xxxix survivor

52 3 0
                                    

Chapter 39

I'm happy living on my own pero hindi pa rin nawawala sa akin ang umasa. Kahit sina ate Maesei, kuya Elope, and even kuya Prince, always setting me up on a date. Well it always turns worse as ever. I didn't even give them the chance, I always turned them down.

Kapag nalalaman ko na isineset na naman nila ako sa isang date parati akong gumagawa ng paraan para makaalis. May emergency meeting, may emergency sa bahay, kailangan ko pumunta sa vet clinic, may biglaang lakad... at kung anu-ano pang palusot.

Hanggang sa napagod na rin sila sa kakaset sa akin sa pakikipagdate. Kahit si tito Gavin ay pinapagalitan na rin kasi sila.

I know that they just want me to move forward. Iyon naman ang ginagawa ko. Sadyang mahirap din talaga palitan ang taong kahit kailanman hindi ko mabitaw-bitawan.

I breathed heavily before I pulled the door of one of my shops. Hindi lang ang working hub ang meron ako. I decided to have my own pet shop. As of now my 5 pet shops na ako sa magkakaibang lugar. Since sa akin naman na naiwan sina Oreo at Yanyan ay sa kanila ako nainspire to build my own pet shop.

Tito and I agreed that I am the one who'll take care of Oreo and Yanyan. Lumipat ako ng bahay 3 years ago. Masyado rin kasi akong nasisikipan sa apartment. Tomorrow I'll be living for Runway events in Milan Italy. Kaya maiiwan sina Oreo at Yanyan sa pet shop since may magbabantay sa kanila. Kapag naman gabi sina Jahrell at Caramel ang kadalasan na sumusundo sa shop kapag wala ako.

Nang makapasok ako ay binati kaagad ako ng manager at iilang mga tauhan sa shop.

"Good afternoon, sir."

"Good afternoon. Maayos naman ba ang lahat?"

"Yes, sir. As of now maganda naman po ang sales natin and marami rin po natutuwa sa mga promo natin, sir. May mga nahahakot na rin po tayong mga bagong buyer."

"That's good. Nga pala, dito bukas sina Oreo, Yanie, at Cookie, at Yanyan."

Well Yanyan is a puspin, while Yanie is a birman cat breed. Oreo is apomerian, siya ang nakita ko noon sa bahay ni Jian. And ang bago kong alaga ay si Cookie and pomeranian husky mix kong aso.

After 3 years nabubuhay ako sa bahay kasama ang apat na ito. Nagtatrabaho para sa mga kailangan nila dahil mas mahal pa ang needs nila kaysa sa akin.

"Sure, sir."

After ko macheck ang shop ay umalis din naman kaagad ako para pumunta sa coffee shop. Gusto ko ng kape.

Nang makapasok ako ay kaagad ko naman nakita si Chloe. Kaagad ako ngumiti at kumaway.

She smiled back at me before approaching me.

"Hi!"

"Good afternoon."

Luminga-linga pa ako pero hindi ko makita si Lizzy.

"Where's Liz?"

"May lakad eh. Ano dati lang?"

"Yes please. Take out na lang, Chloe. Salamat."

Kinuha ko ang isang lollipop sa bulsa ko at kaagad ko binuksan.

"You haven't changed at all."

I smiled then nodded.

Lizzy and Chloe build their own coffee shop. Iyon na ang pinagkakakitaan nila maliban sa photoshop ni Chloe. I'm happy for them. Masaya at nagpapatuloy pa rin.

After they prepared my caramel macchiato iced coffee I left quickly.

Dumiretso ako sa sementeryo para dalawin sina mommy. Bumili ako ng bulaklak at kandli bago ako tuluyang dumiretso. Naglinis ako saglit para bago ko inilapag ang mga bitbit ko para sa kanila.

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon