Chapter29

6.1K 108 17
                                    

Anchel's pov.

Nang makalabas ako ay agad kong hinanap ang kinaruruunan ng sasakyan ni papa kanina ngunit wala na ito. Napaluhod nalang ako saka humagulhol ng iyak. " Sorry papa! Sorry!" Paulit ulit na sabi ko habang patuloy sa pagiyak. Nang marinig ko ang pagtawag nila kuya sa 'kin na ibigsabihin at sinundan nila ako ay dali dali akong pumara ng taxi saka sumakay doon. Ayoko ko munang makita sila kuya, galit pa ako sa kanila. Alam ko namang may nagawa si papa na kinasakit ng damdamin nila, pero kahit na ganon wala pa rin silang bastusin at sigaw-sigawan si papa ng ganon. Ama pa rin namin siya at isa pa kung hindi dahil kay papa wala sana sila, kami ngayon." Ah.. Miss, saan ko po ba kayo ihahatid?" Pagtatanong sa 'kin ng driver. " Dalhin niyo po ako sa park na alam niyo manong kahit saan pa 'yan basta dalhin niyo po ako sa park." Pakiusap ko dito." Sige Miss." Sagot nito.

Matapos ang ilang oras na byahe ay tumigil and taxi hudyat na nakarating na kami sa kung saan mang park ako dinala ni manong. Matapos kong makapagbayad ay bumababa na ako at naglakad papalapit sa isang bench na nakita ko. Buti pa itong park na 'to kahit gabi na ay maliwanag parin dahil sa mga ilaw na nakapaligid dito at masasabi kong napakaganda ng park na ito. Nang maisip ko si papa ay agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag saka dali daling tinawagan ito. Ngunit ilang ring na ang nagdaan hindi pa rin nito sinasagot hanggang sa naging out of coverage na ito. Nanghihina kong naibaba ang aking cellphone saka umiyak muli at maya maya pa ay naramadaman ko ang pagkabasa ng aking damit,  Umuulan pala mukhang nakikisama sa kalungkutan ko ang panahon.

Nang tumila na ang ulan at nailabas ko na ang lahat ng sama ng loob ko ay nagpasiya na akong tumayo. Nakakailang hakbang pa lang ako ng makaramdam ako ng hilo kaya napatigil ako saka hinilot ang aking noo at nagbabakasakaling maiibsan ang pagkahilo ko ngunit lalo lang lumala hanggang sa nagdilim na ng tuluyan ang paningin ko." Miss! Miss!" 'Yon nalang ang huling narinig ko bago ako lamunin ng kadiliman.

Third person's pov.

Habang sa kabilang banda naman ay nag-aalala na ang mga kuya ng dalagang si Anchel at mga kaibigan nito sapagkat hindi nila nasundan ang  sinasakyang taxi nito at lalo pa't naggagabi na. Nag-alala  pang lalo ang mga kaibigan nito't mga kuya ng umulan pa." Kuya naman kasi. Bakit kasi hindi mo pinigilan ang sarili mo. Tingnan mo tuloy ang nangyari, nasaktan si Mace tapos umalis pa siya at hindi natin alam kung nasan siya ngayon paano nalang kung mapahamak siya." Paninisi ni Ice sa nakakatandang kapatid nito habang patuloy pa rin sila sa nakababatang kapatid kasama ang mga kaibigan nito at ng kuya nila." Pwede ba Ice 'wag na tayong magsisihan nangyari na ang nangyari wala na tayong magagawa. Ang mabuti pa at bilisan nalang natin and paghahanap kay Mace." Sabi nito." Ahm kuya Arch... Nakontak na po namin ang cellphone ni Anchel kaya lang lalaki ang sumagot at sinabing nasa hospital po sila ngayon." May pag-aalalang sabi ng dalagang kaibigan nito na si Mikee. At parang bombang sumabog sa utak ng dalawang kuya ni Mace ang narinig." N-nasaang ospital saw s-sila?" Nag-aalalang tanong ni Arch sa dalaga. " Sa Madrigal General Hospital po" saad ng dalaga kaya agad na silang kumilos patungo sa ospital na sinabi ni Mikee.

I'm His TutorWhere stories live. Discover now