xxv tears

43 1 0
                                    

Chapter 25

"Congrats, Jian and Lexus."

Kaagad yumakap sa amin si Lizzy. Suot ko ngayon ang regalo ni ate Maesei na suit. Isa ako sa ginawan niya. After ng ceremony ay umalis din kaagad si kuya kailangan niya na kasi bumyahe pabalik dahil sa trabaho niya. Naiintindihan ko naman since nandito naman ang buong pamilya ni Jian. Hindi naman ako alone.

"May ibibigay ako sa inyo. Ginawa ko ito ah. Huwag niyo sana ibash!"

Natawa ako saka umiling. Inilabas niya ang dalawang bracelet. She used black beads for Jian while she used white for me. I saw her bracelet and it is a red one. So it's a trio bracelet. Siya mismo ang nagsuot sa amin noon. Kinunan niya pa ang kamay naming tatlo.

"Good luck on our next journey. Stay together ah. Wala na ako sa tabi niyo para ipilit na magbati kayo kaya gawin niyo na lang iyon para sa isa't-isa. Mahal ko kayong dalawa. Sorry pala isa ako sa mga Lexian shipper."

"Be safe rin, Liz. Good luck and thank you for this." I hugged her for the last time.

"Don't be a baby, Liz. Don't have a boyfriend in a serious one. Iiyak-iyak ka na naman. Hindi na kita masusundo."

Nilingon ko si Jian at nakangiwi na.

"Sabi huwag mo na sabihin iyon eh! Sorry na nga kung ikaw tinawagan. Wasted lang!"

Natawa ako sa panay panghahampas niya kay Jian na ngayon ay nagtatago na sa may likuran ko. We are still on our toga dahil may picture taking pa. Nang maramdaman ko ang pagyakap ni Jian sa bewang ko mula sa likuran ay ipinatong ko na lang ang palad ko sa kamay niyang nakayakap sa akin. Naramdaman ko ang pagpatong niya. ng baba niya sa balikat ko ay nagpapatay-malisya na lang ako habang si Lizzy nagpapadyak-padyak na.

"Picture tayo. Stay put na lang kayo. Okay lang talaga na maging third wheel ako basta kayo."

Siya ang may hawak ng phone habang nakaharap sa amin ang screen ng phone niya. Napapagitnaan nila ako ngayon. Bahagyang nakadikit sa akin si Lizzy sa may harapan ko habang nakapatong pa rin ang baba ni Jian sa balikat ko.

After namin magpicture ay tinawag na kami nina tito para magpicture. After ng picture taking ay dumiretso na kami sa isang restaurant. Bukas bibisita ako kina Mommy.

"Ji, saan ka matutulog?" tanong ko habang busy pa kumain ang iba.

Nakasampay sa may backrest ng upuan ko ang kamay niya.

"Why?"

"Pwede sa unit mo ako? Aalis ako bukas ng maaga eh."

"Hm... why po?"

"May bibisitahin ako," nakanguso kong sambit.

"Can I join?" He now put his right hand on my thigh. "Or pwede kita ihatid."

"Actually okay lang. You can come with me"

We still stayed at his parents house. We just wake up early in the morning so we can leave early.

"Car?" He nodded and smiled. "Really, Jian? Marunong ka na?"

"Of course. I have a lot of teachers here, Ali. And its kuya Prince and ate Tist gift. Tara?"

Napakayabang na naman nito.

Pinagbuksan niya pa ako ng pinto na ikanatawa at ikinailing ko na lang. Kaagad din siyang umikot saka excited na pumasok. Nagconnect na lang ako sa bluetooth para magpatugtog since nakakaantok dahil 4am pa lang. Gusto ko rin kasi manood ng sunrise.

I am wearing his hoodie jacket. Buti na lang joggers ang suot ko. Naka-sleeveless lang din kasi ako kaya dinalhan niya ako ng jacket. He's wearing a black cargo pants and a white sleeveless shirt. Damn it's my shirt though.

TAKIPSILIM: Jian Glenn Villareal-CardejasWhere stories live. Discover now