ix boyfriend

66 0 3
                                    

Chapter 9

Alam ko na mayaman sila pero ngayong nandito ako sa bahay nila parang hindi ata ako makahinga. Tila nawawalan ako ng hangin at nahihilo sa lawak na nakikita ko. Para akong wala sa Pilipinas. Hindi ito bahay. Mansion ata ito or baka kaharian ata ang tawag dito.

"Where are your parents?" I asked.

"Wala. They are somewhere." 

"You're alone in this freaking house?" I asked and he nodded boredom. "Such a big house."

"It's our home. It is the Cardejas home." Nang may lumapit na kasambahay ay nilingon ito ni Jian. "Yaya, I need medicine for fever and food too. Pahatid na lang sa k'warto ko."

"Okay po."

Nauna nang maglakad si Jian paakyat sa hagdan. Nang nasa pangatlong bahagdan na siya nang lingonjn ako. Napansin niya siguro na hindi ako nakasunod sa kaniya.

"What are you waiting for?" 

Hindi na ako kumibo saka na lang sumunod sa kaniya. Palinga-linga pa ako sa paligid habang paakyat kami.

Anong pakiramdam kayang magpagulong-gulong sa hagdan na ito?

"May nahulog na ba sa hagdan na ito?" May kuryosidad kong tanong. 

Sinilip ko pa ang baba. Ilang ft kaya ang taas nito?

"Huwag mong subukan. Huwag mo gawing haunted mansion ang bahay namin."

I rolled my eyes and he ignored me.

Pagpasok namin sa k'warto ay maayos naman ito. Black and white ang theme ng k'warto niya. May mga drum set sa katapat ng kama niya kasama na rin ang mga piano at gitara. May study table kung saan nakalapag ang laptop niya. Nasa ibang table naman ang mga para sa paglalaro niya. May mga bookshelves din at halos mailuwa ko sa mga international books na nakikita ko. May mini fridge rin sa tabi ng at maging ang mga closet ay tila nakapasadya dahil pader na ata niya iyon.

Nang makita ko si Yanyan na tumalon sa kama niya ay kaagad ko na itong nilapitan. 

"I miss you," I whispered to him as I carried him into my arms.

I was busy playing his flur when we heard a knock.

"Sir, ito na po."

Pinagbuksan niya iyon at kinuha ang isang tray ng pagkain kasama ang gamot at tubig na hiningi niya. Inilapag niya ito sa study table niya. Iniwan din kami ng kasambahay niya.

"Eat and drink your meds. And here!" Itinapon niya sa mukha ko ang isang damit. "Hindi pa yan gamit. Magpalit ka. Madudumihan ang kama ko!" hasik niya.

"Arte," sabi ko bago ko kinuha ang damit saka agaran na naghubad sa harapan niya.

Wala naman klase pareho naman kaming lalaki eh.

Nang maisuot ko na ng tuluyan ang damit ay nakatalikod na siya sa akin. Kinain ko ang soup bagk ako uminom ng gamot. Naglalaro na siya sa pc niya ngayon habang nakaupo ako sa mini sofa habang kalong-kalong ko si Yanyan na natutulog sa hita ko ngayon.

"Bakit mo ako dinala dito?" tanong ko pero hindi man lang niya ako nilingon. Nakalimutan ko na nakaheadphone pala siya at naglalaro. "Ang pangit mo. Ang sungit mo. Nakakainis ang ugali mo. Saan mo ba yan namana?"

"Kay Daddy," sagot niya na ikinalaki ng dalawang mata ko. "Namana ko kay Daddy. May angal ka?" tanong niya sabay lingon sa akin.

"Hindi ako naniniwala."

"Itanong mo pa kay Dad nang magkaalaman."

Hindi ko na siya pinakialaman. Nakatulog ako na katabi ang maliit na pusa sa sofa dahil sa sakit ng ulo ko. Nagising na lang ako na nilalaruan na ni Yanyan ang buhok ko. Panay ang panghihila niya doon.

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-Cardejasحيث تعيش القصص. اكتشف الآن