Chapter 31

4.2K 81 0
                                    

Arch pov.

Huminga muna sya ng malalim bago pumasok sa loob upang tingnan ang nakababatang kapatid. Nang makalapit dito, hinawakan nya ang kanan kamay nito at marahan hinahaplos ang buhok nito. "Baby girl, sorry kung hindi ka naalagaan ni kuya. Sorry kung, nasira ko ang masayang plano mo para sa birthday ko. At sorry rin kung nasakatan kita, hindi ko lang kasi mapigilan ang galit ko sa kanya sa tuwing nakikita ko sya. Sorry talaga baby girl. Pero pangako sayo ni kuya, gagawin ko lahat para gumaling ka hhhmm?" Malambing na saad ni Arch na nahihimbing na kapatid.

"Pasensy ka narin baby girl ha? Kung nadadamay ka sa galit ko sa kanya. Hanggang ngayon kc , hindi ko parin makalimutan ang kasit ng naidulot nya samin, sa 'kin lalo na kay mama. Hindi namn sa pinagkakait kita sa kanya bilang anak nya o sya sayo bilang ama, I'm just protecting you. Oo, sabihin na nating andyan sya, pero hanggang kailan? Paano kung.... Paano kung saan malapit na ang loib mo sa kanya , yun bang sanay ka ng lagi syang nandyan tapos bigla nalng syang aalis at mawawala ng hindi po alam kung bakit at kung anong dahilan.

Tapos sobra kang maskatan? Hindi ko kayang makitang lumuluha at sobrang nasasaktan ng dahil sa kanya baby girl. Lalo ngayon at may sakit ka ng tulad kay mama.
Natatakot ako na baka di mo kayanin at gaya ni mama ay iiwa mo rin kami, ako. Hindi ko yon kaya baby girl, hindi ko kaya. Pero, mukang tama ka baby girl. Kailangan mo nga sya kaya gagaein ko ang lahat para magkaayos kami, at para mabuo muli ang pamilya natin. Hayaan mo gagawin ko lahat para makabawi ako sayo. Handa akong patawarin sya maging maayos lang ang lahat at para gumaling ka lang ay gagawin ko para sayo. Mahal na mahal ka ni kuya baby girl. Mahal na mahal." Punong-puno ng pagmamahal na saad ko dito saka hinalikan sa noo.Matapos nun ay lumabas muna ako para tawagan si Roque. Nauna na kasi itong umuwi bago pa man mangyari ang gulo kanina. May emergency daw kasi.

"Hey! What!'s up? Nakita nyo na ba si Mace?"Bungad nito ng masagot ang tawag. "Pwede ka bang pumunta dito sa Madrigal's Hospital? " tanong ko. " Ha? Ospital? Bakit sinong naospital ikaw ba bro? Kamusta ka na? Anong nangyari? Naaksidente ka ba? Malubha ba ang natamo? Ano sabihin mo sa 'kin bro!" Sunod-sunod na tanong nito kaya napailing nalang ako. Kahit kelan talaga napakaoa ng taong 'to. Ngayon iniisip ko tuloy kung pano ko napagtyagaan at naging kaibigan ang mokong na 'to. " Huwag ka ngang OA dyan Roque. Hindi ako ang naospital, ang bunso kong kapatid. " sabi ko. "Ha? Ano bang nangyari? " tanong nito. "Mahabang kwento, basta pumubta ka nalbg dito isama mo si Leo. May pupuntahan kasi ako at walang magbabantay kay Mace umalis kasi si Ice. " Sabi ko. " Sige, sige. Papunta na kami. " sabi nito. "Salamat bro. Hihintayin ko kayo.!"Saad ko. At tinapos ko na ang tawag.

Makaraan ang ilang minuto ay dumating na si Roque kasama si Leo. "Kayo na munang bahala dito at sa kapatid ko. Kapag nagkaproblema, tawagan nyo ako agad. Bilin ko sa mga ito. " Sige bro, wag ka ng mag-alala babantayan naming mabuti ang pinakamamahal mong kapatid. " sabi ni Leo. Napangiti namn ako. I'm lucky to have a friend like them. " Salamat bro. Nga pala kapag dumating si Ice at tinanong ako, sabihin nyo may pinuntahan lang ako." Bilin kong muli. " Copy that bro. " sabi namn ni Roque. "Sige salamat ulit mga bro. Alis na ko. " paalam ko sa mga ito. " Ingat ka bro. " Saad ni Leo at tinapik ako sa braso. Tumango lang ako at umalis na.

"Boss, saan po tayo? " tanong ng taxi driver sakin ng makasakay ako. Napatigil namn ako at nag-isip sandali. Hindi ko pa pala alam kung saan sya nakatira. Baka si Boss Manager alam nya. " Ah ,sa De Silva's Hotel Rrestuarant po tayo manong. " sabi ko dito, tumango namn ito at nagdrive na. Napabuntong hinanga ako, hindi ko alam kung makakaya ko bang harapin sya ng maayos. Pero para kay Mace, gagawin ko. "Ito ang bayad manong. Salamat! " sabi ko sa driver at inabot ang bayad saka bumaba na.

"Oh. Chef Vince, bumalik ka? May nalimutan ka ba? " tanong ni mang Roy ang panggabing guardia ng DSHR( De Silva's Hotel Restaurant). "Wala po mang Roy. Si Boss manager po ang sadya ko, andyan pa po ba sya?" Tanong ko dito habang isinusulat ang pangalan ko sa logbook. Kailangan kasi un, para mamonitor ang bawat empleyadong lumalabas at pumapasok. "Ah. Si Manager Clark. Oo andyan pa sya, baka nga dito ulit yun mangpalipas ng gabi. " sabi nito. " Mabuti buti namn at naabutan ko pa. Sige mang Roy pasok na po ako. " paaalm ko dito. Tumango namn ito kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad at nagtungo sa employee's elevator at pinindot ang botton papuntang 14th floor kung saan ang office ni Boss Clark. Maghiwalay kasi ang elevator ng para sa mga Boss at empleyado dito sa DSHR. Mabuti narin para hindi masyadong nakakailang.

Nang makarating ako sa office ni sir Clark ay kumatok muna ako. "Who's that? " Malalim ang boses na tanong ng taong nasa loob. " Montefalco Boss. " Malumanay sa sabi ko. Sandali itong natahimik marahil ay nagtataka kung bakit ako narito." Come on in. " sabi nito kaya pumasok na 'ko. "So, why are you still here? Working hours is over. " sabi nito ng makapasok na ako. Ngunit sa mga binabasang papeles parin ito nakatingin." I know Sir. Nandito po ako dahil may kailangan po ako sa inyo. " sabi ko.Napatigil namn ito sa pag lipat ng pahina ng papeles na binabasa nya at binaling sakin ang tingin ng nakakunot ang noo. " And, what is it? " Sersyosong tanong nito. " Ang address po ni Mr. Villamor. " sabi ko. Tumaas nmn ang kilay nito, marahil ay sa pagtataka. "And what's the reason, why you need the address of Mr. Villamor? " seryoso paring tanong nito. "I need to talk to him Sir, as much as posible Sir. " sagot ko.

Tinitigan muna ako nito ng ilang sigundo. Maya-maya lang ay may kinuha syang papel sa drawer ng table nya at inabit sa 'kin. "That's the address of Mr. Villamor.Call or send a message the number written under the address before you go there, it's his secretary's number. Now, that you already have his address. You can leave now, you're disturbing me. " masungit na sabi nito. "Thank you Sir. I'll go now. " Sabi ko at lumabas na ng opisina nito. Gaya ng sabi niya ay tinawagan ko muna ang number na nakasulat sa ibaba ng address. Matapos ang ilang ring sya nagot na nito. "Yes. This is Hans Willam. May I know who is this ma'am/sir? " formal na tanong nito. "It's, Arch Montefalco. S... Son of Mr. Villamor. Can I talk to him? " tanong ko. "Yeah. Of course sir. Give me a minute sir I just call him. " sabi nito. "Ok. "Sabi ko.Napabuntong hininga ako. After a minute ay muling may nagsalita sa kabilang linya. And I know it's him.

"Arch, anak?"Bakas sa boses nito ang lungkot. Pero wala ako sa mood para pagtuunan pa ng pansin yun. " Mace, need your help. " direktang sabi ko. " Si Mace? Why? What happen to her? Is she ok? " sunodsunod na tanong nito. " Nasa ospital sya ngayon at kailangan nya ang dugo mo." Sabi ko. "What?! Ok, saang ospital? " nag-aalalang tanong nito. Kaya sinabi ko kung nasaang ospital si Mace. Matapos nun ay inend ko na ang tawag at sumakay na ng taxi para bumalik na sa ospital.

_____________________________

Copyright 2018 ©ompodR

I'm His TutorOù les histoires vivent. Découvrez maintenant