Chapter24

5K 88 0
                                    

Anchel's pov.

Kinabukasan nagising ako na masama ang pakiramdam. Ngunit kahit na ganoon ay pinilit ko pa ring tumayo upang maligo at maghanda na sa pagpasok sa eskwela. Matapos kong maligo at magbihis ng uniform isinukbit ko sa aking kaliwang balikat ang aking bag,binitbit ko naman ang iba ko pang gamit at libro gamit ang kanan kong kamay saka lumabas ng kwarto. Nang mapadaan ako sa may sala,inilagay ko muna sa isang sofa doon ang aking bag at mga gamit kong dala saka nagpatuloy sa paglalakad patungong kusina. Nang makarating ako sa kusina agad akong lumapit sa ref. para tingnan ang pwedeng mailuto at ng bubuksan ko na ang ref. ng mapansin ko ang sticky note na nakadikit doon kaya kinuha ko ito at binasa.

                " Note"

"Dear baby girl,

          Good morning baby girl! Kung mababasa mo ito siguro ay nakaalis na kami ng kuya Ice mo. Maaga kasi ang pasok ko ngayon at ganon din ang kuya Ice mo kaya nagsabay na kami paalis. Nasa lamesa ang almusal mo tinakpan ko kumain ka muna bago umalis at inumin mo ang mga vitamins at gamot mo OK? Pinakain ko na rin si Icy. 'Yon lang baby girl, mag-iingat ka sa pagpasok.
                     
                Your beloved brother,
                          Arch"

Mataposkong mabasa ang note na galing kay kuya Arch,idinikit kong muli sa pinto ng ref. at saka nagtungo sa lamesa kung saannakalagay ang almusal na inihanda ni kuya Arch para sa'kin.Natawa pa ako ng makita ko ang almusal na inihanda ni kuya Arch ng matanggal ko ang takip nito. Sinangag na kanin na ginawang bibig at dalwang itlog na ginawang mata at may nakasulat pa sa gilit ng plato na "Good morning baby girl. Enjoy your meal! :) " gamit ang ketchup. Nakangiting naiiling na umupo ako saka ako kumain.

Matapos kong kumain at mahugasan ang pinagkainan ko ay nagtungo na ako sa sala para kunin ang bag at iba ko pang mga gamit saka umalis na ng bahay patungong DSU. Nang makarating ako sa DSU,agad na akong nagtungo sa room. Nang makarating ako sa room, agad na akong naupo sa aking upuan dahil pakiramdam ko babagsak na ang katawan ko. Hindi ko na nabati pa sila Mike dahil masama talaga ang pakiramdam ko." Ayos ka lang ba Anchel?" Natong no Mikee sa'kin ungol lang ang tanging nasagot ko. "Anchel may sak--- oh my ang init mo Anchel! May lagnat ka Anchel uminom ka na ba ng gamot Anchel?" Nag-aalalang tanong ni Mikee sa'kin ungol lang ang tanging masagot ko dahil hindi ko na kayang magsalita ang sama na talaga ng pakiramdam ko.

"Naku kailangan mong mandala sa clinic kaya mo bang tumayo?" Muling tanong ni Mikee kaya pinilit kong imulat ang aking mga mata at umayos ng upo." A-a-yos lang ako mawawala rin 'to mayamya kaya hindi na kailangan pang dalhin ako sa c-clinic." Sabi ko dito sabay ngiti para ipakitang OK lang ako kahit na hindi. Ayuko lang kasi na may makaalam na may sakit ako baka kasi makarating kay kuya Arch at baka magpanik pa'yon kaklase ko kasi ang kapatid ng isang katrabaho ni kuya Arch. Ayukong mag-alala pa sa'kin si kuya Arch lalo pa't  nasa trabaho siya baka maapektuhan pa ang trabaho niya."Anong ayos ka lang ang sinasabi mo e ang taas taas ng lagnat mo oh. Uminom ka na ba ng gamot?" Tanong ni Mikee. Umiling-iling lang ako." Kita mo na hindi ka pa pala umuinom ng gamot. May dala ka ba?"tanong niya. Umiling lang ako ulit. "Kita mo na wala karing dalang gamot kaya hali ka na pumunta na tayo sa clinic ng makainon ka ng gamot tapos balik nalang tayo kapag kaya mo pang pumasok. Bakit kasi pumasok ka pa e alam mo namang may sakit ka." Pagsesermon ni Mikee habang hinihila ako palabas ng room hindi na ako pumalag pa at nagpatinaon nalang wala na kasi akong lakas para makipagtalo pa.

Nang makarating kami sa clinic naupo muna ako sa sofa na narorooon habang kumukuha ng gamot si Mikee. Maya-maya pa ay dumating na rin ito dala ang gamot." O ito inumin mo." Sabi nito sabay abot sa'kin ng gamot." Salamat" pagpapasalamat ko saka ininom ang gamot." Ano kaya mo pa bang pumasok?" Nag-aalalang tanong nito." Magpapahinga nalang muna ako balikan mo nalang ako mamayang lunch." Sabi ko dito. Magpapahinga nalang muna ako baka mahimatay lang ako sa klase kapag pinilit ko pang pumasok ngayon." Sige basta kapag hindi parin bumaba ang lagnat mo tawagan mo ako OK?"bilin nito." Sige. Ayos na ako dito bumalik kana malilate kana." Pagtataboy ko dito. Umirap lang ito na ikinatawa ko saka nagpaalam nang umalis.Nang ako nalang ang naiwan umayos ako ng higa at nagpasiyang matulog..

              After an Our....

Nagising ako ng makarinig ako ng ungol ng dalawang tao kaya kahit medyo masama pa ang pakiramdam ko ay pinilit kong tumayo upang alamin kung saan nanggagaling ang mga ungol. Habang sinusundan ko ang mga ungol namalayan kong nakarating na ako sa isang kwarto na bahagya pang nakabukas ang pinto. Dahandahan at walang ingay kong tinungo ang pinto. Nawala ang iniinda kong sama ng pakiramdam at sa tingin ko nawala pa yata pati lagnat ko ng makita ko kaganap sa kwartong iyon. Isang babae na halos wala nang suot na damit ang nakita ko habang gumagalaw ito sa ibabaw ng lalaki  na wala na ring saplot pang-itaas at hindi ako tanga para hindi malaman ang ginagawa nila.

At ng akmang lilingon sa pwesto ko ang lalaki na siguro ay naramdaman na may nakatingin sa kanila ay dalidali akong tumakbo papalayo roon takbo lang ako ng takbo hanggang sa makalabas ako ng clinic at nakahinga lang ako ng maluwag ng medyo malayo na ako sa clinic.Sinipat ko muna ang relo kong pambisig upang tingnan ang oras. Nangmakitang maglulunch na nagtex ako kay Mikee na sa canteen nalang niya ako puntahan pagkadesmiss sa kanila. Matapos kong matex si Mikee iling-iling akong naglakad papuntang canteen. Gumaling yata ako dahil sa nakita ko. Pakiramdam ko pinamulahan ako dahil sa naisip. "Tss. Mga taong malalandi talaga ngayon kapag nakaramdam na ng libog kahit saang lugar papatusin mailabas lang ang init sa kanilang katawan." Iling-iling na sabi ko saka nagpatuloy na sa paglalakad papuntang canteen.

______________________________

Copyright 2018 ©ompodR

I'm His TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon