xxxii hate

53 2 0
                                    

Chapter 32

Nakatanggap nga ako ng text galing kay Caramel. She also invited me to her grandfather's house. Umu-oo na lang ako kahit hanggang ngayon hindi ko alam kung paano ko sila haharapin. They told me that Jian doesn't know kaya pumayag na ako. Since linggo naman ay pumunta nga ako.

Hindi ko pa man din tapos bayaran ang muntik ako mabangga. Kanina pa ako kabado. Hindi ko kasi alam kung paanong haharapin sila. Hanggang ngayon hiyang-hiya pa rin ako. Halos hindi na ako nakatulog kagabi sa kakaisip kung ano ang mangyayari sa pagkikita-kita namin.

Pagkarating ko sa subdivision ay itinanong lang ang pangalan ko. Kaagad din ako pinapasok nang sinabi ko. Nang maipark ko na ang sasakyan ko ay kinuha ko ang dala kong iced coffee at chocolate cake para pasalubong. Kaagad naman akong sinalubong ni tito Gavin ng yakap.

"Oh gosh! Lexus."

Kinuha na ni tito Kipper ang bitbit ko bago pa man ako mayakap ni tito Gavin. Kusang tumulo ang mga luha ko nang sandaling niyakap niya ako. Sobrang tagal din simula noong huli kaming magkita. Hindi ko maipaliwanag ang pangungulila ko sa kanila dahil kahit hindi ko sila kadugo sobrang itinuring nila ako na parang anak na rin nila.

"Sorry, tito. Sorry po."

Alam ko na kahit anong paghingi ko ng tawad nalamatan na ang pagkatao ko sa paningin nila. Naging mabuti sila sa akin ako naman itong tumalikod sa kanila.

"Hush! It's fine. Hindi ako galit. Ayos na ang lahat, Lex. Naiintindihan ako." He cupped my face and smiled. "I'm so happy that you're here. Namiss kita, anak."

Mas humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya. Hindi ko na alam iyong pakiramdam na mayakap ng ganito kaya halos hindi na rin matigil ang pagbuhos ng mga luha ko. Ramdam ko rin ang paghagod ni tito Kipper ng palad niya sa likod ko.

"We're glad you came home again, Lex. This is your home too. Hindi man ikaw ang nakatuluyan ng anak ko para sa amin ni tito Gavin mo anak ka na namin. Hinihintay ka lang naman na umuwi sa amin, Lex. You finally came back to us again."

"Hindi na kami papayag na mawala ka ulit ng matagal, Lexus hijo. Tama na iyong walong taon. Parang anak ka na namin. Parte ka na ng pamilya namin," dagdag pa ni tito Gavin.

Halos isang oras kami nag-iyakan. Nalaman ko rin na kasama pala namin si Caramel sadyang binigyan niya lang kami ng oras nina tito. Naghanda si tito ng lunch namin at tumulong kami. Dala rin ni Caramel si Hunt ang bunsong kapatid niya ang anak ni ate Maisei at kuya Harrix na natutulog daw. Masaya ako na palaki pala nang palaki ang pamilya nila.

Kung kanina puro kami iyakan ngayon puro naman kami tawanan habang tumutulong sa pagluluto ni tito Gavin. Ang daming kwento ni Caramel kaya naman kahit si tito ay tawa nang tawa. Kahit talaga may mga nadagdag na sa kanila talagang spoiled na spoiled pa rin si Caramel.

After an hour na pagki-kwentuhan nagulat kami nang marinig ang boses ni Jian. Nagkatinginan pa sina tito Gavin at tito Kipper na hindi rin ata inaasahan ang pagdating ng anak nila.

"Dad?!"

Napalunok ako sabay lingon sa likuran ko. I saw how shocked he was again to see me. May kasama siyang babaeng foreigner. Nakalingkis ang kamay nito sa braso ni Jian at may dalang paper bag naman ang isang kamay. Kita ang paninitig sa akin ng babae mula ulo hanggang paa na ikinatayo ko ng maayos. Bigla tuloy akong naconcious sa ayos ko. Baka ito iyong sinasabi ni Lizzy na parating kasama ni Jian mapa-Pilipinas man at ibang bansa.

"Ow! Celine!" Kaagad na lumapit si tito Gavin at nakipag-beso sa babae. "Jian, bakit hindi ka nagsabi?"

"She wants to surprise you."

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang