Chapter21

6.3K 102 3
                                    

Mikee's pov.

Nang makauwi na kami ni kuya Lucas sa bahay ay agad na akong nagtungo sa aking kwarto upang makapagbihis ng damit. Matapos kong magbihis lumabas ako ng aking kwarto upang magtungo sa kusina pa uminom ng tubig. Nang makarating ako sa kusina na abutan ko roon si kuya Lucas na seryoso ang mukha habang uminom ng alak. Napabuntong hininga ako saka siya nilapitan. "May problema ba kuya? "Pagtatanong ko dito. "Wala naman. " maikling sagot nito. " Kung wala bakit ganyan ang mukha mo? "Taas kilay kong tanong sa kanya. " O bakit ano bang meron sa mukha? " Balik tanong niya sakin. "Ang seryoso mo kasi masyado dyan. Pwede mo namang sabihin sakin kung anong problema malay mo makatulong pala ako sayo. "Sabi ko.

Napabuntong hininga ito  bago sumagot. "Hindi ko kasi alam kung papano ko haharapin si Ace. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin o maramdaman. Iiwas ba ako? Lalayo? Magagalit? Malulungkot?  Hindi ko na alam kung ako ba dapat ang gawin ko. "Mahabang sabi nito. "Alam mo kuya dalawa lang ang pagpipilian mo. Iiwasan at magagalit sa kanya, o kakausapin at patawarin siya. At ang dalawang pagpipilian mo ay parehong may consequence. Una,  kapag patuloy mo siyang iiwasan at patuloy na magagalit sa kanyaikaw lang ang mahihirapan. Kasi kahit anong iwas ang gawin mo magkikita at magkikita parin kayo. Tapos pareho pa kayo ng pinapasukang paaralan kaya hindi talaga maiiwasang magkita kayo. Pangalawa,  kung patuloy kang magtatanim ng galit at sama ng loob sa kanya, damdamin mo lang ang mahihirapan. Pero kung kakausapin mo siya at papatawatin, sinasabi ko sayo gagaan ang pakiramdam mo at hindi lang yun pwede pa kayong maging magkaibigan ulit. At ito lang ang masasabi ko sayo kuyahindi maganda sa isang tao ang sobrang galit. Hindi mo ba alam na maraming namamatay at pumapatay dahil sobrang sama ng loob at sa labis na galit. Kaya kung ako sayo palayaan mo na yang galit na nasa puso mo ng maging malaya kana rin sa masamang nakaraan na nangyari sayo. " mahabang litanya ko kay kuya.

I'm His TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon