Chapter 08

7.3K 108 0
                                    

Thirdperson's pov.

Napapikit si Arch sa nakita." Hinding- hindi ako magpapaapekto sa kanya!" Mas humigpit ang pagkakakuyom ng mga kamao ni Arch upang pakalmahin ang sarili dahil kapag hindi niya ginawa iyun ay baka sumabog siya bigla at mabugbug ang taong nasa harapan niya." Maiwan ko po muna kayo Mr. Villamor ng sa gayon ay makapag-usap kayo ng maayos."pormal na sabi ng boss niya na tinanguan lang ng huli.

Nang makaalis na ang kanyang boss ay isang mahabang katahimikan ang bumalot sa silid na iyun. Pawang nagpapakiramdaman ang dalawa." Anong kailan mo sa'kin at gusto mo akong makausap?" Mariing tanong ni Arch dito ."Ana-" "'Wag na wag mo akong matawag tawag na anak! Dahil ng umalis at iwan mo kami! Pinatay at kinalimutan ko nang mayroon akong amang walang kwenta kagaya mo!" Sigaw na sabi ni Arch dito,hindi na niya kayang pigilan pa ang sarili basta ang alam niya ngayon ay galit siya.

"Anak pakiusap pakinggan mo muna ak-" "Bakit! Pinakinggan mo ba ang pakiusap ni mama sayo na wag mo kaming iwan ha! Pinakinggan mo ba ang pagmamakaawa namin ni Ice na wag ka nang umali! Diba hindi?! Tapos sasabihin mo sa'kin yan!"galit na sigaw ni Arch." I'm so sorry son! I'm really sorry! Hindi ko gusto ang saktan at iwan kayo!" Lumuluha nang sabi nito

"Hindi mo gustong saktan at iwan kami?! Pero yun ang ginawa mo! Alam mo kung anong hirap ang dinanas namin ng iwan mo kami lalong lalo na si mamaa! Halos araw't gabi siyang umuiiyak simula ng iwan mo siya! At alam mo kung anong mas malala?! Muntik ng makunan si mama! Muntik ng mawala sa'min Mace!" Umiiyak na ring sabi ni Arch.

"Kung hindi pa ako nakiuusap kay mama na kahit ilang buwan at araw lang kalimutan ka muna niya,ang pang-iwan mo para sa kaligtasan ng kapatid namin ,ni Mace! Naipanganak nga niya si Mace ng maayos at ligtas pero.." Pumiyok siya." Pero binawian naman siya ng buhay! At ng dahil sayo yun! Ng dahil sayo hindi manlang nakita,nasilayan,
nahawakan at nayakap ni Mace si mama! Lumaki siyang hindi man lang naramdaman ang kalinga at pagmamahal ng isang ina! At dahil yun sayo!" Umiyak na sabi ni Arch punong-puno ng galit na natitig sa kanyang ama.

"I'm so sorry anak! I..I didn't know! "Umiiyak na ring sabi nito ." Paano mo malalaman ni sulat o kahit isang text at tawag wala ka man lang naibigay! Anong klase kang ama at asawa.. Oh,hindi nga pala kayo kasal ni mama na ipinagpapasalamat  ko dahil hindi ko dala ang palyedo ng taong nanakit at pumatay sa mama ko.'' Galit na sabi Arch at marahas na pinunasan ang kanyang mga mata at mukha na basa na sa kanyang pagluha .

"Anak hindi ko gustong iwan kayo! Kung alam mo lang kung gaano kasakit para sa'kin ang makita kayong nasasaktan habang nagmamakaawa sa'kin na huwag kayong iwan, anak ang saki sakit! Kung may pagpipiliaan lang ako hindi ko kayo iiwan. Pero kung mas pinili kong manatili sa piling niyo,siguro....siguro wala na kayo ngayon. Anak nasa panganib ang buhay niyo ng mga panahon na yon at ang paglayo ko lang sa inyo ang tanging paraan para maprotektahan at mailigtas ko kayo! Mahal na mahal ko kayo kaya kong ang paglayo ko ang tanging paraan upang maligtas at manatili kayong buhay ay gagawin ko. Kaya sana anak mapatawad mo ako." Mahabang sabi nito na may pagsusumamo sa kanyang boses.

I'm His TutorWhere stories live. Discover now