Chapter 44

3.9K 85 0
                                    


Anchel's pov.

"Ahm, pasensya na kung naistorbo ko ang pag-uusap nyo,  babalik nalang siguro ako kapag tapos na kayong mag-usap."ate Kristine said and give us an apology smile. At akmang tutulak na palabas ng pigilan ito no kuya Arch. "Wait Kristine!  It's ok , tapos na rin naman kaming mag-usap. By the way may kailangan ka ba kaya ka naparito? "Tanong ni kuya. Tumingin muna sa 'kin si ate Kristine at muling ibinalik Kay kuya Arch ang tingin saka nagsalita.

"Ahm, ang totoo andito ako para sana kamustahin si Anchel at para na rin makausap siya. Iyon ay kung ok lang sayo? "Saad nito na bakas sa boses nito ang nanghihingi ng aprobal na payagan siya. Ano kaya ang dahilan at gusto akong makausap ni ate Kristine?

"Ah, ganoon ba?  Sige ok lang naman sa 'kin wala namang masama kung kakausapin mo siya ng magkakilala rin kayo. By the way this is Anchel my little sister and Mace this is Kristine. "Pagpapakilala ni kuya Arch sa bawat isa sa 'min. Ngumiti sa 'kin si ate  Kristine at ganoon din ako sa kanya.

"So paano, maiwan ko muna kayo at bibili na rin ako ng makakain. "Paalam ni kuya Arch sa 'min "Sige salamat. "Saad ni ate Kristine. Tumango naman ako kay kuya tumango rin ito bago tuluyang lumabas. Nakatitig lang ako kay ate Kristine hanggang sa makaupo ito sa silyang nasa kaliwang bahagi ng kamang kinahihigaan ko.

"Ahm... Kamusta na ang pakiramdam mo? Nakita kasi kita kagabi doon sa labas ng room ni baby Archie at buhat-buhat ni Vincent at walang malay. Nandito ako para kamustahin ang kalagayan mo at gusto ko rin sanang magsorry. "Saad nito habang nakatitig sa 'kin. Her blue eyes are so beautiful. At hindi mapagkakailang maganda talaga sya pero hindi matatago ng kagandahang iyon ang pagod at stress sa mukha at mga mata niya.

"Ayos naman na po ang pakiramdam ko,  masyado lang po siguro akong nagulat kaya ako nawalan ng malay. Saka bakit po kayo nagsososrry eh wala naman po kasyong nagawa sa 'kin. Ako pa nga po ang dapat na magsorry kasi hindi ko po nasabi ang tungkol kay baby kay kuya Arch. Kung nasabi ko lang kay kuya ng mas maaga baka sakaling may nagawa pa tayo para mabuhay sya."Sabi ko at bahagyang kumirot ang puso ko ng maalala ang nangyari. He's too young to leave. But may be it's his really time to be in peace.

Umiling-iling ito at mapait na ngumiti. "Hindi wala kang kasalanan. Ang totoo, gusto kong magsorry dahil nagsinungaling ako sayo. At sorry rin dahil kung hindi ko pinaalam sayo hindi ka aatakihin at wala ka sana dito at sana,  hindi mo na nalaman at nakita pa ang nangyari. "Saad nito na ikinakunot ng noo ko.

"What do you mean you lied? "Takang tanong ko. "Ang totoo, hindi talaga dengue ang sakit ni baby Archie, ang totoo.. He has a cancer.. a lung cancer just like his mother my sister. Nalaman nalang namin noong nilagnat sya ng sobrang taas at umubo na may kasamang dugo. And that time, nasa stage one na pala ang sakit niya.
    Hindi ko na alam ang gagawin ko, halos anim na buwan palang mula ng mamatay ang kapatid ko ang mama ni baby Archie tapos... Tapos nanganganib na namn ang buhay niya. Hindi ko inasahang ganoon kadaling mamamana ng bata ang sakit ng kanyang ina. Kaya lahat ng kaya ko at magagawa ko ginawa ko para gumaling sya–– pero hindi pa rin naging sapat. Nabigo pa rin akong iligtas sya. " Saad nito at napayuko at tuluyan ng napaiyak. Inalo naman ito ni Anchel.

"Shhh.. Huwag na po kayong umiyak ate, hindi niyo po kasalanan ang nangyari ang mahalaga po ay ginawa niyo ang makakaya nyo para mailigtas siya.
  Dahil bilang tao po ay may hangganan ang kaya natin para sa mga mahal natin sa buhay, dahil ang Diyos ang may mas kapangyarihan at may kakayahan kung papanatilihin pa sila sa piling natin o hindi na. Kaya 'wag nyo pong sisihin ang sarili nyo dahil wala po kayong kasalanan.
  Ang dapat nyo pong gawin ang maging matatag at matapang para harapin ang bukas at bagong yugto ng inyong buhay. "Mahabang litanya ko. Nag-angat ito ng tingin kaya kitang kita ko namumugto at lumuluha nyang mga mata saka ngumiti.

I'm His TutorWhere stories live. Discover now