xxxv what if

56 2 0
                                    

Chapter 35

I woke up in the middle of the night. His face is facing my side. He's laying on his stomach. I smiled as I saw how peaceful his face was while he's sleeping. I put my hands on his cheeks before I trace his nose using my finger.

"It's ironic that I feel like you're having your revenge on me, Ian. I don't know if you want a girlfriend or a boyfriend either. Thank you for tonight, baby."

I slowly kissed his forehead and slowly geeting at his bed.

"If you want to hurt me for hurting and leaving you, baby, matagal na akong nasasaktan. Please... magalit ka na lang sa akin hanggang sa mapagod ka. Hindi iyong ganito. Hindi ko kakayanin, Jian. Hindi ko kakayanin."

Kasabay ng pagtalikod ko ay ang pagpatak ng mga luha ko. Dahan-dahan akong bumalik sa k'warto ko sa room na kinuha ni ate Maesei dahil pangdalawahan iyon. Kaagad ako dumiretso sa kama ko at doon mas piniling umiyak nang umiyak hanggang sa mapagod na lang ako at tuluyan na ulit makatulog.

Kinaumagahan ay maaga kami umalis ni ate Maesei. Sinamahan ko siya sa iilang meet niya with her friends in this industry. After naman noon ay dumiretso na kami sa kung nasaan ang glam team for her. Binigay na rin iyong akin. After ko makabili ng mga pagkain namin at makakain doon na rin sinimulan ang pag-aayos nila sa buhok ko.

Inabot ng limang oras ang pag-aayos kay ate Maesie habang dalawang oras naman sa akin. Nagkaroon pa kami ng shoot bago kami tuluyang umalis. Nag-aantay na rin naman daw doon sina tita. I am wearing a grey partnered suit from Venice.

"You can enjoy the party later, Lex. After all, may after party naman after the event. You can do whatever you want."

"I'm not a fan of parties. Iyon naman kasi ang naging buhay ko sa probinsya. Gumala ng mag-isa. Umuwi ng mag-isa. Tulog sa umaga nasa trabaho naman sa gabi. Hindi ko naranasan magparty-party ganoon."

"Then start now. Jian is always at parties.Tsaka hindi pa naman huli ang lahat, Lex. You still can enjoy your life. Alam mo tatanda ka agad ng maaga kaya dapat magsaya ka rin. Siguro its time na maging selfish ka rin na hindi naguguilty."

"Po?"

"Can I ask ba? This is personal kasi. About noong iniwan mo kapatid ko."

Napalunok ako at napaiwas ng tingin.

"Oh! It's fine you can always say no, Lex."

"It's not like that, ate. Uhm nahihiya pa rin kasi ako sa inyo. Feeling ko hindi ko deserve lahat ng mga natatanggap ko mula sa inyo."

"Feeling ko kasi I know your reasons naman. I just want to confirm it."

"You can ask po."

"Noong bang iniwan mo si Jian biglaan lang ang lahat? Habang tumatagal naisip ko lang na. You're guilty of what is happening from the people surrounding you even wala ka namang kasalanan. Lex, hindi mo kasalanan na nawala ng maaga parents mo, hindi mo kasalanan na piniling iligtas ka ng tito mo, hindi mo kasalanan na pinilit punan ng ate mo ang naging utang sa'yo ng pamilya niya, at hindi mo naman kasalanan na nagkasakit ang tita mo. And when Jian almost had an accident hindi mo naman kargo iyon. It's an accident, it was their choices not yours. Nasabi ito sa akin ni Daddy and sabi niya he understands you. Iyak nang iyak si Daddy simula noong umalis ka kasi raw parang naging unfair siya sa'yo. Na naging cold siya sa'yo."

Pinipilit ko na huwag maiyak dahil sa naka-make-up ako. Masasayang ang pinagpaguran nila.

"Ano ka ba, ate. Naiintindihan ko naman si tito Gavin noon. Malamang anak niya po si Jian. Ayaw niya lang na makitang nasasaktan ang anak niya."

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasWhere stories live. Discover now