Chapter 12

6.3K 106 3
                                    

Thirdperson's pov.

Nang matapos si Ice sa kanyang ginagawa ay naupo muna siya sa upuan kung saan naupo si Anchel kanina." Aish! Grabe ang sakit ng likod ko."bulong ni Ice sa sarili sabay hilot sa kanyang likod na nanakit. Napapikit siya habang hinihilot ito. Napamura at napatayo siya sa gulat ng biglang may padabog na naglagay ng bagay sa mesa malapit sa kanya." Oh. Kumain ka muna." Mataray na sabi ng nakababata niyang kapatid sa kanya." Fuck! Pwede ba Anchel 'wag ka ngang nanggugulat." Galit na bulyaw niya rito." Tss... Bilisan mong kumain dyan. Pagkatapos mong kumain hugasan mo yang pinagkainan mo. At pagkatapos umpisahan mo nang linisan ang kusina at ang hapag. Bilisan mo tumatakbo ang oras." Mataray na sabi nito at umalis na. "Augh! Ang duwendeng yun! 'Pag ako talaga napuno makakatikim na talaga sa'kin ang duwendeng 'yon." Inis na sabi ni Ice at inumpisahan nang kainin ang pagkaing inihanda ng kanyang kapatid.

Matapos niyang kumain ay agad na siyang nagtungo sa kusina at ginawa ang dapat gawin at linisn gaya ng sinabi ng kanyang kapatid/ boss. Linis dito, linis doon. Punas dito, punas doon. Pahinga sandali.. Tapos linis na naman. Ng matapos siya sa kusina ay nagtungo na siya sa sala dala ang walis,dust pan, balding may lamang tubig at map. At doon niya nadatnan ang kanyang kapatid na akala mo reyna sa pagkakaupo nito sa maliit na sofa na akala mo ay kanyang trono, napailing na lamang siya" Oh. Ano pang tinutungatunganga dyan? Simulan mo na o baka naman gusto mo pang ituro ko pa sayo kung ano ang gagawin mo." Mataray at taas kilay nitong sabi sa kanya. Napailing na lamang siya at nagsimula na muling maglinis. Linis dito,linis doon. Punas dito,punas doon. Walis dito,walis doon. Tumigil muna siya sabay hubad ng kanyang pang-itas na damit dahil kanina pa ito basa sa kanyang pawis baka magkasakit siya ng wala sa oras. Ng matapos na siyang maglinis sa buong bahay ay nagtungo na siya sa  kanyang kwarto upang malinis ito hindi na niya hinintay pa ang utos ng reyna baka hindi na siya makapagpigil at mabatukan na ito. Linis dito,linis doon. Walis dito,walis doon. Punas dito punas doon. Ayos dito,ayos doon. At sa wakas ay tapos na siya. Ng matapos na siya ay ibinalik na niya ang kanyang nga ginamit na mga paslinis at muling bumalik sa kanyang kwarto at pabagsak na siyang naupo sa kanyang kama.

"Fuck! Hindi ko na ulit gagalitin ang duwendeng yun. Mamamatay ako ng maaga sa mga pinapaga niya." Iling iling na bulong ni Ice saka tumayo na at nagtungo na sa banyo na nasa kanyang kwarto. Saktong paglabas niya galing banyo ay siya namang pagpasok ng kanyang kapatid. " See kuya. Ang gandang tingnan ng kwarto mo kapag malinis ." Nakangiti nang sabi nito. Saby upo sa kanyang kama. " Siguro naman bati na tayo?" Taas kilay na natong siya sa kapatid habang pinupunasan ang kanyang buhok na basa pa." Dahil good boy ka ngayon. Sige bati na tayo." Nakangising sabi nito. Napailing na lamang siya at tumabi sa pagkakaupo rito.

