xx surrender

55 2 0
                                    

Chapter 20

"Research defended. Congrats, Mr. Cardejas and Mr. Alarcon."

Iyon ang huling salitang natatandaan ko bago ako tuluyang umiwas kay Jian. Umiiwas ako in a professional way. Kapag may kailangan kaming pag-usapan then I can manage it. Pero never ulit akong nag-open sa kaniya sa buhay namin.

Jian Glenn Villareal-Cardejas-98.2
Alistair Lexus Alarcon-98.1

Seeing my name next to his name gives me now a chills. I'm so proud of him. I'm so proud of me. Hindi na ako sumasama sa kanila sa kung ano pa man na nangyayari sa buhay nila. Kahit si Lizzy hindi na ako makumbinsi. Ako naman ang gumusto nito.

Pero ang siyang nanatili ay ang nararamdam ko. Hindi man halata pero lagi ko siyang inaantay. Sa tuwing umaga inaantay ko ang pagpasok niya. Tuwing uwian mas nauuna siyang lumabas. Tuwing may program parati siyang nasa office ng ssg or nasa event. Kapag may proposal na kailangan sinisigurado ko na secretary ang kinakausap ko. Kapag may groupings iniiwasan ko siya na hindi nadadamay ang mga dapat naming gawin.

Inaamin ko mas naminiss ko siya. Na baka one day siya na rin yung sumuko. Pero nang umabot na ng bagong taon nawawalan na ako ng pag-asa.

Hindi siya magfifirst move kasi hindi niya naman ako gusto. Na mas tahimik ang buhay niya na wala ako.

I explained to tito Gavin and tito Kipper that I need this. We need this. Parati pa rin akong pinapasahan nina tito ng pictures ni Yanyan. Kahit si Yanyan hindi ko na nakikita. Lumalaki na siyang hindi na ako kilala.

After my birthday during December 31 inaayos na si ate ang mga naiwan para sa akin nina Mommy at Daddy. Hindi na naaawat pa si tita parati na lang siyang lasing. Parating galit sa akin which is naiintindihan ko naman na.

"Mommy, Daddy, ate happy new year. Sorry hindi ako nakadalaw kahapon. Sabi ko I'll spend my new years here na lang kaysa sa birthday ko." I sighed as I start to clean their graveyard. "Naiintindihan ko po kung bakit galit na galit si tita sa akin eh. Kung hindi ba naman ako iniligtas ni tito baka wala na rin ako dito diba? Imbis na ako yung masasagasaan noon, Tito Andro saved me. Namatay si Tito dahil sa akin. Sana hindi galit sa akin si tito diba? Kasi sana kasama niya pa sina tita ngayon. Sana hinayaan niya na lang ako noon. Sana hinayaan na lang niya ako yung masagasaan."

Iyon ang dahilan kung bakit mahigpit at parating galit si tita sa akin. Kasi sa tuwing nakikita niya ako naaalala niya ang asawa niya.

Maga ang mga mata ko na umalis sa sementeryo. Tumambay lang ako sa park at nagoalipas ng oras. I really have no one in my life. I hope in another universe, I'm happy and not alone every time like this.

"Lex, sure ka ba talaga? Ako na yung nasasaktan eh."

"Lizzy, please stop it already. He's good when I'm not with him."

She hugged me so I gave her a smile when she looks at me.

"Mahal mo na 'no?" tanong niya na ikinailing ko. "Lex, huwag sa akin please. Kilala kita. Alam ko sa puso mo mahal mo na siya. Everytime nakikita kita paano tumingin sa kaniya mula sa malayo. Even Marcky said na parati ka na lang nahahagip na sumisilay kay Jian. Even our classmate na mas gusto na lang na nag-aaway at nagbabangayan kayo sa simpleng bagay kaysa ngayon na wala na."

"Tama na, Lizzy. He's straight. Ako yung baliko na hinding-hindi niya mamahalin, Liz. Huwag mo na parati ipaalala sa akin ang nararamdam ko para sa kaniya kasi nagpapakapagod lang ako. Hinayaan ko ang sarili ko hanggang sa tuluyang makalimutan ko kung ano man ang nararamdam ko para sa kaniya."

I made a choice to avoid him at papanindigan ko iyon.

Pinilit kong magsunog ng kilay para mas hindi ko na siya maalala. Pero hindi nakikisama ang utak at puso ko. Hanggang sa panaginip umaabot siya. Minsan umiiyak na lang ako sa frustration. Ayoko na sa nararamdam ko.

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon