko ang malas-malas ko. "Bakit hindi na lang ako, Lex?"

Sorry, tita. Kung alam mo lang na kahit ako iniisip ko na sana ako na lang iyon eh. Ako na lang.

"Tita."

"Wala na, Lex. Wala na ang pera. Lahat ng ibinigay sa'yo ng ate mo kaniya. Galit na galit siya sa akin dahil hindi ko naman daw pera iyon ba't ko pinakilaman?"

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.

"Hindi iyon aksidente." Umiiyak na siya ngayon ng mas malala pa sa kanina. "Pagod na pagod na sa akin ang mga anak ko na nagawa na ni Cielo pagmukhain na aksidente ang lahat. Iyong convenience store na lang ang natitira sa lahat. Sa tuwing nakikita kita naalala ko lahat. At habang kinamumuhian kita mas pinaparealize sa akin nina Tides at Cielo na ang sama-sama kong magulang. Dahil habang pinapahirapan kita sa bahay at pag-aaral nakikita ko kung paanong kahigpit ako sa kanila na hindi na nila nagawang magsaya at sumaya sa buhay pagiging istudyante nila."

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasWhere stories live. Discover now