" Kuya?" Tawag nito sa kanya"Hhhmmm.." Sagot niya rito. "'Wag ka sanag magagalit  sa itatanong ko ha?" Alanganing sabi nito kaya napatingun siya rito." Depende sa tanong mo."sagot niya rito. "Eh kuya!" Nakapuot na sabi nito. Gunulo niya naman ang buhok nito." Ikaw talaga. Sige na nga hindi ako magagalit." Sabi niya dito. "Pronise?" Paninigurado nito." Primise!" Pangako niya sabay taas ng kanang kamay." Bakit ano ba ang itatanong mo?" Tanong niya dito. Bumuntong hininga muna ito."'Yong bang lalaki na pumanta dito kahapon siya na ba si papa?"umaasang tanong nito. Napaiwas naman siya ng tingin dito.

"Kuya naman! Sabihin mo na sa'kin 'yong totoo." Nagmamakaawang sabi nito. Napapikit siya napabuntong hininga." Yes he is."walang emosyong sabi niya." Kung ganon bakit?.. Bakit hindi mo sinabi sa'kin agad? Kuya bakit?!" Maluha luha na nitong sabi kaya napabuntong hininga siya at hinarap ito  at hinawakan sa mga braso at masuyong tinitigan. "Dahil ayo kong magkausap o magkalapit kayo" mahinahong sabi niya. "Pero bakit?"naguguluhang tanong nito." Dahil hindi ko gustong napalapit ang loob mo sa kanya.Dahil kapag nangyari 'yon hindi mo na kayang wala siya sa tabi mo at 'yon ang ayo kong mangyari. Dahil baka bigla na namansiyang mawala o kaya ay iwan na naman niya tayo baka hindi mo makaya ang sakit. Anchel pinuprotektahan ka lang sa samit na maaari mong maramdaman oras na mangyari 'yon. Anchel, mahal na mahal kita,namin ni kuya Arch. Kaya kung ang paglayo namin sayo sa kanya ang tanging paraan para maprotektahan ka namin sa sakit ay gagawin namin,gagawin ko."

"Pero kuya,gusto ko lang naman siyang makilala eh. Gusto ko lang namang makilala ang ama ko,natin. Gusto ko lang namang maramdaman ang pagmamahal  at pag-aalaga ng isang magulang kahit pagmamahal at pag-aalaga man lang ng isang ama. Masama ba 'yon?" Umiiyak na nasabi nito. Pinunasan naman niya ang mga luha nito at niyakap." Sshh! 'Wag ka nang umiyak baby girl. Hindi naman sa masama na makilala mo siya. Ang sa'kin lang hindi ko gustong maranasan mo ang sakit na naranasan namin ng iwan niya kami,tayo. Alam mo namang bawal sayo 'yon diba? Ayaw naming mawala ka sa'min! Ikaw nalang kasi ang tanging alaala namin kay mama. At ikaw lang ang prinsesa namin. Kaya sana maintindihan at maunawaan mo kami kung bakit kailangan naming ilayo at iiwas ka sa kanya. Mahabang paliwanag niya dito habang hinahagod ang likod upang patahanin.

"Naiintindihan ko po kuya! Sorry po kung hindi ko po naisip na gusto niyo lang pala akong protektahan. Sorry kuya! Sorry!" Umiiyak na sabi nito."Sshh! Tahanan na! 'Wag ka nang umiyak baka mapasama ka eh!"malumanay na sabi niya dito. Tumango lamang ito sabay yakap sa kanya ng mahigpit na sinuklian niya rin ng mahigpit na yakap. Nanatili sila sa ganoong pusisyon hanggang sa makatulog ito kaya inihiga niya ito sa kanyang kama. Tinabihan niya naman ito dahil iidlip dun siya dahil pagod na rin siya. Hinaplos niya ang mukha ng kapatid." Salamat at naiintindhan mo. Hayaan mo kapag sigurado na akong hindi na siya aalis at hindi na siya mang-iiwan muli ako mismo ang maghahatid sayo sa kanya. Pero sa ngayon hayaan mo muna kaming ilayo at protektahan ka. I love you baby sis!"malumanay na sabi niya sa kapatid at hinalilan ito sa noo at pumikit na.

______________________________

Copyright 2018 ©ompodR     

I'm His TutorWhere stories live. Discover now