xxxi alone

56 2 0
                                    

Chapter 31

I can say that the Jian now are very different from the Jian's I met years ago. He now has a very mature aura. His doe eyes are always in sirene eyes when he's looking at me. His body becomes bluff and now taller like his Dad. He has this kind of little western look. He really has jaw-dropping visuals. It's not the first time I saw him because I saw him in magazines and I saw his sun eclipse tattoo on the back of his neck when I opened the door earlier. It's funny that I got my first ever tattoo on the back of my right ear, which is a crescent moon tattoo I got 3 years ago.

Nagpatulong ako kay Echo sa paglinis ng nabasag kong baso. Siya kasi ang isa sa naiiwan dito kapag wala ako. Walang nagawa si Jian nang magpumilit si Caramel na magstay. Nakaupo na kami ngayon sa isang table na bilog. Katabi ko si Jian since katabi ko sa kabila si Caramel at kaharap ko naman si Jahrell.

"Uncle Lexus, this is kuya Jahrell. My brother, anak siya ni Papa Jahiro so technically we're half-siblings po." I smiled and nodded. Of course I'm still updated on them by the news. "Kuya, this is kuya Lexus naman. I met him when I was 5 years old and he was Tito Jian's ex-boyfriend and my ex-crush. And also tita Nicka's ex-crush."

Muntik pa akong masamid sa sinabi ni Caramel. Nakangiti pa siya sa kuya niya habang sinasabi ang mga katagang iyon. Hindi naman naging official na kami noon ni Jian. Puro na lang may ex. More on situation ship lang siguro kung matatawag. We can't say na our feelings are mutual that time.

"Hindi nga kami naging kami, Caramel. Ang sutil mong bata ka." Napipikon naman na sambit ni Jian. "Stop it."

"But iyon ang sabi nina Papa Kipper at Dada Gavin. Among Papa Prince and Daddy Harrix... Uncle Lexus was their favourite son-in-law. Buti its okay naman kina Papa Prince at kay Daddy hindi naman sila jealous."

"Don't believe those two... especially your Papa Kipper. Kung anu-ano lumalabas sa bibig noon. Now stop this and let's go home. Naghihintay na sa'yo ang Mommy at Daddy mo."

"No! It's been 8 years since I last saw uncle Lexus. I want to spend time with him!"

"Caramel, kanina pa nga kasi nagtatanong si Tita Maisei kung nasaan na tayo. Pati si tito Rix kanina pa rin nagtatanong pala, kuya Jian. Kaya ikaw diyan, Caramel, be mature enough. Naka-move on na ata sila tapos ikaw na pamangkin hindi pa?" Sabat naman ni Jahrell. "Kuya Jian, ikaw na bahala mag-explain kay tita Maisei. This is not my fault."

"Yeah. And thank you, Jahrell. Ako na bahala sa kapatid mo baka hinahanap ka na rin ng Daddy mo. Pwede ka ng mauna."

Nang tuluyan ng makaalis si Jahrell ay bumuntonghininga naman si Jian saka tumayo at lumipat sa tabi ng pamangkin niya. Kanina pa rin na nakaupo si Yanyan sa lap ko. Matanda na rin pala siya. Sampung taon na rin pala ang nakalipas simula noong nakita ko siya sa school at kinuha ni Jian. I'm glad that I still met him alive.

"Let's go home, Caramel. Tama na please. Huwag ng makulit. Antok na antok na rin ako at kailangan na ni Yanyan na magpahinga. Let's go."

"But."

"Sige na, Caramel. I actually need to rest pa. May trabaho pa ako mamaya eh. Sumama ka na sa tito mo.

Ngumuso naman siya at sinamaan ng tingin ang tito niya. Mas nagmature na rin ang physical features ni Caramel. Nakakatuwang dito rin pala sila tuluyang nagstay sa Pilipinas.

"No buts." Humarap siya sa akin at pinagtaasan ako ng kilay. "Akin na ang anak ko."

Dahan-dahan ko na binuhat si Yanyan at ibinigay sa kaniya. Doon ko nakita ang tattoo sa hintuturo niya. JGVC which is initial ng buong pangalan niya. I'm curious if he stopped using vape.

"Uncle Lexus, can I have your number? I want us to meet again kapag may time ka na."

Ibinigay ko naman iyon sa kaniya. Nang tuluyan na silang makaalis ay nagpaalam ako kay Echo na kailangan ko na bumalik sa apartment ko. 2 oras na lang ang naging tulog ko. Halos mahilo na ako pagpasok ko sa trabaho kaya nagcommute ako dahil baka maibangga ko pa ang sasakyan na gamit ko.

Ito parati ang buhay ko. Gising sa gabi, sa business kapag umaga, tulog hapon at trabaho ulit sa gabi. Well wala naman akong ibang aasahan sa buhay ko. Kailangan ko gumawa ng paraan para mabuhay kahit parang katawan ko na iyon gustong sumuko.

I graduated from college late. Hindi kaagad ako nakapasok dahil sa mga pangyayari sa pamilya namin. Ang dapat na apat na taon ko sa college ay naging anim na taon. Inuna namin ang kalusugan nina Tita. She said sorry before she passed away. Hindi kinaya ng katawan niya ang chemo at tuluyang mas nanghina hanggang sa hindi na kinaya ng katawan niya. Tatlong taon na rin ang nakalipas nang mawala siya.

Kuya Tides and ate Cielo already have their own families. Nakakilala si ate sa probinsya ng lalaking doctor kaya ayon, nagdate sila hanggang sa umabot sa kasalanan. Si kuya Tides naman ay city girl ang naging asawa at may dalawa na silang anak habang sina ate Cielo ay may isa.

Nakabukod na ako at tuluyang nakapagtapos. Nagtrabaho ako bilang isang call center noon habang nag-aaral at kahit nagtapos na ako hindi ako umalis sa trabaho ko. Sa nakalipas na walong taon ay nagawa ko namang makaipon kahit na papano. Dahil wala naman akong buhay sa probinsya at ipinamili na ang mga lupain nina ate ay wala akong nagawa kundi ang sumama na pabalik.

Nagresign na ako sa trabaho ko at plano ko na magbukas ng business na matagal ko ng pinag-iisipan. Nakaplano na iyon sadyang hindi ko alam kung saan magsisimula. Nang makabalik sa Manila ay doon ako nagsimula maghanap ng lugar kung saan pwede ako magtayo ng naisip ko.

I named it TWILIGHT STUDY HUB AND WORKING SPACE. Hindi rin naging madali mabuti na lang at tinutulungan naman ako nina kuya. Halos mag-iisang taon na ako sa Manila pero walang ibang nakakaalam noon kundi sina ate. Pinili ko talaga paghandaan ang negosyo ko habang pumapasok pa rin ako sa ibang agency ng call center. Pumasok ulit ako para sa pera at pangangailangan ko. Well, hindi nga talaga nagagamit ang degree ko sa way ng buhay ko ngayon pero iyong diploma ko naging alas ko rin naman.

May mga araw na pagod na pagod na ako pero wala akong magawa kundi pumasok ulit. Kapag tumigil ako sa pagtatrabaho wala akong makakain. Gusto ko rin naman mas mapaganda pa ang business ko. Kailangan ko pa mabuhay kahit pagod na pagod na ako. Kahit parang ayaw ko na. Si Jian na lang ang dahilan bakit ko pa pinipilit mabuhay. Gigising ako sa umaga para icheck ang mga social media niya kung may update, kung may mga bagong siyang achievements, magazines, at kung anu-ano pa. Makita ko lang siyang mas nag-eenjoy sa buhay okay na ako.

Kung siya nakalimot na ako hindi ko iyon ginawa. Hindi ko kaya. Magiging sinungaling lang ako kapag sinabi ko na hindi ko na siya mahal. Kaya kahit masakit. Kahit hindi na ako okay lang. At least noong makalayo ako mas naging maganda ang buhay niya. Kasi halos lahat naman ng mga taong malapit at nakakasama ko nawawala eh. Mas pipiliin ko na malayo pero nakikita siya kaysa tuluyang mawala sa akin.

I know that he is now seeing one of the sexy and famous female celebrities from Paris. Iyon ang naging bali-balita. Tinupad naman niya noon iyong sinabi niyang ako ang una at huling lalaking mamahalin niya. He got traumatized from loving a guy that all of his partners were girls until now.

I know everything because Lizzy and I continue our communication and she always talks about how Jian in the past few years is. Lizzy already has his girlfriend and I met her one time here in Manila. She's a fine lady and a photo and videographer. They got 4 dogs. Napagod si Lizzy magmahal ng mga lalaki na parati lang siya niloloko then this girl came on her life and made his life more beautiful and happy. As her friend I am happy with what she is today. Seeing them together makes me happy and envious. Sana ako din. Sana ako din mahalin ng ganoon.

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasWhere stories live. Discover now