Chapter 14

6.3K 104 0
                                    

Anchel's pov.

Kinabukasn ay maaga akong nagising kaya ako na ang nagluto ng agahan namin.Egg,bacon hotdog at tuyo ang niluto. Tama namang marami pang natirang kanin kagabi kaya sinangag ko narin. Sakto namang pagkatapos kong magluto at maghain ay sakto namang dating ng mga kuya ko." Goodmorning my two handsome and loving brothers!"masiglang bati ko sa mga ito. "Goodmoring din to our beautiful baby girl."bati sa'kin ni Kuya Arch at umupo na ito. Si kuya Ice naman ayon ngumiti lang sa'kin sabay upo na. Nakasimangot tuloy akong naupo, balik na naman kasi ang magaling kong kuya sa pagiging masungit at cold like his name. Kaya ngayon palang humihingi na ako sa kung sino man ang babae na liligawan ni kuya Ice.

"Siya nga pala baby girl sabi ni kiya Ice mo sa'kin kagabi sumama daw pakiramdam mo? Ayos na ba ang pakiramdam mo?"sabi ni kuya na may pag-aalala." Opo kuya kaya wala na po kayong dapat ipag-alala."nakangiting sabi ko para ipakitang ayos na talaga ako.Ngumiti naman ito." Mabuti naman kung ganon. Basta kapag may naramdaman ka sabihin mo lang at magdala ka narin lagi ng gamot para kapag naramdaman mo 'yan kapag nasa school ka or kung saan ka man magpunta ay makainom ka agad ng gamot." Suhestyon nito." Sige po kuya."sabi ko" Nga pala kuya kamusta naman ang pagpunta niyo ng Batangas?" Tanong ko." Mabuti naman. Naging maayos naman ang trabaho namin bilang isang kusinero." Sabi nito " Bakit daw nila kinailangan ng kusinero kuya?"tanong kong muli.

" Ah 'yon ba? May bisita kasi silang dumating kahapon nagkataon namang kaarawan ng isa sa kasapi ng pamilya kaya kinailangan talaga nilang kumuha ng kusinero." Paliwanag ni kuya Arch." Ah kaya pala." Sabi ko nalang at ipinagpatuloy na ang pagkain. Nang matapos akong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko at nagpaalam na kina kuya Ice at kuya Arch na magtutungo na ako sa'king kwarto upang makagayak na. Bago ako magtungo sa aking kwarto ay dumaan muna ako sa silid plantyahan at kumuha ng uniform. Ng makarating na ako sa'king kwarto ay agad na akong nagtungo sa banyo sa aking kwarto upang makaligo na. Nang matapos akong maligo at magbihis ay inayos ko na ang aking mga gamit at lumabas na ng aking kwarto. Sakto namang paglabas ko ay siya namang paglabas ni kuya Ice sa kanyang kwarto. Magkatapat lang kasi kami ng kwato ni kuya Ice habang isang silid naman ang layo ng kwarto ni kuya Arch sa'min.

Inismiran ko laman ito at nauna nang maglakad,ha kala niya siya lang marunong magsungit. Nang mapadaan ako sa may kwarto ni kuya Arch kalalabas lang nito dala ang walis,dust pan at garbage bag." Wala kang pasok ngayon kuya?"tanong ko dito." Wala. Pinaday-off kami ng Big boss namin para makapagpahinga daw kami."sabi nito at naglakad kaya sumunod na ajo sa paglalakad." Ah ganoon pala."sabi ko nalang." May pera ka ba baby girl?" Tanong ng tumigil ito kaya napatigil ako sandali." Ahm.. Wala na kuya eh...." Kamot ulo kong sabi ngumiti lamang ito sabay kuha ng wallet nito sa kanyang bulsa. Kumuha doon ng pitong daan tapos ibubigay sa'kin." Kuya ang laki naman po nito."sabi ko.
Ginulo lang nito ang buhok ko sabay ngiti ." Bayad ko na yan sayo dahil alam kong pera mo ang ginamit mo s a paggogrocery." Sabi nito kaya ngumiti nalang ako." Sige na nga. Salamat kuya ha?" "Naku wala 'yon baby girl. Sige baka malate ka pa sa klase.sabi nito kaya nagpaalam na ako at lumabas na ng bahay. Nang makalabas na ako ay agad na akong pumara ng traysikel patungong DS University.

