Chapter22

5.7K 95 0
                                    

Mikee's pov

Nagising ako sa kalagitnaan ng aking tulog ng makaramdam ako ng pagkauhaw kaya bumangon ako at lumabas ng kwarto ko upang magtungo sa kusina. Nang matapos akong  uminom ng tubig ay nagpasiya na akong bumalik sa kwato ko. Paakyat na ako ng makasalubong ko sina manang Sonia, at isa sa mga guwadya namin na si Mang Carlo na inaalalayang iakyat si kuya Lucas patungo sa kwarto nito habang inaalalayan namang maglakad nina kuya Ben na hardeniro namin at ni ate Sally si Kyle paakyat patungo sa guest room. Sinuddan ko naman sina manang Sonia papunta sa kwarto ni kuya para tulungan silang ihiga ito sa kama. Matapos naming maihiga so kuya, lumabas na sila manang sa kwarto at ako naman ay inayos so kuya at binihisan. Matapos ko siyang mabihisan at makumutan ay lumabas na rin ako ng kwarto niya at nagtungo sa guest room para tingnan kung maayos na ba doon si Kyle. Nang makita kong wala sa ayos ang kumot ni Kyle, lumapit ako sa kama nito saka siya kinumutan ng maayos. Akmang aalis na ako ng mahawakan nito ang kamay ko. "K-kyle. "Tanging nasambit ko nalang dahil sa gulat. "D-dito ka lang . 'Wag ka munang umalis. "Paos na sabi nito.

Kalahating oras yata akong nakatayo habang hawaka ni Kyle ang kamay ko kaya nagpasiya na akong kunin ito dahil antok na rin ako. Dahandahan kong hinugot ang kamay mula sa pagkakahawak ni Kyle at ng malapit ko ng makuha ang kamay ko ng bigla nitong hilahin ang kamay kaya napahiga ako sa may dibdib niya at ang malalapa, nagdikit ang mga labi namin. Dilat na dilat ang mga mata ko at halos manigas ang buo kong katawan dahil sa kaganapang iyon. Nang maramdaman kong gumalaw ang mga labi ni Kyle ay doon na ako natauhan buong lakas ko siyang itinulak at dali-daling tumakbo palabas ng kwartong iyon. Nang makarating ako sa kwarto ko ay agad akong humiga at nagtalukbong ng kumot habang nakahawak sa aking dibdib dahil sa sobrang bilis ng dibok nito. Halos hindi ako nakatulog dahil doon, namalayan ko nalang madaling araw na akong nakatulog.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Anchel's pov.

Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya agad na akong  nag-ayos ng kama no at pagkatapos ay naligo na. Matapos kong maligo at magbihis ay lumabas na ako ng aking kwarto at nagtungo sa kusina upang magluto ng agahan namin. Nakabusangot ako habang nagluluto, iniisip ko kasi king paano ko sasabihin kay kuya na nagkaroon na ako ng guidance. Alam ko namang maliit na problema lang 'yon pero kahit na ganoon nagkaroon parin ako ng hindi magandang record. At saka first time kong magkaguidance noh, sa nine years na naging studyante ako ngayon lang ako nagkaguidance at dahil 'yon sa walang hiyang Vougn na 'yon. Bwisit! Hindi bagay ang pangalan na Vougn sa kanya ang bagay na pangalan sa kanya ay 'yong second name niya 'yong Damon because his a Damon. Nanggigil na bulyaw ko sa aking isipan. "Sure ako hindi masarap 'yang luto mo nakabusangot ka kasi. "Muntik na akong mapatalon ng biglang may nagsalita sa may gilid ko at ng lingunin ko ito si kuya Ice lang pala. Inirapan ko nalang ito at nagpatuloy na sa pagluluto.

Matapos kong magluto ay naghain na ako tama namang pagdating ni kuya Arch. "Good morning kuya Arch. " Matamlay na bati ko kay kuya Arch at naupo na ako. "Good morning din, pero mukhang hindi good ang morning mo baby girl. Hindi ba maganda ang gising mo baby girl? "Tanong ni kuya Arch pagkaupo niya."Nanaginip lang ako ng hindi maganda kuya. " pagsisinungaling ko. "'Wag mo nang isipin 'yon baby girl panaginip lang 'yon"pagpapagaan ng loob na sabi ni kuya Arch na sinuklian ko  na lang  ng tipid na ngiti at kumain na. Matapos naming kumain ay nagpaalam na akong aalis na. Nang makarating ako sa DSU ay agad na akong nagtungo sa classroom namin. Habang naglalakad ako hall way, masasamang tingin ang tumatama sa'kin sa tuwing may nakakasalubong o may nadaraan akong studyante at ang iba naman ay nagbubulungan kapag napapadaan ako sa pwesto nila.Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Nang makarating ako sa classroom ang mga boys, si Mikee, Sean, Trina at iba lang naming mga kaklase ang naroroon mukhang hindi pa papasok si Ella ngayon. Buti nalang at hindi pumasok ang asungot na 'yon kundi sira na naman ang araw ko. At ang nakakapagtaka wala sina Kyle at Chris. "Mikee hindi pa ba makakapasok si Ella? "Tanong ko Kay Mikee ng makaupo ako. Pero wala akong salita na narinig dito kaya kinalabit ko na ito gulat pa siyang napatingin sa'kin.

I'm His TutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon