Chapter 57

103 5 0
                                    

   Kinabukasan maaga akong nagising at pag gising ko napag-alaman kong hindi pa pala nakakauwi sila kuya kaya nag asikaso na ako ng agahan ko ng makapasok ng maaga.

Matapos kong kumain ay agad na akong nagtungo sa kwarto ko para makapag ayos ng hinigaan ko at makapag linis na rin ng bahagya. Matapos kong makapaglinis at maayos ang dapat ayusin sa kwarto ko ay naligo na ako.

Habang naliligo ay napansin ko ang bracelet na suot at tinitigan ito. Sino ba kasi ang nag bigay sayo sa akin? bakit di ko maalala ang mukha niya. Nakapuot na kausap ko sa sarili ko habang nakatitig parin dito.

Bumuntong hininga na lamang ako at nagpatuloy na sa pagligo. Matapos kong maligo at makapagbihis ay binitbit ko na ang mga gamit ko na dadalhin ko sa school at isinira at nilock ang mga bintana at pinto.

Bago pa ako makalayo sa bahay namin ay nakatanggap ako ng text mula sa dalawa kong kuya at kay papa na baka gabihin sila ng uwi mamaya kaya pinag iingat ako sa pag-uwi at pinaalalahanan na 'wag kalimutang inomin ang mga gamot ko at vitamins sa tamang oras.

Napangiti ako, kagit gaano sila kabusy sa mga trabaho at gawain nila hindi nila ako nakakalimutan. Tatawag na sana ako ng tricycle ng makita ako ang kotse ni Sean sa dikalayuan na papalapit sa kinaroroonan ko kaya napailing nalang ako at hinintay na makalapit ang kotse nito sa kinatatayuan ko.

"Goodmorning best friend!!!!" Masiglang bati nito sa akin mula sa driver seat, window ng makalapit ang kotse nito sa kinatatayuan ko.

Napailing na lamang ako.. ang lalakeng ito talaga.

"Goodmorning din sayo tikbalang" Balik bati ko sa kaniya saka ito nginitian ng mapang-asar na ngiti. Sumimangot namn ito kaya bahagya akong na tawa.

"Tsk! Sumakay ka na nga lang best friend. Ang ganda, ganda ng sikat ng araw ayaw kong masira." saad nito na nakasimangot parin at saka binuksan ang pinto sa may passenger seat.

Natatawa akong sumakay at agad na nag seat-belt.

" BTw best friend my gagawin ka ba mamaya?" pagtatanong nito habang sa daan ang tingin.

Lumingon ako dito at nag salita" Hindi ako sure eh, baka mag-practice kami para sa poems namin. Hindi kasi kami nakapag practice kahapon dahil wala si Vougn tapos nagka-emergency pa si Carryl and sinamahan siya ni Victor." Paliwanag ko. Napatango-tango naman ito. "Bakit mo nga pala naitanong?" Pagtatanong ko dito.

Biglang natamihik ito ng ilang saglit saka bahagyang bumuntong hininga at saka nag salita.

"Ahm... Magpapasama sana ako sayo mamaya... birthday kasi ng isang especial na tao sa akin ngayong araw.

And i promise to her that when her birthday comes, i will bring someone... someone that especial to me too.

Gusto ko kasi na ikaw ang isama ko Anchel.... I want you to meet her and I want her to meet you too.."

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba.. pero base sa boses niya tila nagsususmamo ito, umaasa at parang may halong lungkot.

Hindi ko maintindihan pero parang bumigat bigla ang atmosphere sa loob ng kotse lalo na ng mapansin ko ang biglang paglumanay ng mga mata nito pero agad din namn itong nagbago at bumalik sa pagiging kalmado.

Hindi ko mawari pero parang may mali.. or sadyang guni-guni ko lang talaga iyon. umiwas nalng ako ng tingin.

"Hhhmmm... kung especial namn pala ang araw na ito sa iyo, bakit hindi nalang tayo doon pumunta ngayon ano sa tingin mo?" Hindi ko alam pero iyon ang salitang lumabas sa mga bibig ko.

I'm His TutorOù les histoires vivent. Découvrez maintenant