Ng makarating na ako sa DSU ay agad na akong nagtungo sa class room at pagdating ko doon ay wala pang masyadong studyante sabagay maaga pa kasi. Naupo na ako sa upuan ko at nagbuklat ng libro magbabasa nalang muna ako habang naghihintay ng teacher. Nga pala muntik ko nang makalimutan may mga kaibigan na nga pala ako. Papasok sila Ella at Mikee? Pinagpatuloy ko nalang ang bagbabasa ko. Maya maya pa ay dumating na si Mrs. Bautista kaya nag-umpisa na ang klase namin. Mukhang hundi papasok ang nga yon kaya nakinig na lamang ako kay Mrs. Bautista.

Dumating ang lunch ay hindi parin pumasok sila Mikee kaya sa Canteen nalang ako kakain. Matapos kong makabili ng pagkain ay naupo na ako sa pinakadulo at tahimik na kumain. Nagulat nalang ako ng biglang may umupo sa harapan ko at ng magangat ako ng tingin ay napakunot ang noo ng makitang lalaki ito." Hai, Miss pwede bang makiupo?" Tanong nito." Ngayon kapa magtatanong eh nakaupo ka." Mataray na sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain. Tumawa lang ito baliw na yata tumatawa ng wala namang nakakatawa." Ang sungit mo naman Miss meron kaba ngayon." Natatawang sabi nito." Pwede ba Mister kung wala kang ibang sasabihin pwede tumahimik ka nalang." Naiinis na sabi ko." 'To naman parang binibiro lang eh. Sean is my name and you are?" Pakilala nito " Anchel" maikling sabi ko. "Ang tahimik mo naman. Tapos my pagkailag rin, kaya hindi mo ako nakita kanina ng pumasok ka." Mayamaya'y sabi nito kaya napaangat ako ng tingin dito.

"So sinasabi mong kakalase kita?"mataray na tanong ko." Oo at sa sobrang snaber mo hindi mo ako napansin kanina. Manhid ka nga rin yata eh, hindi mo kasi napansin na nakatitig ako sayo buong klase." Sabi nito. Ah so siya pala yung nakatitig sa'kin kanina." Oh eh naman ngayon kung hindi kita pinansin?" Mataray na tanong ko dito. "Wala lang. Gusto lang kitang makilala at isa pa gusto kitang maging maging kaiibigan."nakangiting sabi nito." Nakadrugs ka ba? Bakit mo naman ako gustong maging kaibigan eh sa dami dami ng tao rito ako pa ang naisipan mong kaibiganin." Mataray na sabi ko dito." Grabe ka naman gusto lang naman kitang maging kaibigan. Kailangan kapag kakaibigan ka ng isang tao naka drugs na agad. At saka isa pa kaya ikaw ang gusto kong kaibiganin kasi iba sa mga babae dito, ayaw nilang kaibigan ang tingin ko sa kanila gusto nila kaibigan. Kaya pumayag ka na, palong palo kana oh. Magkakaroon ka ng kaibigang gwapo,mayaman,makisig,
matapang, mabait at higit sa lahat hot." Nakangising sabi nito habang tinataas baba ang mga kilay. Napailing na lamang ako.

"Ano payag kana?"pangungulit nito." Hindi kaya tigilan ko ako"Mataray kong sabi. Napasimangot naman ito." Pumayag kana. Hindi naman nangangain ng tao eh. At saka wala akong masyadong kaibigan dito maliban sa nga tropa ko."sabi nito. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy na sa pagkain." Ano Anchel? Pumayag kana kasi parang nakikipagkaibigan lang eh." Nakasimangot na pangungulit niti." Tatahimik ka o isasak ko sayo 'tong buong plastic plate dyan sa bibig mo."matarayna pananakot ko dito." Grabe ka naman plastic plate agad hindi pwedeng pagkain muna."sabi nito kaya sinamaan ko lang ito ng tingin. " Sabi ko nga tatahimik na." Sabi nalang nito at umakto pang sinasarado ang bibig. Napailing na lamang ako ani kayang nakain ng isang 'to at trip ako ngayon.Mukhang kahit anong pilit kong umiwas at iwasan sila, ay wala na ajong magagawa dahil sila na mismo ang lumalapit upang makipagkaibigan sa'kin. Ok na rin yon ng sa ganon ay may mga kaibigan narin ako at hindi na ako matatawag na lonely. Hay! Buhay! Sila Mikee kaya kamusta na at bakit kaya sila hindi pumasok ngayon. Lunes na Lunes pa naman.

______________________________

Copyright 2018 ©ompodR

I'm His TutorHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin