xiii partners

44 1 2
                                    

Chapter 13

"Chapter 1 sa akin tapos ko ito hanggang bukas. Ikaw na sa chapter 2," sabi ko sa kaniya habang nagbabasa-basa siya ng libro na kinuha niya.

Kasalukuyan kaming nasa library ngayon. Wala naman na kaming pasok kaya dito na kami dumiretso. Approved na rin naman kay ma'am ang topic na napili namin kaya mas magandang magsimula na kami. Busy naman kami sa iba't-ibang bagay kaya naman kailangan namin na huwag magsayang ng oras.

"Swap," sabi niya sabay sara ng may tunog sa libro.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Fine chapter 2 akin, 1 sayo. Kailangan ko bukas."

"Not a problem."

Pareho kaming napalingon nang lumapit si Lizzy na parang pagod na pagod na sa buhay. Magulo na ang buhok niya at pati mata pagod na pagod kung titignan.

"H*yop talaga! Ayoko na sa kapartner ko. Sabay kaming babagsak nito."

Umiling ako sa kaniya. Naupo siya sa tabi ko saka isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Pahiram ako saglit, Pres. Papahinga lang." Pinitik ko bahagya ang noo niya dahilan para mapahawak siya doon. "Naiiyak na nga ako papaiyakin mo pa ako, Lex. Siguro ang sama-sama ng ugali ko para mapunta ako sa taong mas lalong hihila sa akin pababa."

"We can help you naman ah. Help lang walang utos," sabi ko.

"Just ask, Lexus. Huwag sa akin. I'm busy."

Umayos ng upo si Lizzy at diretsong nakatingin na ngayon kay Jian. Patay malisyang inirapan na naman ako nito.

"Jian, irap ka nang irap kay Lexus. Kaya kayo napagkakamalan na parating magsusuntukan. Ang mukha mo, Lexus, ayusin mo. Para kang papatay parati, Lex. Aware ka naman."

"This is me, Liz."

"Ang popogi niyo dala-dala naman ng mukha niyo ang sama ng loob niyo sa mundo. Hindi kayo gumaya sa akin—"

Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

"Tumingin ka sa salamin ng malaman mong mas pasan mo ang sanlibutan sa itsura mo."

"Pashnea ka!"

Hindi namin namalayan na nasa harap na pala namin ang school librarian. Masyado kaming naging pabaya. Nasa library pala kami.

"Kayong tatlo labas!" Doon kami napalingon sa librarian. "Kanina pa ako sumisenyas. Labas!"

Wala kaming nagawa kundi ang lumabas. Bitbit ko ang librong dala ko at ang envelope ni Lizzy. Si Jian naman ang may bitbit ng bag ni Lizzy. Masyado ng nakaka-VIP feeling itong si Lizzy sa amin.

Nasa hulihan ako habang nakasunod sa kanilang dalawa. Nakaakbay si Lizzy kay Jian habang pilit siyang itinutulak nito palayo.

"Libre mo kami ice cream, Jian. Please... ikakamatay ko na ang mga nangyayari ngayon. Pagod na ako magbalance, pagod na akong makakita ng mga numbers, makatanggap ng araw-araw na pasalubong na assignment, at surprise quizzes, dinadagdagan pa ng research. Please..."

Nasa hulihan ako hanggang sa makalabas kami sa school. Kaagad na nauna pumasok si Lizzy sa loob ng 7/11. Sumakay pa kami ng tricycle para makalayo. Ayoko rin naman kasi sa convenient store ng tita ko. Kinalkal ko ang bag ko para kunin ang mga basura ko. Saktong may trash bin kasi.

"Lex! Ano ba ang bagal-bagal mo! Hindi ka na raw ililibre ni Jian!" Umiling na lang ako kay Lizzy na nakasilip sa may pinto.

Nagpatuloy ako sa ginagawa ko.

Habang tumatagal nahihirapan na akong sumama sa kanila. Sa tuwing nakikita ko sila inaamin kong nawawalan ako ng gana. Alam ko na naghihinala si Lizzy at habang tumatagal mas naiintindihan ko na pero ang clingy niya kay Jian. Hindi ko nagugustuhan.

Parang ayoko na pumasok.

Nang makita ko na nakatalikod naman sila sa gawi ko ay kaagad ako naglakad palayo sa 7/11. Pumasok ako sa isang mall saka pumunta sa stall ng mga fast food. I ordered fries and siomai. Nagchat ako kay Lizzy na humiwalay ako saglit.

Naupo na ako sa desk saka tahimik na kinakain ang binili ko. Kaunti lang naman ang tao kaya hindi masyado maingay. I'm using my phone while eating.

Malalim na butonghininga ang pinakawalan ko.

"Ano ka ba?! Bakla ka?!" hasik ni tita matapos niyang malaman na nakikipagkita ako sa kaklase ko.

"Tita."

"Ano ba, Lexus?! Subukan mong ituloy yan itatakwil kita! Huwag mo akong subukan! Makikita mo hinahanap mo! Mag-impake ka! Hindi ka na sa ibabalik na kita sa Manila! Ayokong malalalaman na nakikipagkita ka sa mga lalaki!"

Dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko nang maalala ko ko ang pangyayari noong grade 7 pa lang ako. Simula noon lumapit na ako sa school na kung nasaan ako ngayon. Inuwi niya ako sa probinsya matapos mamatay nina Mommy at grade 7 ulit ako nakaluwas sa Manila.

"Lex!" Hindi kaagad ako lumingon kay Lizzy. Naupo siya sa harapan ko. "Ba't naman bigla ka na lang umalis?! Buti nakita ka ng kaklase natin. Sinabi niya na himala hindi tayo magkakasama dahil nakita ka dito. May problema ba?" nag-aalala niyang tanong.

"I'm fine. Gutom lang." Iniabot ko na sa kaniya ang envelope niya. "Iyo na ito. Pinapauwi na ako ni tita. Kailangan na ako, Liz. Chat ka na lang if may tanong ka about research. I'll try to answer it."

Hindi na ako nag-antay pa na makapagsalita siya. Umalis na kaagad ako. Sumakay kaagad ako sa jeep para mas madaling makauwi. Mabuti na lang at hindi ako nahirapan sa pagsakay.

Dumiretso ako sa bahay at nagpalit. Nakita ko si tita na kagagaling pa lang sa convenient store.

"Tutulong po muna ako doon, tita." Tumango lang siya saka naupo sa sofa. "Una na po ako."

Naka-earphone akong lumabas ng bahay para lumipat sa convenient store. Inayos ko ang mga bagong dating na stocks na kadarating pa lang. Ilang cartoon din iyon na malalaki kaya pagod na pagod ako sa pag-aayos.

Nang tumingin ako sa orasan ko ay dalawang oras na rin pala ako sa pag-aayos. Kumuha ako ng cup noodles, softdrinks, at isang mamon bago ako nagbayad. Nang makaupo na ako ay hinintay ko na lang na maluto ang noodles at nagsimula na akong kumain ng mamon.

Nang may pumasok nakita ko si Jian na nakahoodie. Mukhang nakauwi na siya dahil iba na ang suot niya. Nang binuksan ko na ang nakatakip sa noodles ay nagsimula na akong humigop ng sabaw.

Napaso pa ako.

Tahimik kong inubos ang kinakain ko habang si Jian nasa may tabi ko. Nakatingin lang sa labas habang busy sa cookies and cream niyang ice cream. Sa dami ng pwedeng pagnilhan hindi ko alam bakit nandito siya.

"I need the whole chapter 1 tomorrow," sabi ko saka tumayo.

"Weekend tom. Bukas na ako gagawa."

Imbis na aalis na ako ay naupo ulit ako.

"Nagkasundo na tayo kanina. Kailangan ko bukas." Pagmamatigas ko.

Hindi naman na kami seryosong nag-aaway pero baka sa research na ito mag-away na talaga kami.

"Nope. Maghintay ka sa wala. You even ignore my presence kanina pa noong pumunta tayong 7/11. You think hindi ko napansin iyon hanggang ngayon? Wala akong sinimulan at wala akong sisimulan, Alistair. If you want me to start our research, meet me tomorrow at our house. Gagawa tayo ng sabay."

Tumayo na siya at hindi na akong muling lumingon bago pa man siya makalabas ay huminto siya. Nananatili siyang nakatalikod sa akin.

"If you're jealous, tell me. Baka magawan ko pa ng paraan," sabi niya bago tuluyang lumabas sa store namin.

Napasabunot na lang ako sa buhok ko. Hindi ko alam alin uunahin ko. Pag-iwas ko sa kaniya? Inis ko tungkol sa usapan namin sa research? O yung mga salitang binitawan niya?

So kasalanan ko na naman? May kasalanan na naman ako? Ako na naman?

Gusto ko lang naman matulog ng matiwasay pero mukhang aabutin na naman ako ng umaga dahil sa kaniya.

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasWhere stories live. Discover now